Kristoffer Martin rates Joyce Ching as stronger, wiser after their split

Although Kristoffer Martin admits having a loveteam is a huge career booster, he says, "Kahit saan siguro ako ilagay, may ka-loveteam o wala, mapa-kontrabida o hindi...Okey lang naman sa akin as long as ‘yong ginagawa mo pa rin, ‘yong gusto mong gawin.”


Napatunayan na ni Kristoffer Martin na may ibubuga siya kung acting ang pag-uusapan. Pero tanggap ba niya na hindi pa ito sapat at kailangan pa rin niya ng ka-loveteam para mas umangat ang kanyang career?

Pahayag niya, “Siguro… sasabay ka kasi sa kung anong demand ng industry na ‘to, e.

“Alam naman natin na mas nag-uungusan ang mga loveteam-loveteam dahil nga mas pumapatok sa mga teenagers.

“Pero ako naman, kahit saan siguro ako ilagay, may ka-loveteam o wala, mapa-kontrabida o hindi, gano’n.

“Okey lang naman sa akin as long as yung ginagawa mo pa rin, yung gusto mong gawin.”

WORKING WITH JOYCE. Balik-tambalan sina Kristoffer at Joyce Ching bilang mga bida sa bagong teleserye ng GMA-7 na The Healing Hearts. What’s the best part of working with his ex-girlfriend again?

“Siguro yung ano… no dull moments kasi sa aming dalawa, e.

“Ang sa akin, every time na kasama ko siya... yung rebonding namin.

"Despite ng mga nangyari sa past na alam naman natin kung ano yung mga pinagdaanan.

“Yung relationship namin bilang magkaibigan e nandon pa rin at mas nagiging stronger.

“Gamay na namin ang isa’t isa in terms of acting, yung saluhan ng emosyon, yung mga gano’n.

“Sa sobrang pagkakakilala namin sa isa’t isa, minsan nagri-revise kami sa mga eksena namin on the spot, attentive kami sa isa’t isa.

“Kumbaga sa ngayon, things are clear sa relationship namin as friends, gano’n.”

Sinasabi ni Joyce na mula nang nag-break sila, wala siyang in-entertain na manliligaw. Ano ang dating nito kay Kristoffer?

“Iyon kasi si Joyce, siya yung tipong tao na… in God’s perfect time siya, kumbaga.”

STRONGER. Hindi ba yung parang hinihintay ni Joyce na baka puwede pa silang magkabalikan?

“Hindi naman gano’n ang personality niya. Si Joyce kasi lalo na sa pinagdaanan namin, naging stronger siya ngayon, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas naging wise siya, kumbaga sabihin nating parehas kaming natuto sa isa’t isa.

“Isa si Joyce sa pinakamahirap na makukuha mo pero worth it in the end.”

So it will take time bago mangyari yung magkabalikan sila kung sakaling mangyayari nga ito?

“Kasi ngayon hindi pa siya talaga pumapasok sa isip namin. Hindi pa rin namin napag-uusapan.

“Kung magkakaron siguro ng gano’n, ayoko namang magbigay ng percentage o ano.

“Kumbaga we’re still open to possibilities. Tingnan natin!” nangiting nasabi ni Kristoffer.

WORTH THE WAIT. Samantala, worth the wait rin daw ang masasabi ni Kristoffer sa pagsisimula ng airing ng Healing Hearts.

“Matagal na rin kasi namin itong inantay, e,” sabi ng Kapuso young actor.

“Yung pagkasabik namin na finally ay umere na siya, iyon ang mas nangingibabaw sa amin, e.

“Yung trinabaho namin for so many months, finally heto at ipinapalabas na.

“Na lahat ng mga eksena rito, pinag-isipan at pinaghirapan talaga.

“We have enough time talaga na mapaganda yung material, ‘tapos balik-tambalan kami ni Joyce.

“Dito namin siguro maipapakita yung gusto namin before na timpla ng soap na romcom.

“Kumbaga mas napaglalaruan namin itong soap na ito dahil kumbaga light side nga siya. Although may drama siya.

“Pero mostly kasi, 60 to 70 percent of the soap is more on the romantic-comedy side, e. So masaya.

“Ang pinakagusto ko ngang eksena namin ni Joyce ay yung sa pool na nag-swimming ako at nakita niyang nakahubad.

“Parang natulala siya na nakita niya ako, nalaglag siya sa pool, ‘tapos sinagip ko siya.

“Iyon ang paborito naming eksena kasi cute siya.”

RATINGS WAR. Matindi ang laban sa ratings. Wala bang pressure silang nararamdaman ni Joyce ngayong umeere na ang pinagbibidahan nilang soap?

Saad ni Kristoffer, “Yun lang ang tanging pressure sa amin, yung ratings.

“Pero yun nga… hindi naman namin hawak ang ratings, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang tanging hawak namin dito is yung material namin.

“Siyempre iyon ang pinaka-may control kami… kung paano ba namin mapapaganda, yung ganun-gano’n.

“Kaya yun nga… tulung-tulong. Team work lang sa production.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN