Lookalikes Nadine Lustre and Kathryn Bernardo finally meet and formally introduced to each other

Sa tulong ng kanilang common stylist, pormal nang nagkaharap at nagkakilala sina Nadine Lustre at Kathryn Bernardo na matagal nang ipinagtatapat at sinasabing magkahawig pa.


Sa wakas ay nagkaharap at nagkakilala na ang itinuturing na magkaribal at magkahawig na sina Nadine Lustre at Kathryn Bernardo

Nangyari ang pagkikita ng dalawang Kapamilya stars sa backstage ng ASAP 20, bago ang kanilang production number, nitong Linggo, May 10.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Nadine at sa ka-loveteam nitong si James Reid sa pocket interview na inorganisa ng fastfood chain na kanilang iniendorso, ikinuwento ng young actress kung paano nangyari ang kanilang paghaharap ni Kathryn.

Nitong Linggo sa ASAP 20, nagkasama sa isang production number sina Kathryn at Nadine; kasama ang iba pang ABS-CBN stars na sina Julia Barretto at Kim Chiu.

“It was okay naman. Ako po kasi, I really don’t like the awkwardness. Kasi I heard that’s what she said on The Buzz,” ani Nadine, na nakapanayam ng PEP sa Jollibee E. Rodriguez branch sa Quezon City ngayong Lunes, May 11.

Sa isang episode ng defunct showbiz talk show ng ABS-CBN na The Buzz noong March, inamin ni Kathryn na may awkwardness sa pagitan nila ni Nadine dahil hindi pa sila pormal na naghaharap at nagkakakilala kahit nagkikita sila sa backstage ng ASAP.

Bukod sa pagtatapat sa tambalang KathNiel (Kathryn-Daniel Padilla) at JaDine (James-Nadine), pinagkukumpara rin sina Nadine at Kathryn dahil sa pagkakahawig nila.

Pahayag pa ni Nadine, “Ayoko po kasi ng may ibang tao na nau-awkward sa ‘kin, hindi naman kailangan.

“There’s no need na maging awkward siya sa akin.

“Wala naman akong grudge or negative [feelings] towards her… as in wala.

“Ayoko lang talaga ng napi-feel na awkward siya parang ang hirap din po kasi.”


THE FORMAL INTRODUCTION. Sa tulong daw ng stylist na si Bang Pineda, nangyari ang hinihintay na formal introduction ng dalawa.

Kuwento ni Nadine, "Si Bang po, in-introduce niya kami. He introduced me to Kath.

“Sabi niya [Bang], ‘Ay, never pa pala kasi kayong na-introduce sa isat isa,’ ganyan. Para ma-break din yung ice."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang sinabi niya kay Kath nang ipakilala sila sa isa't isa?

“Sabi ko, ‘[I’m] Nadine. Nice to meet you finally,’ ganyan.

“Siyempre papaalis din siya, kasi I think may rehearsal pa siya.

“This was before kami mag-blocking on the stage, so yun… after that, everything’s okay na.”

Ano ang isinagot ni Kathryn sa kanya?

“Wala naman. Baka feeling ko, siyempre medyo nabigla din siguro siya.

“Pero ako naman, 'di ko rin siya masisisi kung ganun.

“Ako, I just want everyone to be okay.

“Ayoko na may ma-awkward sa akin. Ayoko po ng ganun.

"Gusto ko approachable ako to everyone."

Lahad pa ni Nadine, “Even nung nag-i-spiel po kami, I even talked to her.

"Sabi ko, ‘Ay, I watched the teaser of Pangako Sa 'Yo, it’s really nice.’

"Sabi niya, ‘Thank you.’”

Ang Pangako Sa 'Yo ang bagong teleserye ng tambalang KathNiel.

Sinabi naman ni James na naghihintay lang sina Nadine at Kathryn na magkaroon ng panahon para lubos na magkakilala dahil sa ngayon ay pareho silang busy sa kani-kanilang trabaho.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN