Angel Locsin posts birthday message for dead boyfriend Miko Sotto

Makalipas ang maraming taon, hindi pa rin nakakalimutan ng Kapamilya actress na si Angel Locsin na bumisita sa puntod ni Miko Sotto, sa Loyola Memorial Park sa Marikina, sa mga espesyal na okasyon sa buhay ng yumaong ex-boyfriend.


Mahigit sampung taon na ang nakalilipas mula nang pumanaw ang dating boyfriend ni Angel Locsin na si Miko Sotto.

Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakalimutan ng aktres na dalawin ang puntod ng yumaong aktor sa Loyola Memorial Park, sa Marikina City, sa mga espesyal na okasyon.

Gaya na lamang kahapon, May 10, na ika-33 kaarawan sana ni Miko.

Pumanaw si Miko noong December 29, 2003, matapos mahulog sa tinitirhan nitong condominuim unit sa Mandaluyong City.

Kahapon, sa kanyang Instagram account (therealangellocsin) ay nag-post si Angel ng larawan ng isang kumpol na mga puting rosas na nasa ibabaw ng puntod ni Miko.

Isang simpleng “Happy birthday miks!” ang caption dito ng Kapamilya actress.

Happy birthday miks!

A photo posted by Angel Locsin (@therealangellocsin) onMay 10, 2015 at 2:45am PDT

Si Miko ay anak nina Ali Sotto at Maru Sotto, ang nakababatang kapatid ng Eat Bulaga! hosts na sina Tito at Vic Sotto.

(Photo courtesy: Ali Sotto)

Marcelino Antonio Carag Sotto III ang buong pangalan ni Miko, at 21 years old lamang siya nang namatay.

Sa ika-sampung anibersaryo ng kanyang kamatayan noong December 29, 2013, ay dinalaw rin ni Angel ang kanyang puntod.


Read: Angel Locsin visits tomb of Miko Sotto on his 10th death anniversary


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN