Julia Montes denies being more than friends with Coco Martin

Julia Montes on closeness with Coco Martin: "Lagi nga namin sinasabi, wala pa kami sa ABS-CBN, close na close na kami. Yun, iba ang pinagdaanan namin before. Nung nasa ibang channel pa, nag-o-audition pa lang kami, pay-after pa before. Yung friendship together, at yung experience talaga, strong."


Sa kabila ng balitang sina Julia Montes at Coco Martin na raw, patuloy pa rin itong itinatanggi ng Kapamilya young actress.

Pero aminado si Julia na ang tinaguriang Kapamilya Primetime King of Teleserye ang pinakamalapit niyang “boy friend” sa ngayon.

Pahayag niya sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Yeah, siya talaga ang pinakamalapit sa akin ngayon.

“Siya yung laging nakakausap ko, natatanungan ko, lalo na kunyari kung magkasama kami sa isang event, kumustahan.

“Siya yung masasabi kong kumportable ako. Kasi, ang tagal ko talaga siyang nakatrabaho.

“Fourteen years old pa lang ako, katrabaho ko na siya, until now… so, six years.”

JUST CLOSE. Pero bakit hanggang nayon ay hindi pa rin mamatay-matay ang isyung sila na?

Nakangiting reaksiyon ng young actress, "Kayo, ha! Lahat kayo ganun ang tanong sa akin.

“Ano naman, yung sa akin lang, ang maganda at sure ako, masarap talaga siyang katrabaho.

“Now, masaya ako dahil kami ang magkasama sa Yamishita.

“Siguro nga kasi, ganun talaga kami ka-close.

“And lagi nga namin sinasabi, wala pa kami sa ABS-CBN, close na close na kami.

“Yun, iba ang pinagdaanan namin before.

"Nung nasa ibang channel pa, nag-o-audition pa lang kami, pay-after pa before.

“Yung friendship together, at yung experience talaga, strong.”

Nakausap ng PEP si Julia sa backstage UP Town Center, sa Quezon City, kung saan ginanap ang fashion show para sa UP Town Center Fair noong Sabado, May 9.

BOYFRIEND MATERIAL. Boyfriend material ba si Coco sa paningin niya?

Sagot ng 20-year-old actress, “Kasi, mabait kasing tao si Coco.

“Mabait, hindi lamang yung tipo na dahil artista siya ay magpapakita siya ng image or anything.

“Talagang mabait siya.

“Ako, hindi dahil nakatrabaho ko siya, at lagi ko siyang katrabaho, masasabi ko na talagang lahat ng mga taong close sa kanya, yun din ang sasabihin.”

Isa nga raw si Coco, 33, sa mga lalaking kahit sinumang babae ay gustong mahalin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, dapat sigurado.

“Pero ako kasi, right now, family pa rin ang first ko, then work.

“Lalo na ngayon na yung susunod na gagawin ko ay medyo challenging, so focus muna ako dun.”

Dagdag niya, “Time will come naman, in the future.

“Kasi, sobrang focused muna ako ngayon; at siya rin.

“Yun ang nakaka-amaze sa kanya, lalo na't siya nasa right age na siya to have a relationship or anything.

“Pero talagang focused siya sa family.

“Ganun din po ako, focused muna sa family.

“At saka, yun din ang isa sa advice niya, na kailangang focused muna sa family at sa work.

“Kaya talagang ini-enjoy ko muna, and kapag may opportunity, why not?

“Huwag munang sayangin ang lahat ng pagkakataon na naibibigay ng trabaho.”

MAY CHANCE? Paano kung dumating ang panahong maisipan ng award-winning actor na mag-propose sa kanya romantically?

Guwapo si Coco, may stable na trabaho, mabait, at marami nang naipundar sa buhay. May chance ba ito sa kanya?

Medyo natawa si Julia, pero halatang kinilig din siya.

Sagot niya, “Tingnan natin, we'll see in the future.

“Pero siya po muna ang dapat tinatanong dahil...

“Mahirap naman ba baka isipin ng iba, ‘di ba?”

Okey lang ba sa kanya ang lalaking mas may edad sa kanya?

Sa presscon noon para sa teleserye nilang Wansapanataym: The Yamishita Treasure ay naging tampulan ng tukso ang pagkakatawag niya kay Coco bilang parang “kuya” niya.

Nangingiting saad ni Julia, “Kasi, hindi naman yun talaga ang gusto kong sabihin, e. Lahat nag-react!

“Hindi, kasi nga, ganun kami ka-close, at ang laki niya talagang... best friend talaga na kapag may problem ka, nag-a-advice 'yan.

“At super generous niya talagang tao.”

Ang importante raw, bilang close friends ay masaya sila, walang problema, at bukas ang communication nila sa isa't isa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN