Mayor Herbert Bautista remembers his mom: “Thank you very much na hanggang ngayon you’re still guiding us.”

Herbert Bautista shares what he misses most about his late mom, Mrs. Baby Bautista: “Yung sermon niya, siyempre! Lagi kapag troubled ako, pasasayahin niya ako. Kapag alam naman niyang troubled ako pero ano… iyon, sesermunan naman niya ako. Do’n mo mararamdaman ang pagmamahal ng isang ina, e.”


Sa May 12 ang kaarawan ni Quezon City Mayor Herbert Bautista. Pero nagkaroon siya ng advance celebration sa Annabel’s Restaurant sa Tomas Morato Avenue, Quezon City noong Biyernes, May 8.

Ito rin bale ang nagsilbing treat ng actor-politician sa mga entertainment press na nag-birthday mula sa buwan ng Enero hanggang Mayo ngayong taon.

Sa paggunita ng Mother’s Day ngayong Linggo, May 10, madalas pa rin daw naaalala ni Mayor Hebert ang namayapa niyang ina na si Mrs. Baby Bautista.

“Si Mama, well, maraming mga entertainment press o writers na naging kaibigan si Mama,” kuwento niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“And yun nga, katulad ng nababanggit ko na rin dati… I’m very thankful kay Mama.

“Kasi kung hindi sa kanyang pagtatanim ng friendship at kung hindi sa magandang pakikipag-ugnayan niya sa inyo, ako at ang mga kapatid ko would not have experienced much love also from the entertainment media.

“And yun ay dahil… because of my mom. So, Mama I love you and thank you very much na hanggang ngayon you’re still guiding us.”

MISSING HIS MOM. Ano ang pinakanami-miss niya sa nanay niya?

Mabilis niyang sagot, “Yung sermon niya, siyempre! Lagi kapag troubled ako, pasasayahin niya ako.

“Kapag alam naman niyang troubled ako pero ano… iyon, sesermunan naman niya ako. Do'n mo mararamdaman ang pagmamahal ng isang ina, e.”

Yung mga ina ng mga anak niya, binibigyan ba niya ng bulaklak kapag Mother’s Day?

“Kahapon, birthday ni Eloisa,” banggit niya sa isa sa mga nanay ng kanyang mga anak.

“Si Tates [Gana] naman, kasama ng mama niya sa U.S. So okay naman.

“Hindi ako nagbibigay ng flowers. Hindi ako ma-flower na tao kasi, e.”

SUPPORTING COMMON LAW WIFE'S POLITICAL BID? Si Tates, balitang tatakbong konsehal ng Quezon City. Ano ang reaksiyon niya kaugnay nito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Herbert, “Well, ibang usapan ‘yon. So I think she has to… una, right niya ‘yon.

“Pero dapat pag-aralan niyang mabuti. Kasi siyempre, ibang usapan na ‘yon.”

Susuportahan niya si Tates?

“Hindi pa namin napag-usapan,” pakli niya.

CONTRACT WITH VIVA. Kasabay ng advance birthday celebration ni Mayor Herbert with the entertainment press ay ang ceremonial signing ng contract niya sa Viva Films.

Naumpisahan na niya rito ngayon ang isang pelikula kasama si Maricel Soriano. Isa itong trilogy na may pamagat na Lumayo Ka Nga Sa Akin.

Sa kontratang kanyang pinirmahan ay nakasaad na Viva ang mamamahala ng kanyang movie career.

Pagmamalaki niya, “It’s my first time to be managed by a reputable institution, ang Viva Films. So napapanahon na siguro para… kung may career man, at least may magma-manage!

“It’s a five-year managerial contract. 'Tapos four movies na naka-spread in three years.

“I thank Viva sa pag-accommodate nila sa akin sa kanilang tahanan. Ano nga, e… it’s nice to be back home, ano?

“Hinahanapan nga nila [Viva] ako ng iba pang proyekto, e. But I’m thankful na nakasama ko do’n sa trilogy na sa isang episode ay kami nga ni Maricel Soriano.

“So… excited ako. Kahit hindi ko makakasama sina Anne Curtis pero masaya ako na maging bahagi ng pelikula ng mga bagong artista ngayon.

“Maganda yung movie. Trilogy na… ipapasok ang horror, action, at saka romance comedy naman yung isa.

“Sina Benjie Paras at Candy Pangilinan sa unang episode, 'tapos kami ni Maricel sa second, and then Anne Curtis, Dennis Trillo and JM de Guzman sa third.

“Nakakatuwa. Si Maricel was the one who requested na, 'Si Herbert gusto kong makasama.'

“So… thank you. Malaking bagay po na napili ka ni Ms. Maricel Soriano.”

WORKING WITH MARICEL. Kumusta naman ang pakikipagtrabaho niya sa Diamond Star?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Herbert, “Okay. Mabait siya.

“Naka-third day na kami ng shooting. So hopefully by the end of May, tapos na.

“Only on weekends kami nagsu-shoot, e. At… masaya!

“Masaya. Kaya lang inaabot kami ng gabi dahil… horror, e,” aniya.

“Our first movie was Oh My Mama noong 1978, sa Regal Films. Ang tagal na no’n… 'tapos ngayon ulit.

“Sa TV show noon, madalas kaming magkatrabaho.

“And I’m happy kasi siya yung nagrekomenda na magkasama kami. So okey.”

Isang pelikula kada taon lang daw siguro ang gagawin niya. Bukas ba siya na tumanggap ng teleserye?

Pagklaro niya, “That depends on Viva. Sila talaga ang nakakaalam.

“Siyempre aalamin din nila… 'Kaya mo ba?' Mag-uusap kami.

“May niluluto pa silang isang project para sa akin. Kapag ito naluto ni Boss Vic nang tama, super-happy tayo for the year.”

NOT GOING FULL-TIME IN SHOWBIZ. Nagdesisyon ba siya magpa-manage sa Viva dahil gusto na niyang mag-concentrate sa showbiz at huwag nang tumakbo sa susunod na eleksyon?

“Well, that’s an option. Pero unlikely iyon ngayon, at this point. Kasi open yung… may isang term pa ako.

“Alam naman ng lahat na tatakbo ako, e. Ang pinag-uusapan na lang ay kung anong posisyon,” diin niya.

Open siya na tumakbo bilang senador?

“Sa tingin ko. Pero mas gusto ko na ano… personally, yung re-elect ako,” bilang mayor ng Quezon City ang ibig niyang sabihin.

“But it’s the party who will decide. Depende kung ano ang mapapag-usapan namin ni Speaker [Sonny] Belmonte.

“Kung sa pelikula, ang manager ko Viva… sa politika, ang manager ko, si Speaker Belmonte!” sabay tawa ni Mayor Herbert.

Meron usap-usapan na ang kasalukuyang vice mayor ng Quezon City na si Joy Belmonte (anak ni Speaker Sonny Belmonte) ay nagpaplano raw na tumakbong mayor ng lungsod.

“Yeah! That is after my term,” paglinaw niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN