Diana Zubiri and Andy Smith tie the knot

Actress Diana Zubiri marries model boyfriend Andy Smith on Sunday, May 10 at the Sampaguita Gardens, New Manila, Quezon City.


Ikinasal ngayong Linggo, May 10, ang aktres na si Diana Zubiri sa kanyang model boyfriend na si Andy Smith sa isang garden wedding sa New Manila, Quezon City.

Nag-post ng mensahe sa kanyang Instagram account si Andy tungkol sa pagpapakasal nila ni Diana.

Ani Andy sa kanyang post: “Our big day has finally arrived. I will be marrying the love of my life and nothing excites me more to know you are my forever.”

Naging kakaiba naman ang wedding vow ni Diana nang pasukan niya ito ng kanta, gaya ng “I Have Nothing” ni Whitney Houston at “I Knew I Loved You” ng Savage Garden.

Nangyari ang seremonya sa Sampaguita Gardens sa Valencia Street, New Manila at dinaluhan ito ng ilang showbiz friends ng couple.

Kabilang sa mga dumaong artista ay sina Camille Prats, Paolo Ballesteros, Roxanne Barcelo, Eric Tai, Guji Lorenzana, Will Devaughn, at Francine Prieto.

Bago ang kanilang kasal nitong Linggo, naging engaged ang dalawa nang mag-propose si Andy kay Diana noong February 16, 2015 sa Japan.

Read: Diana Zubiri gets engaged in Japan


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN