Daniel Matsunaga to confirm real score with Erich Gonzales on Kris TV?

Tinawagan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Daniel Matsunaga para kumpirmahin ang naging pag-amin niya sa relasyon nila ni Erich Gonzales. Pero tumanggi ito at sinabing abangan na lang ang Kris TV episode sa May 22. Dito na kaya aamin ang dalawa tungkol sa kanilang tunay na estado?


Kasunod ng pag-amin ni Daniel Matsunaga sa totoong relasyon nila ni Erich Gonzales sa isang comment thread sa Instagram, hindi pa rin tuwirang maamin ng dalawa sa mga panayam ng press ang estado nila ngayon.

Read: Daniel Matsunaga finally confirms relationship with Erich Gonzales

Halata man sa kanilang kilos at sa caption ng kani-kanilang Instagram posts na may namamagitan na sa kanila, higit pa sa pagiging magkaibigan, tikom pa rin ang mga ito kapag natatanong tungkol sa relasyon nila.

Nitong nakaraang May 7, nag-post si Erich ng larawan nila ni Daniel habang nasa Baguio.

Saad ng Kapamilya actress sa caption: “You're the sweetest! I've missed you @dandanmatsunaga. Obrigada meu amor, eu te amo ♥️

You're the sweetest! I've missed you @dandanmatsunaga. Obrigada meu amor, eu te amo ♥️

A photo posted by Erich Gonzales (@erichgg) onMay 6, 2015 at 8:25pm PDT

Ang salitang ‘Obrigada meu amor, eu te amo’ ay Portuguese words na ang ibig sabihin sa English ay ‘Thank you my love, I love you.”

Kinabukasan, May 8, si Daniel naman ang may ibinahagi sa kanyang Instagram followers.

Sabi ng Brapanese model-actor sa caption: “Had an amazing day yesterday because of you 💗💗🐸🐸🐸🐸cant wait for tomorrow and the next days with you :) #happpiestspartan #baguio #meronforever. #blessed #myspartanbaby


“GIHIGUGMA TIKA.” Kahapon, May 10, magkasama sina Daniel at Erich sa isang event sa Cebu.

See u later Cebu. 💗💗💗 #YamahaTricity.@yamahaphilippines

A photo posted by Daniel Kenji Matsunaga (@dandanmatsunaga) onMay 9, 2015 at 8:00pm PDT

Kaagad namang bumuhos ang iba’t ibang posts ng sweet moments nina Daniel at Erich sa Instragram mula sa #DanRich fans.

Sa isa pang post ni Daniel, sinabihan pa niya si Erich ng “Gihigugma tika.”

"Thank you all for coming today at the yamaha event!!sobrang saya! Salamat @yamahaphilippines for having us!we really enjoyed! With you @erichgg my work always become easier :)gihigugma tika 💗💗💗 #spartanbaby #spartan"

Ang ‘gihigugma tika,’ ay salitang Cebuano na ang ibig sabihin ay, ‘Mahal kita.’

ON MAY 22. Sa isang maiksing phone conversation ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Pinoy Big Brother All In Big Winner na si Daniel ngayong hapon, May 11, inusisa muli namin ang estado nila ni Erich.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit sabi niya, abangan na lamang ang mga kasagutan sa Kris TV sa darating na May 22.

Priority raw kasi nila ang show ng tinaguriang Queen of All Media na si Kris Aquino dahil dito nagsimula ang kanilang love story.

Pagkatapos daw ng May 22, sasagutin na niya ang lahat ng mga katanungan tungkol sa kanila ni Erich.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN