Angelika dela Cruz to run for re-election as barangay captain in 2016

Angelika dela Cruz on why she wants to run as barangay captain in the 2016 elections: “Kasi ano e, ikaw ang unang nilalapitan ng tao, kumbaga ikaw ang first response."


Tatakbo pa rin daw bilang barangay captain si Angelika dela Cruz sa nalalapit na eleksyon sa 2016.

“Feeling ko kasi mas marami akong natutulungan bilang Kapitan, e.

“Kasi ang hirap ng Kapitan, sa totoo lang!

“Kasi ano e, ikaw ang unang nilalapitan ng tao, kumbaga ikaw ang first response,” pahayag ni Angelika nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Healing Hearts na naganap noong April 27 sa GMA Network Center.

Si Angelika ay dating Kapamilya na ngayon ay Kapuso na.

HAPPY FOR JOLINA. Ano ang masasabi niya sa pagbabalik ni Jolina Magdangal sa ABS-CBN?

Tulad niya ay dati ring Kapamilya si Jolina na naging Kapuso at ngayon nga ay isa muling Kapamilya.

“Ako masaya ako para kay Jolens, alam niya yun!

“Siyempre ang wish mo para sa kaibigan mo maging maligaya, maging successful.

“E, nakita naman natin na Jolina is happy, so we should be happy for her, 'di ba?” pahayag niya.

TRUST IN MANAGER. Magkapatid din as talents sina Angelika at Jolina sa pangangalaga ng PPL Talent Management ni Perry Lansigan.

Si Angelika ba ay hindi natutukso na bumalik sa Dos?

Paliwanag niya, “Hindi na, kasi ang nagdedesisyon para sa sarili ko e, si Perry na talaga, e.

“'Di ba dati ako, kami lang ni Daddy, ngayon hindi na. Kaya kumbaga, basta kung anong desisyon niya, dun ako kasi pag may tiwala ka sa manager mo, ganun, e.

“Hindi ka na para magtatanong, para makialam. Basta buo yung tiwala mo, ‘Sige po, kung saan ka, doon ako,’

“Ganun.”

ON JANNO GIBBS' TRANSFER TO TV5. Isa pang “kapatid” ni Angelika sa PPL, si Janno Gibbs, ay umalis na sa Siyete, at balitang nasa TV5 na ito.

“Ah talaga?! Wala akong alam, e.

“Alam mo naman ako.

“Ganun?

“Ah, wala pa siyang official na ano? Hintayin muna natin na maglabas siya ng official.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“If ever [official na nga], kung saan naman sila e, ganun lang naman iyon e, 'di ba?

“As long as lahat tayo tumatanaw ng utang na loob, siyempre dun sa istasyon na pinanggalingan natin, I don’t think there’s anything wrong with it,” lahad niya.

Si Angelika ay walong taon na sa Kapuso Network.

Sa kontrata niya ngayon ay mayroon pa siyang natitirang isang taon.

“Hanggang next year,” aniya.

TRANSFERRING TO ABS-CBN? Hindi kaya sa susunod na taon ay siya naman ang aalis sa GMA at babalik sa ABS?

“Sa akin, basta si Perry, siya ang magdesisyon. Ayokong ako kasi, ayoko.

“Pero kung ako ang tatanungin mo, I’m happy here. Masaya ako.”

Kahit nga buntis siya ay tuloy ang trabaho niya sa GMA.

“Tinanong na nga ako ni Ninang Lilybeth [Rasonable, GMA’s Executive-In-Charge of Production] kung kaya ko pa daw magtrabaho. E, kaya naman e,” sabi pa niya.

Gaganap bilang si Nimfa si Angelika sa Healing Hearts ng GMA na magsisimula sa Lunes, May 11.

Bida sa Healing Hearts sina Joyce Ching (as Mikaela/Liza) at Kristoffer Martin (as Jay).

Kasama rin sa cast sina Krystal Reyes (bilang si Chloe), Ken Chan (bilang si Anton), Maureen Larrazabal (bilang si Kleng), Dominic Roco (Bilang Stephen), Neil Ryan Sese bilang si Michael, at Mr. Ronaldo Valdez bilang si Benjie.

Ang Healing Hearts ay sa direksyon ni Roderick Lindayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN