Music icon Mike Hanopol embraces Judaism; to be ordained as the first Filipino rabbi in 2016

Ayon sa music legend na si Mike Hanopol, wala namang magiging conflict sa kanyang religious belief at sa kanyang musika. Nahirapan man daw siya noong una, itinataguyod pa rin daw niya hanggang ngayon ang pagtuturo ng Judaism sa mga taong gustong yumakap sa mga leksiyon ng Torah, ang Bibilya ng mga Hudyo.


Sa 2016 ay oordinahan na bilang kauna-unahang Filipino rabbi ang OPM icon na si Mike Hanopol.

Ang rabbi ay isang Hebrew word na ang ibig sabihin ay isang religious teacher at awtorisadong magpatupad ng mga desisyong may kaugnayan sa Jewish law.

Ayon sa ulat ni Mario Dumaual ng ABS-CBN News kahapon, May 12, dekada ’70 pa nang madiskubre ni Mike na may Jewish blood siya pagkatapos siyang ipakilala ng kanyang ama sa kanilang mga kamag-anak sa New York.

Noong 1995 naman daw nabuhay ang kanyang interes na alamin ang nilalaman ng Torah, ang Bibliya ng mga Hudyo.

Pagkatapos nito, nagturo na siya ng Judaism sa mga taong gustong mabago ang kanilang spiritual life.

“I’ve been teaching about ten years pero unofficial pa rin. I still need to go through one year for the ordination para maging official.”

Kung magkataon, si Mike ang magiging kauna-unahang Filipino rabbi sa Pilipinas.

Biro pa niya, “Nobody has attempted it.”

Wala naman daw magiging conflict sa kanyang musika at sa kanyang paniniwala ang pagiging rabbi niya.

Sa hiwalay na ulat ng KickerDaily.com, sinabi ritong dekada ’80 nang simulan ni Mike ang paghahanap niya sa katotohanan pagkatapos tumira ng kanyang pamilya sa Amerika.

Nanirahan daw siya sa isang seminaryo sa loob ng dalawang taon, bumisita ng iba’t ibang bansa, at dumalaw sa iba’t ibang kulungan.

Dito, inobserbahan daw ni Mike ang religious practices ng mga preso. Pero wala raw siyang nakilalang Jewish prisoner.

Aminado naman si Mike na mahirap ang kanyang ginagawa.

Simula raw nang magturo siya ng Judaism sa Antipolo, mayroon siyang halos 60 katao na tagapakinig.

Sa ngayon daw, sampu lamang ang natira.

Si Mike ay nakilala sa mga sikat na awiting “Laki Sa Layaw (Jeproks)” at “Balong Malalim,” kasama ang kanyang mga kagrupo sa bandang Juan dela Cruz na sina Wally Gonzales at Joey “Pepe” Smith.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN