Ruby Rodriguez willing to donate blood to singer Dessa

Ruby Rodriguez also enjoins people to donate blood if they can for health reasons. "Every three months, it’s good magpalit ng dugo, mag-produce ng bago yung system," and to pay it forward, "In a simple way that I can, why not? Basta kailangan, nagbibigay ako."


Blood donor pala ang comedienne-TV host na si Ruby Rodriguez noon pa man.

Taglay ni Ruby ang blood type na A+, kung kaya't hanggang kaya ng kanyang kalusugan ay talagang nagbibigay siya nito kapag may nangailangan.

Ang blood type A+ ay sinasabing second most common sa lahat ng blood types, kung saan ang blood type O ang pinakamadaling hanapin sa lahat.

Isa ngayon sa gusto niyang bigyan ng kanyang dugo ay ang singer na si Dessa, na umaming may anemia.

Si Dessa, na tinaguriang Front Act Queen noong 1990s, ay nangangailangan ng nasabing blood type bago siya dumaan sa isang surgical operation na kung tawagin ay hysterectomy o pagtanggal ng kanyang uterus.

Read: Singer Dessa looking for blood donors for her blood transfusion

Pahayag niya, "Sabi ko nga, sure, I'm willing to donate, but let me know when to donate and where.

"Kasi merong time na hindi puwede mag-donate ang babae, alam niyo na yun, 'di ba?

"So, ibig sabihin, bata pa ako!

"Basta sinasabi ko, let me know kaagad, baka mamaya, sa Tuguegarao ako ipa-donate.

“Teka muna, sandali naman, yung medyo malapit-lapit.”

Dagdag pa niya, “I don't mind kahit 'di ko kilala, pero I've met Dessa.”

Ibig bang sabihin nito ay nagkausap na sila ni Dessa?

"Hindi, nakita ko lang ssa Facebook, kay Noel Ferrer ko lang sinabi, sabi ko, 'Yeah, sure.'

"Basta let me know kung saang ospital 'yan, let me know in advance.

"Matagal na akong nagdu-donate, hindi lang ng fats, kundi pati blood," pagbibiro pa niya.

"Basta kami, like ang asawa ko ay A+ din, so lahat kaming mag-anak ay A+, pati mga anak ko.

"Pero yung buong pamilya ko, as in sa blood side ko, lahat ng blood type, except O, ay meron kami.

“At lahat ng RH factor ay meron kami.

"So, lahat kami ay may A+, merong A-, merong B+, may B-, AB- at merong AB+."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang miyembro ng entertainment media si Ruby sa presscon para sa annual Tindahan Ni Aling Puring (TNAP) Sari-Sari Convention na mangyayari sa May 20 to 24.


GOOD DEED. Sa puntong ito, hinikayat ni Ruby ang lahat na mag-donate ng dugo kung kinakailangan.

Aniya, "I really encourage everyone to donate, basta kaya ng sistema mo, huwag mo namang ibigay kung ikamamatay mo, 'di ba?

"Kasi, every three months, it's good magpalit ng dugo, mag-produce ng bago yung system."

Bakit nga pala bukod sa napapalitan ang kanyang old blood, naisipan niyang mag-donate?

Tugon ni Ruby, "Kasi alam mo yung, you pay forward?

"I'm a big person, but I'm not naman a big star.

"So, in a simple way that I can, why not? Basta kailangan, nagbibigay ako."

Isa raw sa celebrities na nabigyan niya ng dugo ay si Pauleen Luna.

Kuwento ni Ruby, "Nung mangailangan si Pauleen, nag-donate ako.

"Hindi siya A+, pero yung dugo ko ay kinuha in exchange dun sa blood type na kailangan niya.

"Remember nung ma-dengue siya? Nagbigay ako.

"Tapos may tumawag sa akin, buti wala akong trabaho, go ako.

"Para kasing may matanda na binypass, kasi doktor ang mga kapatid ko, kaya minsan ay mga kakilala nila ang mga pasyente."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN