Judy Ann Santos: Motherhood made me a better person

“Siguro sa pagiging ina, walang katapusan ang pagmamahal mo, kasi hindi mo talaga alam kung kailan ka magiging perfect para sa mga anak mo," says Judy Ann Santos about being a mom.


“Dapat pala naniwala ako sa mommy ko.”

Ito ang sinabi ni Judy Ann Santos nang tanungin siya kung ano ang mga natutunan niya mula sa kanyang Mommy Carol tungkol sa pagiging ina.

Pag-alala ng aktres, “Noong maliit ako, palaging sinasabi sa akin ni Mommy, 'Kapag nagkaanak ka, sasabihin mo tama ako.'

“Yung maligo, kumain, mag-toothbrush, mga ganun, lahat 'yon naranasan ko sa anak ko ngayon, kasi babae.

“Kapag sinasabi ko 'yon kay Mommy, sasabihin niya, 'O, 'di ba, sabi sa 'yo tama ako, e. Lahat ng ginawa mo sa akin, gagawin sa 'yo ng anak mo. Kaya sabihin mo kay Yohan, huwag niyang gagawin sa 'yo ang ayaw niyang gawin sa kanya ng anak niya.'

“Totoo pala talaga 'yon.

"Doon ko na-realize na dapat pala naniwala ako sa mommy ko, dapat pala hindi ako nagmarunong.”

Ayon kay Judy Ann, mas humaba ang pasensiya niya dahil sa pagiging ina sa mga anak nila ni Ryan Agoncillo na sina Yohan at Lucho.

“Iba yung patience ng mother.

“Kahit gaano ka kapuyat o kapagod, pagdating sa mga anak mo, wala na 'yon, hindi mo na puwedeng isipin 'yon.

“For some reason, mas nagkakaroon ka ng energy.

"Kapag sinabi para sa bata, tatayo agad ako.

“May mga pagkakataon na dinadaan ko na lang sa humor ang pagiging nanay.

“Sa kabila ng lahat ng ito, I think it really made me a better person.”


BEING A PERFECT MOTHER. Maituturing na ba ni Judy Ann ang sarili bilang isang perfect mother?

Sagot niya, “Alam mo, sa palagay ko, there's really no such thing as a perfect mother.

“Iba-iba kasi ang kapasidad ng pagiging isang ina.

"Sa pagsasakripisyo lang alone, just to sacrifice your needs and your wants to make your family happy is being a mother already.”

Dagdag pa niya, “Siguro sa pagiging ina, walang katapusan ang pagmamahal mo kasi hindi mo talaga alam kung kailan ka magiging perfect para sa mga anak mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ikaw, bilang nanay, gusto mo siyempre maging perfect, lalo na kung may anak kang lalaki.

“Gusto mong pahirapan yung magiging asawa niya. So, ikaw, bilang ina, dapat perfect ang magiging asawa, dapat mas mahusay sa akin.

“I'm just so lucky again dahil hindi naman mahirap paligayahin ang pamilya ko—just being with my family and spending time with them most of the time, and nakikita nila kung paano kami naghihirap ng tatay nila para mabigyan sila ng maayos na buhay.

“The appreciation alone at saka yung pagpapalaki namin sa mga anak namin, 'yon na yata yung greatest reward ko para masabi ko na siguro naman mabuting ina ako.

"Kasi marunong rumespeto ang mga anak ko at marunong gumalang sa mga tao.”

Bukod dito, pinaka natutuwa raw siya sa tuwing maririnig niya ang kanyang mga anak na nagsasabi ng “I love you.”

“Siguro yung appreciation nila na out of the blue, 'I love you, Mom.'

“Yung walang pinanggagalingan, yung sa isang buong araw, sasabihan ka lang ng 'I love you, Mom. I really love you, Mom.'

“Yun lang, just those three magical words will complete you as a mother.

“Those thank yous, those I love yous will save your day every single moment.

“Greatest gift na 'yon ng isang anak, kasi ibig sabihin, natuturuan mo ang anak mo how to appreaciate little things in life.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN