Manny Pacquiao recovering well after shoulder operation

Manny Pacquiao says he’s recovering well from his recent shoulder operation: “May mga antibiotics din akong iniinom para gumaling siya kaagad. Hirap nga akong makatulog. Minsan nagigising ako dahil sa sakit. Parang binabarena ang balikat ko.”


“Masakit. Parang binabarena ang balikat ko!”

Ito ang sagot ni Pambansang Kamao Manny “Pacman” Pacquiao sa GMA news correspondent na si Susan Enriquez nang tanungin siya tungkol sa naging operasyon nito sa kanang balikat.

Naganap ang panayam ni Enriquez kay Pacman noong nakaraang May 13 sa Dusit Thani Hotel sa Makati City, pagkagaling nito sa airport kasama ang kanyang buong pamilya.

Sa eroplano pa lang daw pabalik ng Pilipinas, hindi maitago ni Pacman ang sakit ng kanyang operasyon.

Inoperahan si Pacman sa kanyang rotator cuff dahil sa napunit nitong tissue sanhi ng kanyang pakikipaglaban kay Floyd Mayweather, Jr. nung May 2 sa Las Vegas, Nevada.

Agad ngang dumaan sa surgery si Pacman at ngayon ay tinitiis na lang niya ang kirot nito hanggang sa pagtulog niya.

“Apat na Alaxan ang iniinom ko para lang mawala pansamantala ang sakit.

“May mga antibiotics din akong iniinom para gumaling siya kaagad.

“Hirap nga akong makatulog.

“Minsan nagigising ako dahil sa sakit. Parang binabarena ang balikat ko,” diin pa niya.

RECOVERY. Four to six weeks daw kailangang isuot ni Pacman ang kanyang arm sling para nakapirmi lang ang kanyang braso at balikat at hindi magalaw ang kanyang operasyon.

Pero ang recovery raw ng kanyang balikat ay aabutin ng anim na buwan.

“First time nangyari sa akin ang maoperahan.

“Kaya hirap akong kumilos.

“Hindi ako sanay na ganito ako kapag natapos ang laban ko.

“Pero kailangan nating pagdaanan ito.

“Mabuti na rin ito at medyo mapapahinga tayo.

“Kahit na ganito ako, maaasikaso ko pa rin ang trabaho natin sa Kongreso,” ngiti pa niya.

OLD INJURY. Noong 2009 pa raw naging problema ni Pacman ang kanyang kanang balikat. Pero bago nga dumating ang laban niya kay Mayweather, wala naman daw siyang nararamdaman na anumang sakit dahil todo pa raw ang ensayo niya.

Saad pa ni Pacman: “Noong pagdating ng 3rd and 4th round kunsaan sunud-sunod ang suntok ko, doon ko naramdaman ang sakit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya ako umatras kasi parang naramdaman ko na parang humiwalay ang balikat ko.

“'Tapos panay pa ang hatak ni Mayweather sa braso ko kaya lalong lumala.

“Pero tuloy pa rin ang laban natin.

“Hindi ko na lang pinansin ang sakit kasi kailangan nating lumaban para sa lahat ng mga sumuporta sa atin.

“Panay ang dasal ko sa Panginoon na patapusin niya sa akin ang laban.

“Kaya hanggang sa matapos, wala akong naramdamang matinding sakit.

“Noong isang oras pagkatapos ng laban, doon ko na naramdaman ang sakit.”

REVOKING BOXING LICENSE? Tungkol naman daw sa pag-revoke ng boxing license niya sa Las Vegas dahil sa pangyayaring inilihim niya ang kanyang shoulder injury, pinapaubaya na lang daw niya ang sagot diyan sa kanyang promoter at legal team.

“Mga lawyers ko na ang nag-aasikaso niyan.

“Marami silang mga tanong tungkol nga dito sa nangyari sa akin.

“Pero inaasikaso na ‘yan ng mga taong pinagkakatiwalaan ko,” diin pa niya.

Naiibsan nga lang ang sakit na nararamdaman ni Pacman ay kapag napapaligiran siya ng kanyang pamilya.

“Sa eroplano nga, kapag ramdam ko ang sakit, tinitingnan ko na lang ang mga anak ko.

“Kahit na anong sakit titiisin ko para lang sa kanila.

“Kaya nasa tabi nga namin ni Jinkee [Pacquiao, his wife] ang bunso naming si Israel.

“Kapag nginitian na ako ng anak kong ‘yan, nawawala ang nararamdaman kong sakit. Napapangiti niya ako parati.

“Gano’n din kapag nakikita ko ang iba kong mga anak na sila Michael, Jimuel, Princess, at Queenie. Nawawala ang anumang sakit ng katawan ko kapag kasama ko sila,” saad niya.

FAMILY'S FULL SUPPORT. Pero pinasasalamatan nga ni Pacman ay ang kanyang misis na si Jinkee na siyang nag-aasikaso sa kanya simula noong maoperahan siya.

“Bente-kuwatro oras ang pag-alaga sa akin ni misis.

“Alam kong nahihirapan na rin siya sa pag-asikaso sa akin. Kasi hindi lang ako ang iniintindi niya kundi pati na ang mga bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nag-sorry nga ako sa kanya dahil alam kong first time siyang nag-alaga sa akin ng ganito. Mula sa pagpaligo hanggang sa pagpakain at pag-inom ng gamot.

“Sabi naman sa akin ni Jinkee ay kaligayahan daw niyang pagsilbihan ako.

“Kung noon daw ako ang nag-aasikaso sa kanila, pabayaan ko naman daw siyang asikasuhin ako dahil yun daw ang dahilan kung bakit kami naging mag-asawa, “ nakangiting pagtapos pa ni Manny.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN