Luis Manzano on marrying Angel Locsin: “It’s gonna be happening very, very soon.”

Angel Locsin’s wish for boyfriend Luis Manzano: "Sana mas magamit pa niya itong ginagawa niya, tutal dito siya maligaya, sa mga tao. Sana marami pa siyang matulungan."


Sinorpresa ni Angel Locsin ang boyfriend na si Luis Manzano sa "Karaoke Challenge" segment ng ASAP 20 nitong Linggo, May 10, para sa birthday celebration ng kanyang boyfriend.

April 21 ipinagdiwang ni Luis ang kanyang 34th birthday, pero nitong Linggo lang siya nagkaroon ng birthday celebration sa nasabing Sunday musical-variety show ng ABS-CBN.

Sa nasabing segment, tinukso ang dalawa kung kailan na nga ba sila lalagay sa tahimik, at nagbigay ng makahulugang sagot si Luis.

“Siyempre gusto ko surprise sa kanya, pero it's gonna be happening very, very soon,” sabi ni Luis.


ANGEL'S MESSAGE. Makahulugan din ang naging birthday message ni Angel para kay Luis, na napapabalitang may posibilidad na tumakbo sa eleksiyon sa susunod na taon.

Pahayag ni Luis, “Ito kasing si Luis, akala kasi ng tao lagi lang siyang nagdyu-joke, lagi lang siyang hindi seryoso.

“Pero 'pag nakausap mo kasi siya nang malalim, lumalabas talaga yung goodness sa heart niya.

“Ang wish ko lang talaga sa kanya, e, sana mas magamit pa niya itong ginagawa niya, tutal dito siya maligaya, sa mga tao. Sana marami pa siyang matulungan.

“At saka sana marami pa siyang mapasayang mga tao at sana mahalin mo pa rin ako kahit anong mangyari.”


LUIS MAKES A PROMISE. Sagot naman ni Luis sa huling tinuran ni Angel: “Forever” daw niya itong mamahalin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN