Inah Estrada blasts rumor linking mom Janice de Belen to Gerald Anderson

Inah Estrada is getting expert advise from her veteran artist parents, but then, "Kahit sabihin nila na, ’Do this, do that,’ siyempre ’di ko naman magagawa yung ginagawa nila."


Muling nagbigay ng kanyang saloobin ang young actress na si Inah Estrada tungkol sa balitang ang kanyang ina na si Janice de Belen daw ang third party sa hiwalayang Gerald Anderson at Maja Salvador.

Si Inah ay ang panganay na anak ni Janice sa dati nitong asawa na si John Estrada.

Pahayag ng dalaga tungkol sa isyu, "Siyempre, I got affected. I can't help it.

"But as long as alam kong walang katotohanan...

"I know my mom. She's... wala, wala talaga, e.

"There will always be rumor naman.

"Sabi ng mom ko, even if you're a good person, there will always be some people who will not like you.

"They will just say something, yung parang they will just spread things."

Saad pa ni Inah, "Nung una, naapektuhan talaga ako, it came to a point na papatulan ko na talaga.

"But then, I told myself, 'Just shrug it all, it's not true, there's no point.'"


MALICIOUS. Sa kabilang banda, may nagsasabing single naman si Gerald at ganun din si Janice.

Kaya para sa iba, walang masama kung maugnay silang dalawa; kahit sabihin pang medyo malayo ang agwat ng kanilang edad o may mga anak na ang award-winning actress.

Si Janice ay 46 years old, habang si Gerald naman ay 26.

Sabi ni Inah tungkol dito, "Walang masama dun, but wala talaga, e. There's absolutely nothing.

"Kuya Gerald is my mom's friend. And he's a very, very good person.

"But then, there's nothing talaga."

Kahit pa nga raw may naglabasang pictures, kung saan nakita ang dalawa na magka-holding hands o hinahalikan ni Gerald sa pisngi si Janice.

Giit ni Inah, "Wala... well, hindi naman natin maiiwasan na there are some people who would think maliciously.

"But I' m not bothered by it anymore, as much as I should be.

"Basta ang alam ko, wala talaga, there's nothing. It's not true, guys."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napag-usapan ba nila itong mag-ina?

Nangingiting saad ng 21-year-old actress, "We didn't talk about it.

"But then again, I think na, if we did talk about it, 'What are we gonna talk about?'

"I mean, it's okay with me to talk about it kung totoo.

“But since it's not true, parang, 'O, Mom, may sinasabi sila.'

"Siguro ganun lang, pero talking deeply about it, there's no need."

Pagkatapos nito ay hiniling niyang iba na lang ang pag-usapan namin.


MAJOR PROJECT. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Inah sa presscon ng pinakabagong primetime series ng TV5, ang Baker King, na ginanap sa WheatBerry Bakery Café, sa Quezon City, nitong Martes, May 12.

Ito ay hango sa well-loved at sikat na Korean series na The Baker King na ipinalabas noong 2010.

Inalam namin kay Inah kung ito ang first major project niya sa TV.

Sagot niya, "First major na parang isa siyang teleserye, yes, this is my first.

"Kaya nga super happy ako na after yung Wattpad episode namin ni Aki [Blanco], heto kaagad, nasundan na.

"I feel the love nga sa akin ng TV5, and very grateful dahil dito."

Kaya nga raw maging ang kanyang mga magulang na parehong beterano sa pag-arte ay hindi maiwasang lagi siyang pinagsasabihan.

"Oh, my gosh, ang dami!

"Hindi naman sa... acting kasi, kahit sabihin nila na, 'Do this, do that,' siyempre 'di ko naman magagawa yung ginagawa nila.

"Kahit my mother is Janice de Belen and my dad is John Estrada, I have to hone my own skills as Inah.

"Ang lagi lang nilang sinasabi sa akin ay 'Always research your role, your character. Mag-practice ka, and just be yourself, tapos concentrate, makinig ka.'

"Yun din lang naman ang laging sinasabi nila."

Dagdag pa niya, "Actually, noong mag-uumpisa pa lang ako sa showbiz, sinasabi ko na sa sarili ko na, 'Naku, may pressure!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Cause nga, my mom and dad, ang gagaling nila, one of the best actors talaga, by far.

"So, a lot of people talaga will expect a lot from me.

“But then, sinabi ko talaga sa sarili ko na, I can't just go on and live under my mom's and dad's shadow.

"Kailangan ko ring gumawa ng sarili kong pangalan.

"And that's why I strive hard, and yun talaga ang goal ko.

"And maybe, this one, this Baker King series, will help."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN