Alex Gonzaga fans surprised by Mommy Pinty’s use of cuss word in their SMS exchange

Alex Gonzaga to her fans who were "disappointed" at Mommy Pinty’s use of words in their exchange of text messages: "Wala nang mag-react ng OA kasi this is me just sharing why I love Mommy Pints," says Alex who has since deleted her controversial Mother’s Day post on Instagram.


Umani ng iba't ibang reaksiyon ang Instagram post ni Alex Gonzaga, kung saan ibinahagi niya ang palitan nila ng mensahe ng kanyang inang si Pinty Gonzaga, o mas kilala sa showbiz circles bilang Mommy Pinty.

Base sa Instagram post ni Alex ngayong Linggo, May 10, makikitang nagpadala ng text message si Mommy Pinty kay Alex tungkol sa pagpuna ng una sa ginawang eksena ng aktres sa teleserye nitong Inday Bote.

May kalakip itong caption na nagsasabing: "Random text namin ng mommy this week...

“Happy mother’s day to my mother hen!!! Sorry lagi kitang inaasar pero sabi nila the more you tease the more you love!!!

“Love youuuuu tipints! @mommypinty”

Ngunit ikinagulat ng Instagram followers ni Alex ang pagbitiw ng salitang “gago” ni Mommy Pinty sa kanilang palitan ng text messages.

Ito ay kaugnay ng pagpuna Mommy Pinty kung may ginawang safety precautions si Alex nang sumakay ang huli sa dolphins para sa isang eksena.

Sabi ni Mommy Pinty: “Gago ka sumakay ka sa dolphins pano kung magloko un.”

Pabirong hirit naman ni Alex: “Dolphins are the nicest compared to you mom.”

Muling sumagot si Mommy Pinty at sinabing: Haaaa sama mong anak.”

Wala pang 30 minuto ay agad na bumuhos ang iba’t ibang reaksiyon ng Instagram followers sa palitan ng mensahe ng mag-ina.

Base sa comments thread ng naturang post, may ilang nasorpesa sa tinuran ni Mommy Pinty, dahil hindi umano nila inaasahan na gumamit ng hindi magandang salita ang ina ni Alex.


Sa kabila nito, agad na ipinagtanggol ng fans ni Alex si Mommy Pinty at sinabing marahil ay nagulat lang ang ina ng aktres sa napanood nitong eksena ng anak sa nabanggit na teleserye.

At press time, binura na ni Alex ang kanyang Instagram post na naging tampulan ng iba’t ibang opinyon ng kanyang fans.

Pagkatapos ay pinalitan niya ito ng Instagram post kung saan ibinahagi niya ang isa pang palitan ng text messages nilang mag-ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Base sa kalakip nitong caption, ipinaliwanag ni Alex na ang tanging intensiyon niya, nang kanyang ibahagi ang naunang Instagram post, ay ipakita kung paano sila magbiruang mag-ina.

Ito ang kabuuang pahayag ni Alex hinggil dito:

“Last week nagkaroon kami ng misunderstanding ng ate…

“Looky kung sinong chismosa sa nangyari!!!

“Haha this is how my mom and I joke with each other..

“Happy mothers day mother hen!!! I love you tipints!

“(wala ng magreact ng OA kasi this is me just sharing why I love mommy pints)”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN