James Reid’s tip for a successful loveteam: “Know when to give space.”

James Reid and Nadine Lustre’s tip to future loveteams to work: “Be more understanding, be patient, work together.”


Magkaiba ang sagot nina James Reid at Nadine Lustre nang matanong sila ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung inasahan ba nilang sisikat nang husto ang kanilang tambalan na JaDine.

Sagot ni Nadine, “No, I didn’t expect na yung JaDine magki-click, honestly.

“Kasi para siyang experiment. Gaya ng Diary ng Panget, it was a huge experiment.

“Who would’ve thought na magki-click siya knowing na experiment lang siya?”

Ang tinutukoy ni Nadine ay ang unang 2014 blockbuster movie nila ni James.

Balik-tambalan sila sa pelikula sa ikatlong pagkakataon, ang Para Sa Hopeless Romantic na ipapalabas ngayong May 13.

Iba naman ang sagot ni James, na naging Big Winner sa Pinoy Big Brother: Teen Clash of 2010.

Pag-amin ng Filipino-Australian actor, “Before I joined Viva [Entertainment], I was hoping to get this far, even further.

“As in I was like, ‘I’m gonna go all the way this time.’

"After I lost the fame after PBB, I thought, this time, I’m gonna go all the way."

Nakausap ng PEP sina Nadine at James sa pocket interview na inorganisa ng Jollibee para sa kanila, bilang endorsers ng Cheesy Bacon Mushroom Yum, nitong Lunes, May 11.


ADVICE TO FUTURE LOVETEAMS. Dahil isa ang JaDine sa pinakamatagumpay na loveteams ngayon, inusisa sina James at Nadine kung ano ang maipapayo nila sa future lov teams upang maging matagumpay rin sila.

Sabi ni Nadine, “Be more understanding, be patient, work together.

"As in magtulungan kayong dalawa kasi wala naman ibang tutulong sa inyo kundi kayo lang, e."

Hindi rin daw kailangang maging totohanan ang kanilang loveteam para lang magtagumpay.

Pahayag ng young actress, “Huwag mong pilitin. Just be like really good friends.

“If they do [end up together], why not? Just don’t let it affect [the working relationship].”

Dagdag naman ni James, “And really, really be careful.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“[You] should be more understanding, be more patient if you’re together.

“Also, know when to give them space because you’re a loveteam and you are working together all the time.

"So, of course, you want to feel individualities sometimes.

“We’re lucky because we have our own albums and stuff and our music videos, so we get to do that every now and then.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN