Jimboy Salazar denies he has AIDS; looking for a female companion after breakup with ex-boyfriend

Jimboy Salazar: “Bilang gay, siguro may makakatanggap naman sa akin na babae na normal relationship, na yun ang ending. Yun ang pinaka-happy na ending pag may makatanggap sa akin na babae.”


Muling humarap ang singer at dating miyembro ng That's Entertainment na si Jimboy Salazar sa Startalk para linawin ang kumakalat na balitang may AIDS (acquired immunodeficiency syndrome) daw siya.

Maingat naman daw siya pagdating sa kanyang sexual activity, lalo na ngayong hiwalay na siya sa kanyang boyfriend na si John Danan, na isa ring comedy bar host at singer.

Noong 2014 ay inamin ni Jimboy sa Startalk ang totoo niyang pagkatao at ang pagkakaroon ng relasyon sa kapwa lalaki, at ang balak na nilang pagpapakasal.

Pero ngayon ay hiwalay na sila at nalaman na lang daw niyang nagka-girlfriend na si John.

Lahad ni Jimboy, “Bigla na lang siya umalis, sabi niya pupunta siya ng Singapore.

“Yun pala, wala na siyang ipon. Hindi ganun kadali ang mag-prepare ng wedding, e.

“Hanggang sa nabalitaan ko na lang na may ano na daw siya dun, girlfriend.

“Wala siyang inaano, nabalitaan ko lang. Hanggang sa hindi na kami nag-uusap.”

JIMBOY’S HEALTH. Tungkol naman sa kanyang kalusugan, lumalala na raw ang karamdaman niya kaya na-confine siya sa hospital.

Doon ay tuluy-tuloy nang bumagsak ang katawan ni Jimboy.

Kalalabas lang nga raw ng hospital ni Jimboy nang nakapanayam siya ng Startalk.

Lahad niya, “Na-confine ako for eight days.

“Bumigay na yung katawan ko, kada-diet, trabaho, show, lagare... hanggang sa pinagpapawisan na ako, stress, pressure.

“Then, bumigay na ang katawan ko, hanggang sa naramdaman ko na lang, after one month, pumapayat na ako.”

Pagpapatuloy nito, “Naloloka na ako nung naramdaman ko na para akong sinasakal na hindi ako makahinga.

“Sabi ko, 'Ano 'to?'

“Hanggang sa putlang-putla na ako, hindi ko na napapansin ang katawan ko.

“Sumabay pa yung kay John, yung breakup namin.

“Hindi na nga natuloy ang wedding na pinaplano namin.”

Sabi ni Jimboy, may pneumonia siya at iyon ang ipinapagamot pa niya hanggang ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nung na-confine ako, may pulmonya, nabalutan ng plema yung buo kong baga, yung sa dibdib ko.

“Nagpa-check-up nga uli ako kahapon, binigyan ako ng gamot kasi may sipon pa po yung baga ko, saka yung katawan ko.

“So, kailangan pang tanggalin yung sipon para mawala yung hingal,” paliwanag ni Jimboy, na patigi-tigil ang pagsasalita dahil sa kinakapos siya ng hininga.

NOT AIDS. Malaki ang ibinagsak ng kanyang katawan na napakalayo sa dati niyang hitsura.

Kaya tinanong ulit siya kung hindi ba siya nagdududang baka HIV-positive siya. Nagpa-AIDS test na ba siya?

“Ay, wala!” bulalas nito.

“Hindi po pumasok yun kasi malayo pong mangyari, kasi maingat po ako sa ganun.

“Saka kumbaga, maingat po ako sa ganyan.

“Hindi ko naman ginagawa yung, alam niyo na, yung grabeng sexual preference.

“Ang naisip ko nga po, baka nga dahil sumobrang payat ako, nagkaroon ako ng ano sa baga, magkatama ako, hindi naman.

“Nagpi-pray ako, salamat naman at ligtas ako.

“Pulmonya siya, medyo broncho na, e,” medyo nalilito pang paliwanag ng dating karelasyon ni Mahal.

Dagdag pa niya, “Kahit na gay ako, ang pagka-gay ko naman kasi, bisexual lang ako.

“Hindi naman ako bigay na bigay na ginagawa nila yung brutal na ano sa akin.

“Kasi maingat ako, malayo mangyari yung AIDS.

“So, yung tsismis na yun, nakakatawa lang.”

NO FAMILY. Medyo naging emotional naman si Jimboy nang ibinulalas niya ang kanyang saloobin pagkatapos niyang magkasakit.

“Dun ko na-realize na wala akong family.

“Mother ko, meron na siyang ibang family.

“Father ko, matanda na, hindi na po niya kaya.

“Mag-isa na lang ako.

"Minsan, na-realize ko na kailangan ko pala ng pamilya.

“Sana pala nagkaanak po ako sa isang relationship sa isang girl.

“Ang hirap pala ng walang kaagapay.

“Dun ko na-realize na mahirap pala na wala kang pamilya,” naluluha niyang pahayag.

Humingi raw ng patawad si Jimboy sa kanyang ina dahil gusto na niyang baguhin ang direksiyon ng kanyang buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sinabi ko sa mother ko na patawarin ako, kasi may oras na nakakalimot po ako pati sa Itaas.

“Doon po ako kumakapit talaga sa Kanya.

“Gusto ko na magsimula na sa buhay. Gusto ko na magkaroon ng direksiyon.

“Magulo ang life ko kaya po nangyayari yun mga ganung bagay, na minsan hindi na ako normal.

“Minsan parang feeling ko, asan sila?

“Kasi nga, broken family, kasi nga magulo po.

“Nag-iisa ako sa buhay ko, nag-i-struggle ako.”

Bilang pagsisimula ng bagong buhay, isa sa hiling ni Jimboy ay mayroon daw sanang babaeng tanggapin kung anuman siya.

“Bilang gay, siguro may makakatanggap naman sa akin na babae na normal relationship, na yun ang ending.

“Yun ang pinaka-happy na ending pag may makatanggap sa akin na babae,” sabi ni Jimboy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN