Manny Pacquiao shrugs off Floyd Mayweather’s trash talk

Manny Pacquiao: “Gusto ko pa ring mag-boxing. It’s not about sa pera o ano. Ang sa akin is… masaya ako na nagkaisa ang mga Pilipino nung laban ko. Na buo ang suporta nila sa akin tapos nabibigyan ko ng karangalan ang bansa natin. Dun, masaya na ako. Kaya minsan, kapag natatalo ako, nung mga nakaraan, e, napapaiyak ako dahil nabibigo ko ang mga kababayan natin.”


Bakas sa mukha ni Manny Pacquiao ang labis na kasiyahan dahil sa mainit na pagsalubong sa kanya ng mga kababayan nang bumalik siya sa bansa kahapon, May 13.

Sa airport pa lang ay nagbubunyi na ang kanyang mga tagasuporta sa pagbabalik ng Pambansang Kamao.

Kahit kumikirot pa ang kanyang balikat na inoperahan, masigla pa rin siya at tila walang kapaguran na mula airport ay inisa-isa niya ang nasa kanyang itinerary sa buong maghapon hanggang gabi.

Kabilang na rito ang motorcade sa Makati papuntang Manila, courtesy call kay Pangulong Noynoy Aquino, pagbisita sa ABS-CBN, at ang red carpet na pagsalubong sa kanya ng home network niyang GMA-7.

Sa live interview sa kanya ni Jessica Soho sa State of the Nation ng GMA News TV kinagabihan, sinabi ni Manny ang kanyang saloobin sa pagkatalo niya kay Floyd Mayweather Jr. sa laban nila noong May 2.

Saad niya, “Gusto ko pa ring mag-boxing.

“It’s not about sa pera o ano. Ang sa akin is… masaya ako na nagkaisa ang mga Pilipino nung laban ko.

“Na buo ang suporta nila sa akin tapos nabibigyan ko ng karangalan ang bansa natin.

“Dun, masaya na ako.

“Kaya minsan, kapag natatalo ako, nung mga nakaraan, e, napapaiyak ako dahil nabibigo ko ang mga kababayan natin.”

ACCEPTS HIS DEFEAT, BUT.... Tanggap naman daw ni Manny ang kanyang pagkatalo.

Na-review na niya ang video ng laban nila ni Mayweather at base rito, ano ang naging analysis niya?

Sabi ni Manny, “Uunahin ko, hindi ako nagku-complain sa desisyon ng mga judges. Nirerespeto ko desisyon ng judges.

“Pero nung ni-review ko, para sa akin, e, panalo ako by two points.

“Takbo nang takbo siya [Mayweather].

“At saka after four rounds, nagkaroon tayo ng diperensiya sa balikat so iyon ang dahilan.

“At saka takbo nang takbo… ayaw niyang makipagdikit sa akin, e.

“Iyon talaga ang style niya. Inisip siguro niya na lugar niya ‘yon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa mga pagkakataong niyayakap siya ni Mayweather na susundan nito ng suntok sa tagiliran niya, may mga kumukuwestiyon kung bakit wala raw aksiyon ang kanilang naging referee kaugnay nito.

Sabi niya tungkol dito, “May pagkukulang din ang referee doon. Pero hindi natin sisihin dahil malaking fight iyon.

“At saka hindi naman… minsan nagkakamali din ang referee.”

Marami ang nagsasabing bitin sila sa naging laban nina Manny at Mayweather.

Yung iba ay nagpahayag nga ng kanilang pagkadismaya na ang sagupaan ng dalawa sa pinakamagagaling na boksingero sa buong mundo ay ganoon lang ang kinalabasan ng kanilang laban, na para lang daw naghabulan sa boxing ring.

Sabi naman ni Manny, “Maganda siguro yung bitin. Para kung may pangalawa man ay excited pa rin silang panoorin.”

REMATCH. Si Mayweather, binawi ang unang sinabi na okey sa kanya na magkaroon sila ng rematch ni Manny, at ngayon ay balik ito sa pagta-trash talk laban sa Pambansang Kamao.

Ngunit sabi ni Manny, “Ayoko munang mag-comment sa mga sinasabi niya.

“Ang focus ko sa ngayon ay pagalingin ko ang balikat ko hundred percent.

“At saka siguro pag-usapan yung kung may rematch o wala.

“Ang alam ko, panalo ako sa fight na ito, dahil yung goal ko is to glorify the name of the Lord.

“And for the first time, Mayweather thanking God before and after the fight.”

Sa mga pagkatalo niyang sa boxing, ano ang lesson na kanyang natutunan?

Sagot ni Manny, “Stand firm in the faith to the Lord.

“At labis akong nagpapasalamat sa ating mga kababayan na nagkaisa sa pagsuporta.

“Talagang overwhelmed ako sa suporta at dasal ng sambayanang Pilipino dito sa fight na ito.

“At hindi ko makakalimutan ‘yan.

“Nagpapasalamat din ako sa Panginoon na naging okey ang lahat.

“Pati yung successful ang operation ko sa shoulder ko, and then yung nakabalik kami sa Pilipinas nang ligtas.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN