Donita Rose shocked by unexpected meeting with ex-boyfriend Gary Estrada’s son

Donita Rose on playful banter with Kiko Estrada, son of her ex-flame Gary Estrada: "Sabi niya, ‘Oo nga, e,’ na parang, ‘Kinukuwento ka ng tatay ko. Sabi niya, sinaktan mo siya nang husto!’ Parang ganun, binibiro niya ako. Tapos sabi ko, ‘Naku, yung tatay mo nga ang ano, e, baligtad! Siya ang ano, babaero,’ ganyan-ganyan."


Hindi inaasahan ang naging unang pagkikita ni Donita Rose at ng anak ng dati niyang nobyo na si Gary Estrada, si Kiko Estrada.

Nangyari ito sa isang episode ng defunct morning show ni Donita sa GMA Network na Basta Every Day, Happy!, kasama sina Chef Boy Logro, Gladys Reyes, at Alessandra de Rossi.

Sa naturang episode ay na-shock si Donita nang makita si Kiko, na anak ni Gary sa dati rin nitong karelasyon na si Cheska Diaz.

“Na-shock talaga ako! Hindi nila ako sinabihan. Hindi ko alam.”

Birthday ni Donita nang kunan ang episode na iyon noong December 2014.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Actually dyinu-joke nila ako before na, ‘Ms. Donita, sa 40th birthday mo, parang may mga iba’t ibang guests ka na magugulat ka!’

“Parang tinutukoy nila, si Gary nga.

“Sabi ko, ‘Ewan ko sa inyo!’ Ganyan-ganyan, they were just teasing me.

“Tapos on my birthday itself, December 5, nag-taping kami, and then guest siya [Kiko], so natatawa ako sa kanila kasi…”

Si Kiko pala at hindi si Gary ang isa sa guests niya.

“And he’s all grown-up na,” banggit pa ni Donita.

Nag-usap ba sila ni Kiko off-camera, napag-usapan ba nila si Gary?

“I don’t wanna… baka kasi if I…

“We started talking, kasi nung sinabing anak ni Gary yun, so I was like, ‘Oh, my gosh!’

“Ganyan, tapos biniro na ako ng anak.

“Tapos sabi niya, ‘Oo nga, e,’ na parang, ‘Kinukuwento ka ng tatay ko. Sabi niya, sinaktan mo siya nang husto!’

“Parang ganun, binibiro niya ako.

“Tapos sabi ko, ‘Naku, yung tatay mo nga ang ano, e, baligtad! Siya ang ano, babaero,’ ganyan-ganyan.

“We were just playfully bantering.

“Pero I’m so scared baka kasi, you know, I don’t know how people would twist it.

“But I just had a fun time laughing about it with him.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napag-alaman naman ng PEP na hindi pa nagkakatrabaho sina Donita at Gary mula noong mag-break sila noon.

Papayag ba siya kung may teleserye o pelikula na pagsasamahin sila ni Gary?

Sagot ni Donita, “I don’t see anything wrong with it.”

Kung halimbawang ang papel ng mister niyang si Tony sa Let The Love Begin ay hindi si Gardo Versoza ang gumaganap kundi si Gary, tatanggapin ba ni Donita ang naturang GMA drama series?

“Actually, I’m okay. Wala namang problema sa akin.

“But if okay naman kay Ms. Bernadette, then why not, 'di ba?”

Ang tinutukoy ni Donita ay ang misis ni Gary na si Bernadette Allyson.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN