Phytos Ramirez reveals indecent offer from a gay friend, “Naha-handle ko naman po ng maayos.”

Poised to become a sexy, hunk actor, is Phytos Ramirez willing to do an underwear ad? He says, "Hindi ko pa naiisip ang sarili ko na mag-underwear, pero why not? Trabaho naman po yun, e. I mean blessing po yun.”


Apat na buwang napahinga ang male star na si Phytos Ramirez bago napasama sa cast ng Let The Love Begin, at sa panahong iyon ay sa pagpapaganda ng katawan ibinuhos ni Phytos ang kanyang atensyon.

“‘Tapos 'pag na-achieve ko na yung laki [ng katawan] na gusto ko, magpapatuyot na ako.

“Para masel-masel na po, wala na yung mga fats. Babawasan ko po yung mga tubig, yung pagkain, bawas na lahat.”

May dahilan si Phytos kaya niya gagawin iyon.

“Rarampa po ako. Sabi September po kung papayagan po nila ako.

“Hindi ko pa din po kasi alam kung ano’ng image ko dito sa show, e.”

Baka sa Cosmo Bash ang pagrampang gagawin ni Phytos at malamang ay i-build up siya bilang isang sexy o hunk actor.

Papayag si Phytos kung sakaling may kumuha sa kanya bilang endorser ng brand ng underwear?

“Hindi ko pa naiisip ang sarili ko na mag-underwear, pero why not?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I mean ibang level na yun, soon darating din ako sa ganung point.

“So ako naman ang gusto ko more on [being a] sexy, hunk actor, so okey lang naman po ako [on being an underwear model].

“Trabaho naman po yun, e. I mean blessing po yun.”

Nakapanayam namin si Phytos noong April 23, Huwebes, sa presscon ng Let The Love Begin sa Studio 6 ng GMA Network Center.

GAY FANS. Kung sakaling rumampa si Phytos ay mas lalong dadami ang mga bading na magkakagusto sa kanya.

Paano siya makitungo sa gay fans?

“Okey naman po ako sa kanila, actually yung mga admin ko sa fan’s club ko, halos lahat gays.

"Parang mas magaling sila sa kung paano mag-push sa isang artist.

“Like 'pag nanghihingi ako ng advice sa kanila, anytime puwede ko silang makontak.

“'Tapos halos every month, nagkikita-kita kami para updated sila sa akin, updated din ako sa kanila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado si Phytos na naligawan na siya ng bading, “May mga nagte-text po.”

Kasama na rito ang mga indecent proposal, "Opo mga ganun po!”

Ano na ang pinaka-bonggang inialok kay Phytos?

“Basta iyon na po yun,” at tumawa ang Kapuso hunk.

Pero pinilit namin si Phytos na sabihin kung ano yun, "Hindi lang kotse, I mean more than kotse pa.”

Hindi naman daw bahay, kundi pera at ang pinakamalaking offer ay “mga worth ng kotse.”

Pahayag pa ni Phytos, “Pinabasa ko muna sa mommy ko [ang text message],’tapos sinabi ko sa kanya na hindi po ako ganung tao.

“I mean pinalaki ako ng parents ko ng maayos so hindi ko sisirain yung tiwala nila.”

Sinabi pa raw ni Phytos duon sa tao, ‘Hindi sa iba ang tingin ko sa iyo pero I’m not into man-to-man relationship.’”

CAUTIOUS. Nagulat raw ang mommy ni Phytos ng mabasa ang text sa kanya ng naturang gay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kakilala ni Mama po. Bale friend ko po na naging friend din ni Mama.”

“In the first place, iyon na yung kinakatakutan niya na may mga ganun.

“Actually, iyon yung kinakatakutan niya 'pag nag-showbiz ako, baka madaming ganun.”

Alam ni Phytos na bahagi ng showbiz ang ganoong senaryo, “Yeah, it’s part of it, di ba?”

Hindi naman raw nasira ang kanilang pagkakaibigan, “Alam lang niya yung limitations niya.”

Humingi naman raw ng paumanhin sa kanila ang naturang bading.

“Parang ang sabi niya na hindi naman talaga iyon ang intensyon niya.

“So sabi ko, ‘Hindi, okey lang, basta kalimutan na natin.’

“Bagong buhay ulit para hindi masira yung friendship kasi sayang, e.”

Hindi naman daw na-trauma si Phytos sa mga ganitong situwasyon.

Sabi niya, “Naha-handle ko naman po ng maayos,” at mas maingat na raw siya ngayon.

“Medyo naghe-hesitate lang ako pag may mga… kasi close ako sa mga gays, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang naghe-hesitate lang ako sumama pag nagyayaya sila, pero okay lang naman, sumasama pa din naman ako.”

Samantala, sa Let The Love Begin ay gumaganap si Phytos bilang si Uno.

Lead stars naman rito sina Gabbi Garcia bilang si Pia at Ruru Madrid bilang si Erick. Ito ay sa direksyon ni Miss Gina Alajar.



Kasama rin dito sina Ms. Ai-Ai delas Alas bilang si Jeni; Donita Rose bilang Celeste; Gardo Versoza bilang si Tony; Ms. Gina Pareño bilang si Lola Tacing; Gladys Reyes bilang si DJ Katy Fairy; Neil Ryan Sese bilang Simply Jay Zee; Noel Trinidad bilang si Manong Milton, at si Mark Anthony Fernandez bilang si Jom.

Part din ng cast ang mga Kapuso young stars na sina Abel Estanislao bilang si Makoy, Nomer Limatog bilang si Jules, AR Angel Aviles bilang si Elsa, at si Rita Daniela bilang si Luchie.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close