Vice Ganda admits getting ’no more cosmetic surgery’ memo from ABS-CBN bosses

Vice Ganda reveals he was advised by ABS-CBN bosses to refrain from further cosmetic surgery procedures: “Pinagagalitan nga ako ng mga bosses, sabi, ‘Tama na yung ganyan, ha? Huwag na yung magpaganda… hindi ka puwedeng magpagawa ng ilong, hindi ka puwedeng magpalagay ng kung anu-ano.’”


Aminado si Vice Ganda na malaki ang naitulong ng Belo Medical Group para gumanda siya at tumaas ang kumpiyansa sa kanyang sarili.

Apat na taon nang Belo endorser si Vice at ang wish nga niya para sa kumpanya, “Sana magtagal pa lalo itong pamilyang ito at marami pa silang mapaganda tulad ko.

“Marami pang tao sana ang tumaas ang kumpiyansa sa sarili nang dahil sa tulong nila.

“Katulad ko, pinataas nila ang kumpiyansa ko at nagandahan ako sa sarili ko magmula noong naging bahagi ako ng pamilya nila.

"Sana magtuluy-tuloy pa."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vice sa ginanap na Belo Beautiful 25th anniversary grand launch sa Trinoma Activity Center noong Mayo 9.

Isa siya sa Belo endorsers na nag-perform sa event kabilang din sina Anne Curtis, Marian Rivera, at Daniel Padilla.

Sina Robi Domingo at Cristalle Belo-Henares ang nag-host ng event. Siyempre, present din si Dra. Vicki Belo.


UNDERARM PROCEDURE. Laging nagiging tampulan ng biruan nila sa It’s Showtime ang kanyang kilikili. May procedure na ba siyang ipinagawa sa Belo para rito?

Ayon kay Vice, “Sabi nga nila pumuti na ang kilikili ko.

“Lagi kasing binu-botox yung kilikili ko kasi laging nagpapawis.

“'Pag binu-botox, mga six months or eight months akong hindi nagpapawis. Malala kasi, parang umiihi yung kilikili ko.”


NO MORE COSMETIC SURGERY. Bukod sa kilikili, ipinaayos niya rin daw ang kanyang hips kay Dra. Belo.

Ano pang ibang procedure ang gusto niyang i-try sa Belo?

Pag-amin ni Vice, “Wala na, ayoko namang masyadong gumanda nang gumanda.

“Pinagagalitan nga ako ng mga bosses, sabi, ‘Tama na yung ganyan, ha?

“'Huwag na yung magpaganda… hindi ka puwedeng magpagawa ng ilong, hindi ka puwedeng magpalagay ng kung anu-ano.'”

Kinausap talaga siya ng management ng ABS-CBN?

“Oo, kasi komedyante ka, e, stick to your core.

“Hindi naman iyan [ganda] ang ibinebenta mo at ang binibili sa iyo ng mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi kailangang magandang-maganda ka, tama na iyong pleasant ka, mukha kang malinis.

“Kahit nga gusto kong magpalagay ng suso, hindi puwede.

“Kasi dati gusto kong magpasuso, e.

"Dati yun sa Girl, Boy, Bakla, Tomboy, parang gustong kong magpalagay ng dede para doon sa role, tapos tatanggalin ko na lang ulit after.

"Ayaw nila, hindi ako pinayagan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN