Sam Milby passes up two big movie projects to focus on his acting class in LA

Sam Milby on going back and forth between the Philippines and Los Angeles: “I’m not worried ‘coz I really believe in the last ten years ABS has taken care of me, and I believe will still take care of me. Sometimes we have to accept that this is a job that really won’t be forever. I still wanna just keep on going, do what I can and enjoy.”


Hindi raw pinanghihinayangan ni Sam Milby ang pagkawala sa kanya ng film projects na English Only Please at Ex With Benefits.

Ang English Only Please ay naging big hit at humakot ng awards sa nakaraang 2014 Metro Manila Film Festival, habang ang Ex With Benefits ay nakatakdang ipalabas ngayong taon.

Si Sam ang original choice para sa mga naturang proyekto, ngunit dahil sa pag-aaral niya ng acting sa Los Angeles ay kinailangan niyang tanggihan ang mga ito.

Parehong napunta ang mga proyektong ito kay Derek Ramsay.

Pahayag ni Sam tungkol dito, “I believe that everything happens for a reason.

“And, like I’ve said, it was a good experience for me, such a learning experience.

“If a project or another project doesn’t happen for me, it just doesn’t happen for me.

“I’m excited, kasi I have key projects that coming up dito sa Pilipinas.

“Hindi pa nag-i-start, but pinag-usapan na, niluluto na.”

Ang tinutukoy marahil ni Sam ay ang pagpirma niya ng kontrata sa Regal Entertainment Inc.

Hindi ba siya nanghinayang na nawala sa kanya ang dalawang movie projects na ito?

Sagot ni Sam, “Nanghihinayang? Hindi naman.

“I did actually like the script though, it was really a nice script.

“I also believe that Derek will give justice to the role, bagay din siya sa role, I think he will do well.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Sam sa ASAP 20 noong Linggo, May 10.


ACTING WORKSHOP IN L.A. Kumusta naman ang acting workshop na sinalihan niya sa Los Angeles, California?

Lahad ni Sam, “Okay naman, good to be back.

“Nag-aral ako ng acting, meetings, networking new people, and medyo bakasyon din.

“It went well, it went really well.

“Medyo iba. I haven’t taken that many quest dito, it’s a lot different thing there being in a class.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It was so many different kinds of people all around the world.

“It was a good learning experience for me and I’m going back again.

"Kasi gusto ko iba’t ibang teachers din to get different methods of acting.

"Gusto kong mag-grow as an artist.

"It helps me to see the other actors din, their feedbacks also in giving me feedbacks sa mga eksena na ginawa ko sa class.

“It gives me confidence din.

"I was able to meet a lot of different people din, it’s really good.”

Hindi naman daw nababahala si Sam na maaapektuhan ang acting career niya sa Pilipinas dahil sa pagpabalik-balik niya sa Amerika. Lalo na’t napakarami nang mga baguhang artista na maaaring pumalit sa kanya.

Saad niya, “I know it’s difficult, kasi yung turnover rate, ang bilis, ang daming bago.

“Even when I was gone for a while dito sa ASAP, ang daming bago na bata.

“It’s a lot different, but I’m thankful.

“To think about it, this is my tenth year, to think I still have work, sobrang blessed pa rin ako. They still offer projects pa rin.

“I’m not worried ‘coz I really believe in the last ten years ABS has taken care of me, and I believe will still take care of me.

“Sometimes we have to accept that this is a job that really won’t be forever.

“I still wanna just keep on going, do what I can and enjoy.”

STILL SINGLE. Nang kumustahin naman ang kanyang lovelife, sinabi ni Sam na wala pa rin siyang bagong girlfriend hanggang ngayon.

“Wala pa. Siyempre I am travelling so much lately, so medyo mahirap nga.

“For me, if it happens, it happens.

“If not, I’m dating naman.”

Bukas, May 16, ay ikakasal na ang matalik na kaibigan ni Sam na si John Prats kay Isabel Oli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Sam ang tatayong best man.

Sabi niya tungkol sa nalalapit na kasal ng kaibigan, “I’m excited for them, sobra!

“The first time na nag-hangout sila, ako ang kasama ni Pratty.

“Ako yung nag-drive when we hang out with Liv the first time.

“From the time that I saw them, nakita ko yung kilig ni Pratty talaga and, until now, I still see so much love between them.

“So, I’m so excited for them.

“I’m the best man… I’m blessed that I have a friend that found his forever.”

Hindi ba siya naiinggit na ikakasal na ang kanyang kaibigan, samantalang siya ay single pa rin hanggang ngayon?

Sagot ni Sam, “Not inggit, it’s more of excitement.

“My time will come also, but lahat na pala halos…

“Si Toni [Gonzaga] next month, si Nikki [Gil] later this year… last year everyone is getting married din.

“I’m only 30 pa rin, still okay, I’m still young.

“I’m excited for that day for me also. In God’s time.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN