Bangs Garcia on shunning sexy roles: "I think I have proven myself in that genre for a long time already, e."

Bangs Garcia on leaving Star Magic: "I wanna expand my horizon, I want to explore, I want a new environment."


Buong buwan ng Mayo ay mapapanood si Bangs Garcia sa sitcom ng TV5 na Mac & Chiz.

Wala na siyang kontrata ngayon sa ABS-CBN at umalis na rin siya sa poder ng Star Magic para lumipat sa Viva Entertainment.

Kaya nang nagkaroon ng story conference ang BG Productions International para sa pelikulang Tupang Ligaw, noong May 5, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktres kung senyales ba ito ng posibleng paglipat niya sa Kapatid Network?

Sagot ni Bangs, "Lagi akong kinukuha ng Mac & Chiz, hindi ko nga rin alam kung bakit."

Paano kung mag-offer ang TV5?

“Well, Viva ang magde-decide nun.”

Sa tingin ba niya, napabayaan siya ng Star Magic kaya siya lumipat sa Viva?

“Not really... Like what I’ve said earlier, I wanna expand my horizon, I want to explore, I want a new environment.

“I will always be thankful to Star Magic kasi seven years din ako sa kanila, doon ako nakilala.

“But siguro, it’s about time I experience na ma-manage naman ako ng iba.”

Dagdag pa ni Bangs, “Ang bilis nga ng development sa career ko.

“I just signed up with Viva last month at binigyan agad nila ako ng album.

"Ilu-launch ito very soon at may music video rin ito."

LIE LOW. Bida rin si Bangs sa Tupang Ligaw, kung saan kasama niya sina Matteo Guidicelli, Paolo Contis at Rico Barrera.

Ano ang role ni Bangs dito?

“Iyong role ko dito ay GRO, pero may action scenes ako dito.

“Ready naman ako sa mga ganyang eksena, nag-aral naman kasi ako ng wushu.”

Sinabi rin ni Bangs na gusto niyang maiba ang kanyang career track at sumabak naman sa drama at action.

“Originally ay kinukuha ako ng ABS sa Pasion de Amor, pero kasi masyadong sexy yung role.

"Lie-low muna kasi ako sa mga sexy na role, gusto ko nga muna ay mag-focus sa romantic comedy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung magkakaron ako ng TV show, ganoon ang gusto ko sana.

“Actually po, honestly, sa pag-sign ko sa Viva ay hindi po namin inisip na magpo-focus sa pagpapa-sexy.

“I think I have proven myself in that genre for a long time already, e.

“Ayaw kong maging redundant, so gusto ko ay focus talaga muna ako sa drama ngayon and action.

“Gusto ko kasing maging versatile.”

EXEMPTION. Ngunit kung may darating na napakaganda talagang movie project, doon lang daw posibleng magbago siya ng isip sa pagpapa-sexy.

“Ayaw ko lang maging redundant. Gusto ko na maging balanse.

“Ayaw ko lang na, porke sexy ang image ko, puro sexy na lang lahat ang gagawin kong project.

“Hindi puwedeng ganoon lagi, kailangan may variety para makita ng mga tao na flexible ako.

“Na versatile ako at puwede sa lahat,” saad pa niya.

Kapag magandang project, puwede bang mas maging daring pa sa ginawa niya sa Lauriana?

Ayon kay Bangs, “Iyong sa Lauriana, mabuti na lang at parang may napatunayan ako doon.

“Isang scene lang iyon na sexy, tapos wala na. One time, big time lang iyon, kumbaga.

“So, puwede pa rin akong magpa-sexy, depende sa project kung maganda talaga. It can be talked about.

“Pero ayaw ko lang iyong may mga frontal nudity, iyong mga ganyan…”


ACTING AWARD. Nasabi rin ni Bangs na kabilang sa bucket list niya ang manalo pa ng acting awards. Ano ang plano niya para ma-achieve ito?

“Depende, puwede ko rin namang i-prove iyon hindi lang sa drama, e.

"Puwede rin naman sa romantic comedy, hindi ba?

“Bakit sa Segunda Mano, nanalo akong Best Supporting Actress [sa PASADO Awards noong 2012]?

“Comedy naman ako doon, horror-comedy yun, hindi ba?

“So, hindi siya laging about drama. Nasa acting talaga iyan.

“Doon mo makikita iyong challenge bilang artista, kung paano mo mapapabilib iyong audience.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa Tupang Ligaw, sinabi rin ni Bangs ang iba pang mga pelikulang ginagawa niya ngayon.

“Matatapos na namin iyong Pulis Maynila, directed by Wiliam Mayo at kasama ko rito sina Jeric Raval and Mark Anthony Fernandez. May special participation din si Senator Lito Lapid dito.

“'Tapos sa Regal, mayroon pa akong movie with them, kasama ko sina Carla Abellana and Tom Rodriguez.

"Ang title is No Boyfriend Since Birth at ito’y directed by Jose Javier Reyes. Isa po itong romantic comedy.”


NUDE PAINTER. Bukod sa pagiging actress at singer, isa ring painter si Bangs.

Kaya inusisa siya ng PEP na kung may celebrity siyang gustong i-paint nang nude, sino kaya ito?

“Hindi ko alam!” nakatawang pahayag niya habang nag-iisip ng isasagot.

“Pero kung mayroon talaga, Hollywood star ang gusto kong i-paint ko.

“Siguro si Jensen Ackles, iyong sa TV series na Supernatural,” nakangiting tugon ng aktres.

How about Piolo Pascual?

“Yeah, of course, wht not? Si Piolo ay sexy rin, e.

PHIL YOUNGHUSBAND. Kumusta na sila ni Phil Younghusband, na inamin niyang naka-date niya noon?

Nakangiting pahayag ni Bangs, “Okay lang, friends kami, friends pa rin.

“We’re good friends pa rin naman, it’s just that wala siguro kaming chemistry, walang spark.

“Mabait si Phil, but he’s too laidback for me. I wish him well.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN