Daniel Matsunaga finally confirms relationship with Erich Gonzales

Dahil sa masugid na mga fans ng #DanRich, tila hindi na napigilan ni Daniel Matsunaga na ihayag ang totoong estado ng relasyon nila ni Erich Gonzales. Kahit maikling “Yes” lang ang kasagutan ni Daniel, ikinakilig ito ng kanilang mga tagahanga.


Kinumpirma na ni Daniel Matsunaga ang relasyon nila ni Erich Gonzales.

Ito ay kung pagbabasehan ang post ng mga #DanRich fans kahapon, May 7.

Nakalagay sa Instagram post ni @anlizbej78 ang photo collage nina Daniel at Erich, pati na ang screens hots sa comments thread na kasalukuyan pang tini-trace ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Mababasa rito na tinanong ni @vanessapianera si Daniel ng: "Kayo na? Sagutin mo @dandanmatsunaga."

Sa isang screen shot, ito ang maikli ngunit makahulugang sagot ni Daniel: “yyyyeeeesssssssss.”

Caption pa ni @anlizbej78: "Di KO lang mapigilang Hindi KO ma.post to #kiligerssssLang #DanRich ❤❤❤ Yesssssss na talaga to ha?#KingSpartan ,..wala ng BAWI.AN ✌✌✌"

Sa huling panayam ng PEP kay Daniel nitong nakarang linggo sa Boracay, sinabi nitong “secret” kung anuman ang namamagitan sa kanila ni Erich.

Gusto raw ng Brapanese model-turned-actor na maging pribado ang kanyang lovelife.

Itinanggi rin niyang siya ang dahilan kung bakit nagkahiwalay si Erich at ang non-showbiz boyfriend nito.

Read: Daniel Matsunaga on breakup of Erich Gonzales and non-showbiz boyfriend: "That's not my fault."

Sa panayam naman ng PEP sa kapatid ni Daniel na si Vanessa Matsunaga sa isang event noong May 5, kinumpirma nitong nagdi-date nga ang kanyang kapatid at si Erich.

Read: Vanessa Matsunaga confirms brother Daniel and actress Erich Gonzales are dating


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN