Rhian Ramos disappointed with Floyd Mayweather Jr.’s "hug and run" boxing style: “Sana nag-track and field na lang siya.”

Rhian Ramos praises Manny Pacquiao despite losing to Floyd Mayweather, Jr.: “I was so proud of him because of the way that he fought. Kasi alam mo yun, nakita ko na sumaya yung mga tao dahil sa kanya. Hindi dahil sa ilag-ilag, or sa pagiging careful ni Mayweather. Nag-enjoy yung mga tao dahil lumaban si Pacquiao, ’di ba?”


Dahil isang teleserye ang The Rich Man’s Daughter, may limitasyon ang pagiging mapangahas ng mga eksenang lesbyanismo sa pagitan nina Rhian Ramos (bilang Jade Tanchingco) at Glaiza de Castro (bilang Althea Guevarra).

Paano kung isang indie movie na tungkol rin sa relasyong babae-sa-babae, na may mga matinding eksena ng pakikipagtalik sa kapwa niya babae ang iaalok kay Rhian, tatanggapin kaya niya? Kakayanin kaya niya?

“Sa tingin ko, oo! Kaya pa rin.

“Kasi maganda yung story and it’s a story na I feel people are ready to hear.

“And siguro it’s time na din to open the conversation.”

Hindi kaya siya mahirapang magpaalam sa mga magulang niya kung sakaling sasalang siya sa torrid kissing scenes at bed scenes sa kapwa niya babaeng artista?

Kuwento ni Rhian, “Nung una, pinagbabawalan ako ng mommy at daddy ko na mag-kissing scene at all! Hindi sa girl, pero sa lahat.”

Sumunod siya sa pagbabawal na iyon?

“Hindi!” bulalas niya.

TRUE TO HER ROLE. Ang pinakauna niyang kissing scene ay kay Richard Gutierrez noon sa Captain Barbell.

Hindi naman raw nagalit ang mga magulang niya nang gawin niya iyon.

“Tinanggap nila na, ‘Okay, gusto niyang maging actress, e!’

“Yung ganun,” at tumawa si Rhian.

“Kasi in-explain ko na, “Paano yung sasampalin ako, pagbabawalan n'yo kasi bawal akong masaktan?’

“'Di ba? Hindi puwede, e. Kasi trabaho ko ito.

“So I think at this point na almost ten years na ako doing this job, I think they already know na kapag may magagawa akong isang bagay para mas realistic yung pagganap ko, gagawin ko.

“And alam na nila yun so I don’t think pagbabawalan nila ako.”

Siya mismo sa sarili niya, kaya niya ang ganoong kadelikadong eksena?

“Kung daring 'tsaka sexy, siguro hindi ko siya tatanggapin ng ganito, yung short notice? Siguro I would ease myself into that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro iyon yung difference. Kung daring at sexy siya, bibigyan ko yung sarili ko ng time para pag-isipan talaga.

“Kasi ito [The Rich Man’s Daughter], biglaan siya, e. And alam mo yun, wala nang isip-isip yung pag-reply ko.”

Tatlong araw lang raw bago ang actual taping nang sabihan siya na siya ang papalit kay Marian Rivera sa TRMD.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rhian sa presscon ng The Rich Man’s Daughter noong Lunes ng gabi, May 10, sa Studio 6 ng GMA Network Center sa Timog Avenue, Quezon City.

NO LESBIAN EXPERIENCE YET. Tomboy ang papel ni Rhian sa naturang teleserye; naligawan na ba siya ng tomboy sa tunay na buhay?

Ani Rhian, “Never pa! Never.”

Bakit? Sa ganda niyang iyon?

“Ewan ko,” at tumawa si Rhian.

Sa palagay ba niya ay hindi siya attractive sa mga lesbians kaya wala pang nanligaw sa kanya?

“Never ko pa na-experience, e. Kasi ako, well sure ako sa sarili ko na straight ako. 'Cause I find boys guwapo, 'di ba,” at muling tumawa si Rhian.

“And so far, everyone I’ve been attracted to is a guy.

“Pero ayun nga, e, yung pinag-iisipan ko, yung katulad kasi ni Jade, akala niya din buong buhay niya straight siya, e.

“Isang araw lang talaga, may nakita siyang tao and iba yung naramdaman niya.

“So iniisip ko, posible ba yun mangyari sa akin?”

GIRL CRUSH ON LOVI. Sinasabi ba niya na baka isang araw ay madiskubre niyang tomboy pala siya?

“Hindi ko alam, e. Kung totoong nangyayari yun minsan, e 'di ibig sabihin anyone can…

“'Di ba? It can happen to anyone. But so far, I just, so far, I’m straight!”

Halimbawang nadiskubre niyang tomboy nga siya, sino ang liligawan niya at nanaisin niyang maging girlfriend?

“Si Lovi,” at tumawa si Rhian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biniro namin siya na lagot siya sa boyfriend ni Lovi Poe na si Rocco Nacino.

“Tanungin natin si Rocco, I’m sure masayang kasama si Lovi!”

SUMMER PLANS. Dahil tag-init, inalam namin kung ano ang summer plans ni Rhian.

“Wala! Wala akong summer vacation.

“Nung Holy Week, yung boyfriend ko nag-check in sa isang hotel sa Alabang.

“Kasi doon ako nakatira, hindi talaga ako umalis nung Holy Week so yung boyfriend ko nag-check in sa isang hotel na malapit sa bahay namin.

“So during the day, pinupuntahan ko siya, swimming kami, kain kami buffet, mga ganun. And then pag gabi uuwi na ako sa bahay.

“So iyon yung parang na-feel ko na summer kasi nag-swimming kami,” at muling tumawa ang aktres.

“Two nights siya doon, so two days lang ako nakapag-swimming.

“Iyon na.”

PROUD OF PACMAN. Nakatrabaho na ni Rhian dati si Manny Pacquiao sa Kapuso variety-game show na Manny Many Prizes.

Ano ang saloobin niya sa pagkatalo ng Pambansang Kamao sa laban nito kay Floyd Mayweather Jr.?

“Well, I was so proud of him because of the way that he fought.

“Kasi alam mo yun, nakita ko na sumaya yung mga tao dahil sa kanya. Hindi dahil sa ilag-ilag, or sa pagiging careful ni Mayweather.

“Nag-enjoy yung mga tao dahil lumaban si Pacquiao, 'di ba?

“So I was so happy, nakita ko na he prepared so hard for it, 'no?

“And he was still in such good shape, ang bilis niya pa rin, 'di ba?

“I think it would’ve been a more interesting fight if Mayweather fought, 'di ba? Kung nag-fight din siya. But parang Mayweather was so careful.

“I was so proud of Pacman and so disappointed with Mayweather.”

Para ba sa kanya, tulad ng marami, ay si Pacquaio dapat ang nanalo?

“Well kung usapang points, di ba, parang malinis din naman kasi yung pasok nung ibang mga punches ni Mayweather pero ang baduy-baduy lang talaga ng ilag-ilag, 'di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana nag-track and field na lang siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN