PNoy all praise for Pia Wurtzbach; believes Senator Grace Poe can continue what he has started

President Benigno Aquino III describes beauty queen Pia Wurtzbach as “mabait, magaling, at determinado.” PNoy and Pia are being romantically linked to one another.


Puring-puri ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III ang nali-link sa kanyang actress-turned-beauty queen na si Pia Wurtzbach, base na rin sa panayam sa kanya ng isang AM radio station.

Eksklusibong nakapanayam ng Bombo Radyo Pilipinas si PNoy nitong Huwebes ng umaga, May 14, at natanong siya sa iba't ibang isyu, kabilang na ang pagkakaugnay niya sa Miss Universe Philippines 2015 titleholder.

Tinanong ang Pangulo kung ano ang masasabi niya tungkol kay Pia.

Sagot niya, "Mabait na tao ‘yan, at saka magaling, at saka determinado."

Nitong April, bagamat inamin ni Pia na patuloy ang komunikasyon nila ni PNoy, hindi raw sila masyadong nagkikita dahil pareho silang abala.

Sa kabila ng pag-uugnay sa kanila, wala pang direktang kumpirmasyon kung ano ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

Tiniyak din ni Pia na ang focus niya ngayon ay ang kanyang paghahanda para sa Miss Universe 2015 pageant.

Read: Miss Universe Philippines 2015 Pia Wurtzbach keeps in touch with President Noynoy Aquino

ON SEN. GRACE POE. Samantala, inusisa rin si PNoy tungkol sa usap-usapang si Senator Grace Poe ang napipisil niyang iendorso bilang Pangulo sa 2016 elections.

Kumpiyansa kasi ang Pangulo na maipagpapatuloy ni Senator Grace ang repormang kanyang sinimulan sa anim na taon niyang panunungkulan.

Pahayag ni PNoy sa interview, "Nag-usap kami ni Grace Poe dahil, ‘di ba, kinampanya naman natin siya noong 2013?

“Naniniwala tayong tama yung kanyang mga pananaw or nasa tamang direksiyon ang gusto niyang tahakin.

"At yung importante sa akin na mapanatili yung coalition na talaga namang sobrang ganda nung resulta natin nung 2013."

Sinabi rin ni PNoy na “luha, pawis, dugo” ang inilaan ng kanyang administrasyon sa pamamalakad sa bansa upang mapabuti ito, at naniniwala siyang maipagpapatuloy ni Senator Grace ang kanyang mga adhikain.

Ngunit idinugtong niyang wala pa silang pinal na usapan.

Sa June pa raw niya ihahayag ang magiging standard bearer ng kanilang partido na Liberal Party.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN