Mayor Herbert Bautista says he met with Jasmine Lee for diplomatic reasons

Mayor Herbert Bautista (left) describes his meeting with Jasmine Lee (right): “It’s purely relationship between Korea and the Philippines. And siya ang nagri-represent sa mga Pinoy… actually, multi-cultural. Nando’n din ako as president ng mga cities sa Pilipinas. So yun lang. Do’n lang kami nagkakilala.”


Kahit nasabi na ni Mayor Herbert Bautista na once lang silang nagkita ng nali-link sa kanya ngayon na Philippine-born South Korean television personality, actress at civil servant na si Jasmine Lee, hindi pa rin nabubura ang iniisip ng iba na baka ito na nga ang sunod na makakarelasyon niya—lalo pa nga’t eligible daw ito.

Read: Mayor Herbert Bautista denies pursuing Jasmine Lee: “Hindi ko nga alam ang number niya, e.”

“Yeah! Namatay ang asawa niya who drowned in front of her.

“The father [Jasmine's huband] was saving their child [Jasmine and her husband's]. Nung na-save yung bata, parang na-stroke yata or something at nalunod,” kuwento niya.

Pareho silang single, posible kayang maging sila ni Jasmine?

“Hindi ko alam, e. I only met her once.

“Tatlong oras lang kami nagkasama nung kumain nga kami sa bahay ni Ambassador [Raul] Hernandez, [Philippine Ambassador to South Korea].

“Ni hindi ko nga alam ang number niya. Email niya, hindi ko rin alam,” pag-amin niya.

Pero maganda ito, 'di ba?

“Kamukha siya ni Alma Moreno. Kamukha talaga ni Alma Moreno.

“Okey naman. I mean… Pilipina, e.

“At saka brilliant. Magaling magsalita.

“And kamukha nga siya ni Ness [Alma Moreno], actually. Kaya nga gusto kong ireto kay Joey Marquez, e!” natawang biro pa niya.

Hindi siya interesado kay Jasmine? Hindi ba sila magkikita muli?

“Hindi ko talaga alam ang number niya,” ulit niya.

Biniro namin si Mayor Herbert na may kasabihang, “if there’s a will, there’s a way.”

“Wala siyang card [calling card]. Wala rin akong card,” diin pa niya.

PURELY DIPLOMATIC RELATIONSHIP. Puwede naman silang magkuhanan ng number kahit wala silang dalang calling card, 'di ba?

“Wala, e. It’s purely for international relations.

“It’s purely relationship between Korea and the Philippines. And siya ang nagri-represent sa mga Pinoy… actually, multi-cultural.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasama ko yung ibang mga konsehal. Kasi nando’n kami to represent Quezon City.

“Nando’n din ako as president ng mga cities sa Pilipinas. So yun lang. Do'n lang kami nagkakilala.

“And we’re just so proud na Pinoy ang nagri-represent sa iba’t ibang lahi na nagtatrabaho sa South Korea. Parang gano’n lang ang topic namin nung nagkausap kami.

“Si Jasmine is ano… she’s a very nice person.

“And proud lang ako sa mga Pilipino na nag-i-excel sa ibang bansa at kinikilala. So I’m just proud of her.

“Malaking bagay ‘yon para sa atin.

“Kumain lang nga kami, e. Kung sabagay ganun din ang nangyari no’ng nakaraan, 'di ba?” pagtukoy niya noong nagsimulang ma-link sila ni Kris Aquino nang makipag-dinner siya sa pamilya nito na kasama rin si Pangulong Noynoy Aquino.

MARRIAGE PLANS. Marami talaga ang nakaantabay kung sino ang babaeng susunod na mauugnay sa kanya. O kung sino ba ang kanyang pakakasalan.

Wala na ba siyang planong magpakasal?

“Hinihintay ko lang muna si Bossing [Vic Sotto]. Mauna muna siya!” natawang biro ng actor-politician.

Balitang malapit nang ikasal si Vic sa girlfriend nitong si Pauleen Luna.

“O, e 'di… malapit na rin!” tawa na naman niya.

Posible kaya na manatili na lang siyang single?

“Hindi naman. Gusto ko na rin namang mag-asawa.

“Every time na ini-interview n’yo ako, sinasabi ko na rin na gusto kong mag-asawa, e. Hindi naman matuloy-tuloy!” tawa ulit niya.

Laging nauudlot kapag may nauugnay sa kanya?

“E… siyempre, naniniwala naman tayo na darating yung oras na ‘yon,” lahad niya.

Kapag dumating ang panahong na mag-aasawa siya, sa tingin niya, paano ito tatanggapin ng mga anak niya?

“By that time, graduate na sila ng college. And that’s about five years from now,” estima niya.

Napag-uusapan ba nila ito ngayon ng kanyang mga anak?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Not at this point. Kasi papunta nga sila ng college, graduating ng high school.

“So focus muna ako do’n sa pag-aaral nila. Baka ma-ano, e.

“Kapag college na lahat sila, puwede nang paunti-unti,” pakli pa niya.

BIRTHDAY PLANS. Sa kaarawan niya sa May 12, ano ang kanyang plano? Sino ang kasama niyang magsi-celebrate?

“On the actual day? Sa bahay lang ako, matutulog,” panghuling pahayag ni Mayor Herbert.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN