Katrina Halili not worried about being branded a lesbian: “Bakit ako matatakot? Kilala ko naman yung sarili ko.”

Katrina Halili says she’s happy being single, and isn’t looking for a relationship: “Hindi po. Simula nung nagkaanak ako, hindi na talaga. Masaya na ako. Sa bahay nga lang ako, e. Dati kailangan yung friends ko pupunta sa bahay, or magkikita kami. Ngayon puwede nila akong dalawin, okay lang sa akin.”


Tinanong namin si Katrina Halili kung sino ang peg niya sa papel niya bilang lesbyanang si Wila Mateo sa The Rich Man’s Daughter (TRMD).

“May pinanood po ako e, yung Orange Is The New Black.

“Pero hindi ko na siya masyadong... nung nakita ko yung parang lambingan nung dalawang babae, sabi ko, ‘Ay!’

“Sabi ko, ‘Okay na 'yan, okay na 'yan! Siguro isipin ko na lang yung babae, lalaki siya.’

“Ganun, yun na lang. ‘Okay na, okay na!’” natatawa niyang kuwento.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Katrina sa presscon ng The Rich Man’s Daughter noong May 4, Lunes, sa Studio 6 ng GMA Network Center.

HAPPY FOR MARIAN'S PREGNANCY. Hiningan naman namin ng reaksyon si Katrina sa pag-atras ni Marian Rivera, dahil sa kanyang maselang pagbubuntis, sa naturang GMA drama series na ipapalabas na sa Lunes, May 11.

“Siyempre alam ko naman din po yung nangyari kay Marian kaya happy naman ako.

“Masaya po ako kasi nga buntis siya, e. So kailangan safety ng baby muna.

“May lungkot po pero mas okay na rin na ganun kasi 'di ba, kunyari, siyempre dahil buntis siya, kailangan umuwi siya ng maaga, matulog siyang maaga, 'tapos mamaya may kailangan for airing, 'di ba?

“Alam mo yung mai-stress lang siya sa taping kaya mabuti na rin yun,” pahayag niya.

Naintindihan daw ni Katrina ang kagalayan ni Marian dahil pinagdaanan na rin iyon ni Katrina noong buntis siya sa anak niyang si Katrence o Katie.

“Oo. Siyempre ako rin dati, kailangan kong matulog, magpahinga,” sabi niya.

Si Rhian Ramos ang pumalit sa papel sana ni Marian bilang si Jade Tanchingco.

Dagdag pa nito, “Okay naman po, nakatrabaho ko na rin naman si Rhian sa Lupin, sa Indio.”

Nasa TRMD rin sina Luis Alandy bilang si David Limjoco at si Glaiza de Castro bilang si Althea Guevarra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mahalagang papel rin sa naturang GMA drama series si Mike Tan bilang Paul Tanchingco, Chynna Ortaleza bilang Batchi Luna, Sheena Halili bilang Sally Apolinario, Paolo Contis bilang Anton Maceda, TJ Trinidad bilang si Gabriel Tanchingco, Charee Pineda bilang Angeline San Jose, Pauleen Luna bilang Pearl Sy-Tanchingco, Stephanie Sol bilang Abby Luna, at si Ms. Gloria Romero bilang Cecilia “Ama” Tanchingco.

Kasama rin sa serye sina Al Tantay bilang Oscar Tanchingco, Tony Mabesa bilang John “Angkong” Tanchingco, at Glydel Mercado bilang Amanda Tanchingco.

LESBIAN EXPERIENCE? Dahil ang karakter ni Katrina sa TRMD ay nakipagrelasyon sa isang lesbian, may nagtanong sa aktres kung may tendency ba siya na pumatol sa isang tomboy sa tunay na buhay?

“Wala naman po,” mabilis niyang tanggi.

Ni hindi raw niya naranasan na maligawan ng tomboy.

Pero may pagkakataon ba na na-attract siya sa kapwa niya babae?

“Hindi, ano lang, nagagandahan,” pahabol pa niya.

Sino ang girl crush ni Katrina?

“Marian! Kasi nung nagsu-shoot sila, siyempre kitang-kita namin, sabi ko, ‘Hindi mahihirapan si Glaiza dito!’

“Ang ganda-ganda ni Marian, e!” pagpuri niya.

Dahil tungkol nga sa lesbianism ang TRMD at loveless si Katrina, wala ba siyang fear na baka paghinalaan na nga siyang isang tomboy?

“Hindi. Bakit ako matatakot? Kilala ko naman yung sarili ko,” diin niya.

At sa tanong kung loveless nga ba siya?

“Punumpuno ako ng pagmamahal!” bulalas niya.

Pagmamahal mula raw sa kanyang pamilya, mga kaibigan at anak na si Katie.

“Boyfriend, wala.”

HAPPILY SINGLE. Hindi ba mahirap na wala siyang karelasyon?

Aniya, “Hindi po. Simula nung nagkaanak ako, hindi na talaga.

“Masaya na ako. Sa bahay nga lang ako, e. Dati kailangan yung friends ko pupunta sa bahay, or magkikita kami.

“Ngayon puwede nila akong dalawin, okay lang sa akin.”

Masaya siya na magkasama sila palagi ng anak niya.

Kahit raw pakikipag-date ay hindi ginagawa ni Katrina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magkaibigan sila ng ama ni Katie na si Kris Lawrence.

“Opo, nagkikita kami. Nagkakausap din kami, because of Katie,” pakli niya.

May pagkakataon ba na lumabas sila ni Kris on a date?

“Siguro pag kunyari nagkataon lang na may, like kagaya nung nakaraan pumunta kami sa school ni Katie, after, nag-lunch, ganun.

“Walang malisya,” at tumawa si Katrina.

NO RECONCILIATION WITH KRIS. Ano ang chance na magkabalikan sila ni Kris?

“Wala na. Mas okay kami as friends,” diin niya.

Hindi na niya mahal si Kris?

“Mas okay kami as friends,” ulit niya.

Mahal na lang niya si Kris bilang kaibigan?

“Yes.”

Si Kris, sa pakiramdam ba niya ay mahal pa siya nito?

Saad niya, “Hindi ko po alam, e. Basta ako mas walang hassle, walang complication, mas okay kami na ganito yung set-up.”

Ngayong lumalaki na ang anak niya, nagtatanong na ba si Katie kung bakit hindi magkasama ang mga magulang niya sa iisang bahay?

Lahad niya, “Hindi naman.

“And kahit naman noong nanganak ako, ever since naman dumating si Katie ganun yung set-up namin. Pumupunta-punta lang si Kris, hindi naman siya natutulog dun.”

Inihahanda na ba ni Katrina ang mga isasagot niya kay Katie kapag nagtanong na ito?

“Ihahanda ko yung sarili ko. Pero I’m sure maiintindihan niya yun kasi, di ba, mahirap naman na magsama kami ni Kris para lang kay Katie.

“Mas maaapektuhan siya kung magsama kami 'tapos hindi naman kami masaya,” pahayag pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN