Vice Ganda’s 15th anniversary concert will be historical: “’Pag hindi ko ito nagawa ngayon, hindi ko alam kung magagawa ko pa.”

Vice Ganda on what to expect at his forthcoming 15th anniversary concert at the Araneta Coliseum: “Bibigyan ko lang kayo ng idea, ha? Ito yung first time na mangyayari sa local concert scene na ang stage nasa gitna ng Araneta—parang Super Bowl.”


Hindi nagpatalbog si Vice Ganda sa ginawang performance ng mga kapwa niya Belo endorsers sa ginanap na Belo Beautiful 25th anniversary grand launch sa Trinoma Activity Center noong Sabado, Mayo 9.

Si Anne Curtis ay kumanta ng “Chandelier” habang nakaupo sa malaking ring na nakasabit sa ere.

Si Marian Rivera naman ay nagsayaw kahit buntis.

Si Daniel Padilla, na umani ng pinakamalakas na tili at cheers sa mga tao, ay kumanta ng “Hinahanap-hanap Kita.”

Si Vice naman ay kumanta, sumayaw, at nag-aerial stunts habang naka-harness, na talaga namang pinalakpakan nang husto ng mga tao.

Paglilinaw ni Vice, “Wala namang patalbugan dito. Lahat kami nandito para magpasaya ng mga tao at i-celebrate ang anniversary ng Belo.

“Happy lang, enjoy lang, walang patalbugan.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Vice pagkatapos ng naturang event, hosted by Robi Domingo at Cristalle Belo Henares. Siyempre, nanduon din si Dra. Vicki Belo.

15th ANNIVERSARY CONCERT. Ayon kay Vice, ang ginawa niyang performance sa Belo anniversary ay patikim pa lang sa mga mangyayari sa kanyang15th anniversary concert sa May 22 sa Smart Araneta Coliseum, ang Vice Gandang-Ganda Sa Sarili sa Araneta: Eh di Wow!

Kumusta na ang paghahanda sa concert niya?

Pag-amin niya, “Hindi pa ako nagsisimula sa dance rehearsals, pero yung mga material ko, yung mga etsos ko nagawa ko na, nakumpleto ko na.”

Paano niya ide-describe ang parating niyang concert?

“High-tech, siyempre 'pag high-tech ang daming effects na gagamitin namin na mga makabago. Yung mga nakikita natin abroad na shows, in-adapt namin yung ibang techniques,” sabi pa niya.

HISTORICAL. Pagmamalaki pa ni Vice, first time daw sa concert history ng Araneta ang gagawin niya.

“Bibigyan ko lang kayo ng idea, ha?

“Ito yung first time na mangyayari sa local concert scene na ang stage nasa gitna ng Araneta—parang Super Bowl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“'Tapos walang backdrop, bilog lang siya. Kaya ang mangyayari it’s either nasa ere o nasa lupa, ganun ang mga eksena.

“Kitang-kita ako kasi nasa gitna ako e, lahat nakapaligid sa akin.”

MEGA PRODUCTION. Mas mahal ba ang gastos sa concert niya ngayon kumpara sa mga ginawa niya dati?

“Mahal, kasi overbudget na kami.

“May mga production dito na nag-abono na ako para huwag lang matanggal.

“Sabi ko, ‘Sige, ibawas na lang sa talent fee ko.’

“Kasi 'pag natanggal yung ibang effects, parang sayang, kasi yun ang mga pinangarap kong gawin, na dito ko lang magagawa sa Araneta, sa big concert.

“'Pag hindi ko ito nagawa ngayon, hindi ko alam kung magagawa ko pa. Kasi kung sa susunod pa, baka malaos na or magawa na ng iba,” pahayag niya.

Gaano kalaki na ang inabono niya?

“Malaki na. Baka wala na akong makuhang TF [talent fee],” pag-amin pa niya.

LOVELIFE. Sinong guwapong lalaki naman ang magpapaganda sa kanya sa concert niya?

Bulalas niya, “Naku, sana maraming guwapong dumating!”

Yung special someone niya?

“Naku, alam ko na kung saan papunta iyan… kung sino na naman ang dyowa ko?” pabiro niyang saad.

So, nandoon ba sa audience sa concert ang boyfriend niya?

“Wala! Parang nalulungkot ka nung sinabi kong wala. Para hindi humaba,” sabay tawa nang malakas ni Vice.

Pero totoo bang in love siya?

“Oo, dapat in love ka.

“'Pag hindi, ang lungkot naman nun na nagpapasaya ka ng iba tapos ang lungkot-lungkot ng puso mo. Dapat in love ka lagi.”

Bakit ba itinatago niya ang lovelife niya?

“'Eto ngang itinatago ko ang lovelife ko ang gulo-gulo n’yo.

“E, paano 'pag inilabas ko pa?

“Huwag na, i-spare na natin siya sa lahat ng kaguluhan.

“Tama na yung ako na lang ang magulo, yung mga nakapaligid sa akin ang magulo, ayoko na siyang idamay, kawawa naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“For sure, ang daming ano diyan, babatikos, magbibigay ng kung anu-anong panghuhusga. Ayoko nang ipadanas sa kanya iyon,” lahad niya.

Hanggang ngayon hindi pa rin inire-reveal ni Vice ang pagkatao ng kanyang bagong boyfriend. Ilang lalaki na ang na-link sa kanya katulad ni Mr. Chinatown 2014 Kurt Ong, pero pinabulaanan lang ito ng Phenomenal Box-Office Star.

Paano ba siya napapaganda ng pagkakaroon ng lovelife?

“Napapaganda ka ng lovelife kasi napapangiti ka, hindi ka madaling mabuwisit.

“E, kasi kahit anong kolorete ang ilagay mo sa mukha mo, kahit araw-araw kang pumunta kay Dra. Vicki Belo, kung lagi kang busangot, ang pangit mo, 'di ba?

“Kaya napapangiti ka lagi, binibigyan ka ng magandang dahilan para sumaya at ngumiti, iyan ang lovelife,” masusi niyang paliwanag.

MOST INFLUENTIAL. Samantala, ano ang masasabi niya sa pagkilala na siya ang Most Influential Celebrity sa showbiz?

“Sa showbiz?

“Hindi ko naman masasabing ako, pero kasi sa Yahoo nung naglabas sila ng 2015 o 2014, yung Most Influential Netizens, ako yung cited nilang Most Influential Celebrity sa social media.

“Parang sa broadcasting si Kuya Kim [Atienza] and Karen Davila, 'tapos meron sa sports, ako yung parang sa overall na binigyan nila ng citation.”

BEING TRUE TO HIMSELF. Ano ang ginagawa niya para ingatan ang pagkilala at image na ito?

“Hindi ko kasi masyadong iniisip yung ganung title, na ako ang Most Influential, kaya dapat ganito ang lumalabas sa isip ko, ganito ang lumalabas sa bibig ko.

“E, ang ano ko naman… ang core ko kasi naa-appreciate ng tao yung sincerity ko.

“Ayoko yung masyadong sinasadya na kailangan tama lagi, yung ganun na kahit hindi na natural, hindi na tama, hindi na totoo, yun lang.

“Kaya ang ine-express ko lagi sa tao yung totoong nararamdaman ko kaya may halong sincerity, authentic siya, hindi siya for show o para makapagpa-impress lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN