Manolo Pedrosa sees no problem in having two loveteams, one with Maris Racal and the other with Janella Salvador

Despite his breaks in showbiz, Manolo Pedrosa remains endearingly modest. About his acting ability, he says "Medyo inexperienced pa ’ko." Although financially secure, he decides to focus on work to pay it forward to his parents, "It’s time to give back.”


“Parehong excited at kinakabahan po kasi, hindi ko po alam kung ano ang magiging resulta ng movie,” ang nakangiting pahayag ni Manolo Pedrosa nang makausap ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nung Huwebes, May 14, sa presscon ng launching movie nila ni Maris Racal, ang Stars versus Me na hango sa bestselling book ng director ng pelikula na si Joven M. Tan.

Naniniwala naman daw siya na susuportahan sila ni Maris ng mga tagahanga nila sa araw na ipalabas na ang pelikula nila sa June 3.

Ayon kay Manolo, “Nakita ko po kasi na very solid yung MarNolo at solid din ang Team Manolo at Team Maris na fans.

"Siyempre po, may konting kaba. First movie ko po, medyo inexperienced pa 'ko.

“Hindi pa 'ko ganoon kagaling mag-acting, pero proud po ako dahil itong movie na ito, sobrang iba.

“It's about horoscope, makikita yung ibang side namin ni Maris sa movie, yung ibang side.”

Diretsahang tinanong ng PEP si Manolo kung hindi ba siya nade-develop kay Maris.

Lahad niya, “Sabi nga po ni Ms. Rita Avila, kailangan after na po ng work kung made-develop man.”

Pinipigilan niya bang ma-attract man lang kay Maris o ma- develop?

“Hindi naman, naa-attract din naman ako kay Maris, pero hanggang doon lang muna.

"Hindi pa naman ako naghahanap ng girlfriend, hindi muna ako nag-iisip ng ganun po.

"Kasi, ever since, sinasabi ng mom ko, ‘Huwag ka munang mag-girlfriend, focus on school.’

“And now that I’m working, na-transfer ko na, focus on work and not having a girlfriend.”

SAVING FOR THE FUTURE. Sa edad niya, kadalasan marami ang teenage crushes, gustong meron nang nililigawan. Hindi siya nate-tempt?

“Siyempre nate-tempt. Pero after a while, parang sabi ko, mas importante ang work.”

Galing naman siya sa may-kayang pamilya at hindi naman niya kailangan ang magtrabaho para mabuhay. Hindi rin siya tulad ng maraming artistang kaedad niya na breadwinner ng pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero bakit masyado siyang focused sa trabaho niya sa edad niya?

“Siguro po kasi, when I started working, doon ko na-realize na sobrang nahihirapan din ang mom ko, ang dad ko.

“They’re working very hard just for me to be given a good life.

“Sabi ko, siguro it’s time to give back.”

Sa isang banda, sa walong buwan niya sa showbiz, nagulat daw si Manolo na may launching movie na siya.

Bukod dito, pinapirma na rin siya ng Star Cinema ng kontrata at may sinabi na raw na pelikulang posible niyang simulan.

Marami na bang nabago sa kanya sa loob ng walong buwan? Investment, meron na rin?

“Yung kinikita ko po, ang mom ko pa rin ang nagha-handle.

“And ako naman po, ever since po, hindi talaga ako magastos.

“Kahit yung pera ko na baon ko, madalas hindi ko naman po nagagastos, iniipon ko.

“Parang I want to save for the future po.”

BETWEEN TWO GIRLS. Sa kasalukuyan, meron siyang morning serye, ang Oh My G! na sila ni Janella Salvador ang magkapareha. Sa pelikula naman, ka-loveteam niya ang dati niyang kasamahan sa Pinoy Big Brother Teen Edition na si Maris.

Mahirap ba na may dalawa siyang ka-loveteam?

“Hindi naman kasi ako naman po, kung anuman ang mangyari I go with the flow po.

“Example po, kung kami ni Maris ang nasa isang project, wala pong problema. Kung kami po ni Janella, ganun din po.”

Hindi ba nagkakaroon ng away ang mga fans?

“Wala naman po. When I checked my Twitter, wala naman po akong nakikitang may away. Parang chill lang sila.”

Sa dalawa kina Janella and Maris, kanino siya mas close na?

“Sa totoo lang po, halos pareho lang po. Kung minsan po si Maris, nasa same location as me.

“Si Janella naman po, sa halos lahat ng eksena po. Siguro po, pareho lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s just with Maris, being stuck inside a house for three months, siyempre iba po ang pagka-close po namin.”

Sabi nga niya, attracted din siya kay Maris. Anu-ano ang mga katangian nito na nagugustuhan niya?

“Yun nga po, magaling siyang kumanta. Kapag wala kaming ginagawa, bigla na lang siyang kakanta.

“Usually yung mga songs niya. At saka, mabait siya, makulit at cute,” nakangiti niyang sabi.

CHALLENGING. Dahil nga unang pelikula niya ang Stars versus Me, na-challenge daw talaga si Manolo.

“Medyo mahirap po siya kasi maraming lines, maraming kailangang hugot kasi medyo drama po yung movie.

“Makikita po nila kung paano ako mag-act nang ganun.

“Yung mga lines din po, marami rin pong medyo mahaba at talagang hugot po siya.”

Sinisigurado naman ni Manolo na maraming kikiligin sa movie nila ni Maris dahil marami raw talagang kilig moments.

Personal na iimbitahin ba niya si Janella para manood ng pelikula nila lalo pa nga’t kasama rin sa cast ang mommy nito na si Janine Desiderio?

“Malamang po, iimbitahin po siya ng mommy niya.

“Nakikita ko rin po si Janella na sobrang busy siya sa work, kaya parang nakakahiya rin po siyang imbitahin.”

Pero mare-relax nga siya kung manonood, ‘di ba?

“Sige po, iimbitahin ko po,” natawang pagbibigay niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN