Nadine Lustre surprises James Reid on his birthday

What is Nadine Lustre’s birthday gift to James Reid? She replies, “Support! Ngayon kasi he doesn’t need anything naman na material. He has naman everything.”


Isang sorpresa ang ginawa ni Nadine Lustre para sa kaarawan ng kanyang loveteam partner na si James Reid noong Linggo, May 10.

“Sinurprise niya ako after my show in Pampanga,” sabi ni James nang makausap silang dalawa ni Nadine ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa 22nd birthday party ng young actor sa Nayon ng Kabataan, Mandaluyong City, kahapon, May 11.

Kuwento naman ni Nadine, “Yung surprise ko sa kanya sa Sky Ranch [Pampanga] is very random lang.

“I was supposed to take him sana nga sa susunod naming free sked, which is on the 17th.

"Pero ang ending, 'di rin kami free pareho.

“Wala lang, I just thought na i-surprise ko siya dun.

“It was supposed to be salubong, but he has plans with his family.

“Nag-setup kami ng balloons inside the ferris wheel and with cake. Kinantahan ko lang siya.”

Nang tanungin ng PEP kung ano ang regalo niya para kay James, sagot ni Nadine, “Support! Ngayon kasi he doesn't need anything naman na material. He has naman everything.”


HOPING FOR ANOTHER BLOCKBUSTER MOVIE. Samantala, ngayon Miyerkules, May 13, na ipalalabas ang Para Sa Hopeless Romantic.

Ito ang ikatlong pelikulang pagsasamahan nina James at Nadine.

Umaasa ang magka-loveteam na tatangkilikin din ito ng kanilang fans katulad ng pagsuporta sa mga nauna nilang pelikula, ang Diary ng Panget (2014) at Talk Back and You're Dead (2014).

Sabi ni Nadine, “We're not expecting anything naman.

“Pero there's pressure kasi a lot of people mas sila yung nag-e-expect, kasi yung first two movies nga namin, naging blockbuster nga siya.

“Kami ni James, gusto lang namin siyang matuwa, gusto namin silang kiligin na may konting kirot.

“Yun lang naman po ang gusto namin, na ma-appreciate nila.”

Dagdag naman ni James, “I expect it to be another hit because we have an all-star cast and it was directed by Direk Andoy [Ranay], who directed our first two blockbuster movies.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At saka maganda rito yung story."

Makakasama nina James at Nadine sa pelikula sina Julia Barretto, Iñigo Pascual, AJ Muhlach, at Shy Carlos.

Pagkatapos ng Para Sa Hopeless Romantic ay magiging abala sina James at Nadine sa una nilang teleserye bilang magka-loveteam, ang On the Wings of Love, sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN