Source: Cesar Montano and Sandra Seifert to return to Manila next week

Nananatili pa ring tahimik ang kampo nina Cesar Montano at Sandra Seifert kaugnay ng diumano’y relasyon nila at pagbubuntis daw ang dating beauty queen. Ngunit sa kabila nito ay patuloy pa rin ang paglabas sa social media ng mga larawan nilang magkasama mula sa iba’t ibang sources.


Isang anonymous sender ang nagpadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng isa na namang larawan kung saan magkasama ang nauugnay ngayong sina Cesar Montano at Sandra Seifert.

Kasama nila sa nasabing larawan ang isang lalaki at dalawang babae na hindi pinangalanan.

Nilinaw rin ng source na ang lumabas na larawan dito sa PEP kahapon, kung saan magkasama si Sandra at ang ate ni Cesar na si Marimer Hamilton, ay hindi kuha sa Italy gaya ng espekulasyon ng iba.

May lumabas kasing balita na sa Italy raw planong isilang ni Sandra ang sinasabing anak nila ni Cesar.

Read: Sandra Seifert now in Italy with Cesar Montano’s sister?

Ngunit pahayag ng source: “Yung picture po ni Sandra at Marimer ay kuha sa bahay ni Cesar nang magbakasyon dito si Marimer last month.

"Dun na kasi tumitira si Sandra.

"Hindi po 'yon sa Italy. Planong dun manganak pero plano ring sa US manganak.

"'Di pa sigurado pero ang sure po ay buntis talaga siya."

Dagdag pa nito, "Naghahanap na po sila ng matitirahan sa Los Angeles. Uuwi pa po sila sa May 17 dito [sa Pilipinas]."

Pinaniniwalaang nagpunta sina Cesar at Sandra sa Amerika para manood ng laban nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. sa Las Vegas, Nevada, noong May 2.

May mga espekulasyong galing sa kampo ng aktres na si Sunshine Cruz ang mga lumalabas na larawan nina Cesar at Sandra.

Ngunit nilinaw ng source na wala siyang kaugnayan sa estranged wife ni Cesar.

Mananatiling bukas ang PEP sa panig nina Cesar at Sandra tungkol sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN