Derrick Monasterio still on cloud nine after brief encounter with Jennifer Lopez

Derrick Monasterio on meeting Jennifer Lopez in person: “Parang yung feeling ko, yung kung ano yung feeling ng fans na humahanga sa akin. Yung kinikilig habang nagpapa-picture, ’tapos ipinagmamalaki talaga. Ganun pala ang pakiramdam.”


Nakabalik na sa Pilipinas mula sa isang buwan na bakasyon sa Amerika ang Kapuso young actor na si Derrick Monasterio.

Pero mukhang hindi pa rin siya nakaka-get over sa chance meeting nila ng international singer-actress na si Jennifer Lopez, o mas kilala sa bansag na J. Lo.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Derrick sa UP Town Center, kung saan ginanap ang fashion show para sa UP Town Center Fair, noong Sabado, May 9, para pa rin siyang nakalutang sa alapaap habang nagbabalik-tanaw sa pagkikita nila ni J. Lo.

Kuwento niya, “Nanood kasi kami ng dad ko ng American Idol, tapos may backstage pass po ako.

“Nang papalapit na siya, nag-selfie kaagad ako sa kanya, 'buti hindi siya nagalit.

“Wala naman na kaming chance nagkausap, kasi biglaan lang yun.


“Kahit nga siya, nabigla rin.”

“Hot” pa rin daw si J. Lo sa paningin ni Derrick.

“Maganda po siya, pero medyo nanay na rin po.

“Na-starstruck ako kasi sikat, e.

“Medyo natutula rin ako, kasi isa siya sa pinakasikat na tao ngayon.

“At least, nagkaroon ako ng chance na magpa-picture.”

Nang ipakita sa amin ni Derrick ang kuha niya ay medyo may kalabuan ito.

Natatawang paliwanag ng 19-year-old actor, “A, yeah, kasi nanginginig ako, e. Ganun pala yun!

“Hanggang ngayon, naiisip ko pa rin yun, kasi nga, 'buti hindi ako nasita o hindi siya tumanggi.

“Mabilisan lang talaga yun, nung papalapit siya.

“Buti nga, hindi talaga nagalit, diva raw yun, e.”

Tagahanga ba siya ni J. Lo?

Sagot ni Derrick, “Sakto lang po, naano talaga ako sa kanya kasi...

“Parang yung feeling ko, yung kung ano yung feeling ng fans na humahanga sa akin.

“Yung kinikilig habang nagpapa-picture, 'tapos ipinagmamalaki talaga.

“Ganun pala ang pakiramdam.”

BACK TO WORK. Ano naman ang plano niya ngayong isang buwan siyang hindi nakapagtrabaho?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawang sabi ng Kapuso teen actor, “Heto po, maghahabol!

“At saka magri-replenish ng bank account, ang dami ko pong nagastos!

“Marami po kasi akong napuntahang lugar, marami rin po akong napamili, at yun, sobra ang kain, kaya medyo tumaba ako.

“Pagkarating ko, taping din kaagad ako para sa Magpakailanman.

“Start na rin ako ng recording sa GMA Records, yun.

“Actually, yung theme song sa King of Ambition, yung kinanta ko, ‘Kailangan Kita’ ang ginamit na nila.

“Then, heto pong fashion show ngayon, at hopefully, marami pang projects na darating.”

COLLEGE STUDENT. Sa puntong ito, tinanong namin si Derrick kung ano ang plano niya sa susunod na school year.

Nag-graduate siya ng high school nitong Marso, at nakapasa na rin siya sa college entrance examination sa isang eskuwelahan sa Maynila.

Ano ang kukunin niyang kurso?

Sabi ni Derrick, “Siguro po, kukuha ako ng Legal Management.

“If not, magpu-Political Science ako, titingnan ko pa ang school, kung saan ang best.

“Either sa CEU [Centro Escolar University] or sa isang flight school… it really depends.

“Kasi, titingnan ko kung saan ako mas comfortable, kasi nga, yung biyahe, yung layo.

“Nag-take na ako sa San Beda, pumasa na po ako.”

Kung sakaling Lega Management ang kukunin niya, ano ang meron sa kursong ito na na-encourage siyang kunin?

Paliwanag ni Derrick, “Gusto ko lang maging politician, e.


“So, sana mapag-aralan ko ang basics ng law or something.

“Hindi pa rin ako 100 percent sure kung yun talaga ang kukunin ko.

“Pero kailangang mag-decide na din ako dahil malapit na ang enrolment, 'di ba?”

Nakikialam ba ang kanyang ina, ang dating aktres na si Tina Monasterio, sa gusto niyang kuning kurso?

Ayon kay Derrick, “Sakto lang, hindi naman yung sobrang ano...


“Binibigyan lang niya ako ng advice kung ano sa tingin ko ang makakatulong sa akin.

“Pero sinasabi naman ng mom ko, kung ano talaga ang gusto ko, yung gusto ng puso ko, yun ang sundin ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okey naman, kasi nga para na rin sa future ko ito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN