Roxanne Barcelo excited about close friend Marian Rivera’s pregnancy

Roxanne Barcelo on changing her image: "Hindi siguro alam ng lahat na may pinagdaanan ako. Parang ‘di ako happy, hindi lamang sa career, kundi sa maraming bagay sa buhay ko. Kaya sabi ko, something has to change."


Bilang isa sa pinakamalapit na kaibigan ni Marian Rivera, sobrang natutuwa raw si Roxanne Barcelo na nagbunga na ang pagmamahalan ng Kapuso Primetime Queen at ng asawa nitong si Dingdong Dantes.

Kahati nga raw si Roxanne sa excitement na nararamdaman ng mga ito sa pagdating ng una nilang supling.

Sabi ni Roxanne, “Ano talaga siya [Marian], marami ang nagmamahal sa kanya, mahal na mahal siya ni Lord.

“Kitang-kita naman natin na ano talaga siya, she's a good friend, mabait na anak, at mabait na... kumbaga, idol.

“Sini-share niya sa lahat, kung ano ang nasa kanya.

“So, makikita mo talaga na mabi-bless siya ni Lord, not only with one child, but with many children.”

Saad pa ng actress-singer, “Ako, I'm really looking forward kung paano siya magiging mom.

“Kasi, sa totoo lang, maalagain siyang kaibigan, maalagain siyang anak.

“So, andiyan na yung instinct niya as a mother.

“Nai-excite ako para sa kanya.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Roxanne sa premiere ng horror film na kinabibilangan niya, ang Binhi (The Seed), sa Cinema 3 ng Glorietta 4, Miyerkules ng gabi, May 13.

Ang Binhi ay ang pelikulang iprinodyus ni Troy Montero, katuwang ang Haunted Tower Pictures, Inc., na ipalalabas na sa May 20.

WHAT ABOUT HER? Hindi ba siya iniinggit ni Marian, dahil nasa marrying age na rin si Roxanne at dalawang taon na rin silang magkarelasyon ng model-actor na si Will Devaughn?

Nakangiting sabi ng 28-year-old actress, “Hindi kasi siya ganun, e.

“Kasi kami, parang... kaya siguro rin kami tumatagal as friends, kumbaga, kung ano ang pinagdadaanan ng isa, ina-appreciate na lang namin.

“Pero isa siya sa mga nagtanong sa akin, at si Ana [Feleo], mga about three years ago na, ‘Ano ba talaga ang gusto mo?’

“Kasi, parang nakikita siguro nila na masayahin ako, pero parang malungkot sa loob.

“At mga kaibigan ko lang ang mga nakakaalam niyan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FIGHTER. Sa puntong ito, idinetalye ni Roxanne kung ano ang ugali ni Marian na talagang hinahangaan niya bilang tao at bilang kaibigan.

“Palaban talaga si Marian, in a good way.

“Talagang she fights what she believes, at kung ano ang dapat na para sa kanya, yun ang talagang ipinaglalaban niya.


“Nothing more, nothing less.

“Kumbaga, parang yung faith niya as a woman, malakas.

“Kung kaibigan mo siya, mahahawa ka sa kanya, mahahawa ka sa good vibes niya.


“She's full of faith sa destiny niya, at sa relasyon niya with God.”

Ano naman ang mga ibinibahagi ni Marian sa kanila tungkol sa motherhood, sa pregnancy, at sa pagiging married woman?

Ayon sa Viva artist, “Sa totoo lang, lahat ng mga kaibigan ko, nag-o-open up talaga.

“Lalo na kapag first pregnancy, 'di talaga maku-contain, e.

“So, parang ganun din, nung magkita kami, lahat ay ibinuhos niya, lahat ng mga nararanasan niya.

"Yung pinaglilihian niya, si Dong lang talaga.

“Meron akong mga naririnig na iba, pero si Dong lang talaga.

“Kaya ‘di ako magtataka na magiging kamukha ni Dong ang unang anak nila.”

HORROR. Samantala, hindi rin maiwasang ipagmalaki ni Roxanne ang pelikulang Binhi.

“Dito sa movie na ito, sobrang matatakot ka talaga dahil horror na horror ang dating.

“Ibang klase rin kasing direktor si Pedring Lopez, mabusisi.

“Sa sound effects lang, talagang mararamdaman mo na kaagad ang takot sa katawan.

“Happy naman ako sa end result ng movie.”

Bago na rin ang image ngayon ni Roxanne dahil bumalik na siya sa kanyang first love, ang pagkanta.

“Dun naman sa change of image, hindi siguro alam ng lahat na may pinagdaanan ako.

“Parang ‘di ako happy, hindi lamang sa career, kundi sa maraming bagay sa buhay ko.

“Kaya sabi ko, something has to change.

“So, binigyan ako ng chance ng Viva, binigyan nila ako ng pagkakataon na mag-record ng mga kantang gusto at isinulat ko mismo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So they will be releasing my new album entitled Morena this month, 'tapos na kami sa music video.

“So, yung sexy image ko, nadala na lang yun ng songs or music ko.

“It all started from there.

“Ibang simula na kasi ito, parang ibang tao na 'to.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN