Maja Salvador speaks up about moving on after split from Gerald Anderson; defends Janice de Belen

Ipinagtanggol ni Maja Salvador ang aktres na si Janice de Belen sa akusasyong ito umano ang dahilan kung bakit nag-break sila ng ex-boyfriend niyang si Gerald Anderson.


Maingat pa rin sa pagbibigay ng pahayag ang Kapamilya actress na si Maja Salvador tungkol sa pagmu-move on niya pagkatapos nilang mag-break ng aktor na si Gerald Anderson.

“Maging masaya lang tayo, yun lang 'yon. Hindi na sa idetalye ko pa 'yon.

“Basta makita niyo ako na masaya, yun ang pinakaimportante,” saad ni Maja sa video interview na inilabas ng ABS-CBN Online ngayong Martes, May 12.

Dahil sa breakup nilang ito, matatagalan kaya bago siya makahanap muli ng bagong inspirasyon?

Sagot ng 26-year-old actress, “Hindi naman lalaki ang nag-i-inspire sa akin.

“Siguro kaya ninyo nakikita na sinabi niyo na blooming ako, maganda ako ngayon, kasi ang daming mas bagay na pinipili ko na positive lang at mas madaming blessing na dumadating.

"So, doon ako nagpu-focus."

Bukod sa pinagbibidahan niyang primetime series sa ABS-CBN na Bridges of Love, ipapalabas din ngayong Mayo ang pelikula niyang You’re Still The One kasama sina Dennis Trillo at Richard Yap.

JANICE DE BELEN. Sinagot din ni Maja ang isyu tungkol sa pagkakadawit ng pangalan ng veteran actress na si Janice de Belen sa breakup nila ni Gerald.

Ayon sa mga lumabas na reports, si Janice diumano ang third party sa hiwalayan nina Maja at Gerald.

Pahayag ni Maja tungkol dito, “Nanay ko naman 'yon... kung meron akong dapat sagutin, 'yon, let’s respect her.

“I love her so much.”

Mensahe pa ni Maja kay Janice: “I love you, Mommy.”

Nagkasama sina Maja at Janice sa teleseryeng Ina, Kapatid, Anak kung saan gumanap sila bilang mag-ina.

Sinabi rin ni Maja na binati niya noong Mother’s Day si Janice.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN