Vice Ganda on crush Atom Araullo: “Hindi naman ako papatulan nun, hello!”

Vice Ganda on his R-13 concert: "Kailangan 13 years old pataas ang puwedeng manood. Kasi kapag may nakikita akong bata, nadi-distract ako. Yung flow of thoughts ko, napuputol. Naku-concious ako kasi iku-consider ko, may bata."


Iba ang ngiti ni Vice Ganda nang matanong tungkol sa ABS-CBN News reporter na si Atom Araullo.

Naging trending topic kasi ang pagpapalitan nila ng “I love you!” sa isang episode ng It’s Showtime.

Ngunit paglilinaw ni Vice sa panayam niya sa Aquino and Abunda Tonight kagabi, May 14, “Super bet ko kasi siya, pero hanggang crush lang.

“Hindi naman ako papatulan nun, hello!”

Kuwento pa niya, “Nung nagkukuwentuhan kasi kami sa Showtime, in-on the spot ako ni Vhong [Navarro], ‘Oy, may kuwento ka.’ Pero wala naman akong kuwento.

“So, on the spot, bumuo ako ng kuwento.

“Sabi ko, may napanaginipan ako, may napanood akong ganyan.

“Tapos sinabi ko yung pangalan, Atom Araullo.

“Tapos nasa side si Kuya Kim [Atienza], tinatawagan na pala niya si Atom Araullo.

“Ini-speaker phone niya, tapos nag-usap kami.

“Sabi ko, ‘Atom, I love you.’ Tapos nag-‘I love you’ din siya.

Kinikilig pang biro ni Vice, “Hindi ko naman siya masisisi!”

Pero dagdag din niya, “Mabait ‘yon. Mabait si Atom Araullo.”

R-13 CONCERT. Samantala, si Vice daw mismo ang may gustong walang batang manood ng upcoming concert niyang Vice Gandang Ganda Sa Sarili Sa AranetaEdi Wow!, na gaganapin sa Araneta Coliseum sa May 22.

Paliwanag ni Vice, “R-13. Kailangan 13 years old pataas ang puwedeng manood.

“Kasi kapag may nakikita akong bata, nadi-distract ako. Yung flow of thoughts ko, napuputol.

“Naku-concious ako kasi iku-consider ko, may bata.”

First time lang na mangyayari sa local music industry na may concert na hindi puwede sa mga bata.

Saad ni Vice, “Kasi kahit sa comedy bar, inaaway ko ang may-ari kapag may nakikita akong bata.

“Na, ‘Bakit kayo nagpapapasok ng bata, e, ang mature ng pinag-uusapan natin?’

“Kaya ako ang nagdesisyon na R-13 dapat yung concert ko.

“Tama na yung sa movie, pambata ang pelikula ko.

“Iba’t iba… yung TV, yung Showtime, as much as possible puwede sa bata, ‘di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero yung concert ko, ayoko. Iregalo na sa akin.

“Kasi yung concert ko na ito, very comedy bar nga.

“Na ang daming pinag-uusapan na hindi talaga puwede sa mga bata.

“May mga laswaan minsan, ‘di ba? Yung lengguwahe na ginagamit at may mga nababanggit na… ‘di ba?”

Bukod kay James Reid, sino pa ang ibang kumpirmadonng magiging guest sa kanyang upcoming concert?

“Si Vhong [Navarro] at saka si Billy [Crawford].

“Kasi never pa kaming nag-perform together sa ganung event.

“Yung Porkchop & Ketchup namin sa Showtime, never pa naming nailabas ‘yon.”

THE STAGE. Totoo bang soldout na ang tickets para sa concert niya?

Sagot ni Vice, “Hindi ko lang alam.

“Pero soldout na yung sa VIP, sa Patron… ang natitira na lang ay yung medyo sa taas.

“Yung mga tao, sinasabi nila lahat, gusto nila sa baba.

“Kasi, ‘di ba, lagi ang feeling nila, ‘Ay, ang layo na!” kung sa bandang itaas na puwesto ang ibig sabihin ni Vice.

“Pero this time, first time na mangyayari sa concert dito sa Pilipinas ng local artist na yung stage, nasa gitna ng Araneta. Na lahat ng areas bukas kaya lahat malapit.

“Lalo na yung upper box na area, ang ganda ng area na ‘yon.

“Kasi makikita nila yung effects nung… yung floor kasi, LED na mas maa-appreciate mo kapag nasa taas ka.

“Sobrang maraming eksena… ay, malala!

“Kasi nga, nasa gitna yung stage, isang buong bukas yung stage, kaya it’s either nasa ere o nasa lupa yung nagaganap.”

Curious ang mga tao tungkol sa kasalukuyang estado ng kanyang lovelife. May portion ba sa kanyang concert about that?

Sabi niya, “About love? Oo, meron.

“Hindi puwedeng mawala. Sexy ang approach ng pag-tackle.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN