Krystal Reyes works hard on her kontrabida role: “Natuto nga po akong magtaas ng kilay...”

With her sweet image, teen actress Krystal Reyes admits feeling pressured in her first kontrabida role in Healing Hearts. She says, “Kasi nga po, kahit na 18 years old na po ako, tingin pa rin ng marami sa akin ay 13 years old pa rin ako. Tapos ang liit din po ng boses ko. Kaya parang bata pa rin ang dating ko sa kanila.”


Puspusan ang preparasyong ginagawa ng teen actress na si Krystal Reyes sa kauna-unahan niyang kontrabida role sa afternoon teleserye ng GMA-7 na Healing Hearts.

Nang makapanayam ng PEP.ph (Philipine Entertainment Portal) ang batang aktres sa press launch ng Healing Hearts noong April 27 sa GMA Network Center, sinabi nito na kinakabahan siya noong una dahil baka raw hindi pa siya matanggap bilang isang ganap na kontrabida.

Child actress noong araw si Krystal; isa siya sa mga good girls sa mga teleseryeng Bakekang, Princess Charming at Mga Mata Ni Angelita.

Lumabas din siya sa mga kiddie shows na Tropang Potchi at Art Angel.

Noong teen-ager na siya, mababait na roles din ang mga ginampanan niya sa mga teleserye na Dapat Ka Bang Mahalin, Bantatay, Rosalinda, Munting Heredera, Hiram na Puso, Hindi Ka Nag-iisa, Bukod Kang Pinagpala, Carmela at Anna Karenina.

TRANSCENDING HER SWEET IMAGE. Dahil sa kanyang maamong mukha at malumanay na boses, alam ni Krystal na mahihirapan ang karamihan ng manonood na tanggapin siya bilang kontrabida.

“Yun po ang naging malaking challenge sa akin.

“Kasi nga po kahit na 18 years old na po ako, tingin pa rin ng marami sa akin ay 13 years old pa rin ako. 'Tapos ang liit din po ng boses ko.

“Kaya parang bata pa rin ang dating ko sa kanila.

“Gusto ko pong maiba ang mga roles na ginagawa ko kaya pinagpursigehan ko po ang makapag-develop ako ng maldita na character.

“Nag-workshop po ako para maiba ko naman po ang boses ko.

“'Tapos pati sa facial expressions ko, inaalis ko yung mukhang inaapi.

“Natuto nga po akong magtaas ng kilay at yung may kontrabida look.

“Wala naman po akong naging peg. Gusto ko po ay may sarili akong character para sa role na binigay nila sa akin as Chloe,” diin pa ni Krystal.

WORKING WITH JOYCE. Si Joyce Ching ang aapi-apihin ni Krystal sa Healing Hearts dahil obsessed nga siya sa lalaking namamagitan sa kanila na si Kristoffer Martin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kami naman po ni Joyce, magkaibigan po kami.

“Nagkasama na kami before sa Reel Love Presents: Tween Hearts at sa Anna Karenina.

“Kaya kapag eksena na kailangan saktan ko siya, mag-uusap muna kami para alam niya kung saan ko siya hahawakan para hindi siya nagugulat.

“Natatawa nga po kami kasi mas matangkad si Joyce sa akin kaya kailangan kong magsuot ng mataas na heels para at least magkasing-tangkad kami.

“Ang hirap at ang sakit sa paa ng mga sky-high heels! Muntik na akong madapa sa isang scene namin ni Joyce.

“Pero mabilis ko naman po nahanap ang balance ko. Pero tawa kami nang tawa after ng take.

“Muntik na po akong sumalpak sa sahig dahil sa high heels ko!” tawa pa niya.

LOVELIFE ON HOLD. At dahil 18 taong gulang na si Krystal, may mga manliligaw na ba siya?

“Wala pa po. Hindi pa po puwede!” ngiti pa niya.

“May mga gustong manligaw, pero alam naman nilang hindi ko priority ang magkaroon ng boyfriend.

“Ina-advise naman ako ng mommy ko na huwag ko munang isipin na mag-boyfriend agad. Bata pa naman daw ako at sinusunod ko naman ang mga advice niya.

“Priority ko ang school at ang career ko po.

“Binabalanse ko po iyon pareho at okey naman po lahat.

“Masaya po ako na iyong dalawang ‘yan ang priorities ko.

“Wala naman pong nagpe-pressure sa akin na mag-boyfriend na ako. Kaya makakapaghintay po yun,” pagtapos pa ni Krystal Reyes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN