Aubrey Miles shows full support to husband Troy Montero’s movie production venture

Aubrey Miles is proud of hubby Troy Montero’s movie production outfit, Haunted Tower Pictures, Inc., which recently produced the indie film, Binhi (The Seed): “At last, natuloy na talaga siya, proud naman ako sa kanya. Halos ’di ko na siya nakikita nung nasa Baguio sila, siguro sa three weeks, three days lang kami magkita. Hirap din, pero okey lang naman, kasi almost three months lang din naman nila ginawa yun.”


Todo ang suporta ng dating sexy actress na si Aubrey Miles sa pinakabagong venture ng kanyang asawang si Troy Montero na nagpu-produce ngayon ng indie movies, bukod pa sa isang production company na itinayo nito bilang negosyo.

Si Troy at ang Haunted Tower Pictures, Inc., ang siyang nag-produce ng horror movie na, Binhi (The Seed), na pinagbibidahan nina Mercedez Cabral, Joem Bascon, Roxanne Barcelo, at marami pang iba.

Ito ay sa direksiyon ni Pedring Lopez, at nakatakdang ipalabas sa May 21.

Nang eksklusibong makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aubrey sa premiere night ng nasabing pelikula na ginanap sa Cinema 3 ng Glorietta 4 sa Makati City, sinabi niyang masaya siya sa pinakabagong proyekto ng kanyang asawa.

Pahayag ni Aubrey, “At last, natuloy na talaga siya, proud naman ako sa kanya.

“Halos 'di ko na siya nakikita nung nasa Baguio sila, siguro sa three weeks, three days lang kami magkita.

“Hirap din, pero okey lang naman, kasi almost three months lang din naman nila ginawa yun.

“Busy talaga siya, halos ano, umagang-umaga na siya kung umuwi, o madaling araw.”

Kahit paano raw ay may partisipasyon din siya bago pa i-shoot ang Binhi.

Aniya, “Actually, nung sa casting, nagtanong siya sa akin, kung sino ang okey.

“Nag-suggest ako. Actually, 'yan si Cholo [Barretto], ang nag-suggest niyan, yung hitsura, kung okey ba.

“Kasi, nag-horror na ako before, 'di ba?

“Mga tatlong horror movies din nagawa ko before, kaya nagtanong siya sa akin.

“Ngayon, nagpi-pitch in, pitch in lang ako ng mga ideas.”

FULL SUPPORT. Hindi rin daw nawala ang suporta niya sa kanyang asawa lalo na sa mga problemang pinagdaanan nito sa production.

Saad ng dating sexy actress, “Ang dami, lalo na 'pag... lahat sila abunado dahil magastos, e.

“Naiintindihan ko naman, ganun talaga.

“Sabi ko sa kanya, 'Alangan naman na tipirin mo 'yan, indie na nga, titipirin mo pa?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kailangang maganda naman, yung suporta, itodo na.

“Sabi ko nga, 'Sa susunod ako naman, ha?' Kasi, nami-miss ko na ang mag-horror.

“Na-nominate pa ako diyan sa Sanib na 'yan, 'tapos nag-Pasiyam pa ako, next time, gusto ko nasa cast din ako.”

FIRST TELESERYE. Sa parte naman niya, abala rin siya sa paggawa ngayon ng isang teleserye sa Kapamilya network.

Bahagi siya ng Pasion de Amor, na malapit na ring ipalabas sa telebisyon.

Saad ni Aubrey, “Nag-start na kami mag-promote, nag-Aquino & Abunda Tonight na ako.

“Sa first week of June pa ang launching namin, kasi dapat daw, pang-hapon, ngayon ay pang-primetime na raw.

“Medyo sexy yun, ka-partner ko dun si Joseph Marco, so bagets ako dun.”

Bumabalik na naman nga raw siya sa sexy genre, kung saan siya nakiklala at sumikat noong early 2000.

Saad ng 34-year-old actress, “Ano kasi, ganun talaga ang role ko, kasi para siyang isang Colombian soap opera na ni-remake.

“So yung role ko, hindi siya pang-matanda, parang pang-twenty-nine lang.

“Ngayon, iba na ang sexy ngayon, kasi noon, parang voluptuous, 'di ba?

“Ngayon, ang sexy, basta maganda ka, may nagawa kang sexy cover, or nagka-abs ka, sexy ka na ngayon.

“So parang mas easy na ngayon ang magpa-sexy,e.

“So yung nakuha nilang sexy image, sakto lang sa generation ngayon."

Dugtong pa niya, “Actualy, first soap ko ito, e, since alam niyo na.

“Tinanggap ko, kasi maganda ang role.

“Hindi naman siya maming-mommy role, kasi ang daming offers sa akin nun, pero 'di pumasa, kasi mukha lang kaming magkapatid ng magiging anak ko.”

STILL WILLING TO DO SEXY PICTORIALS. Willing pa siyang mag-pose bilang isang “hot momma” sa mga men's magazine.

O, ipakita ang kanyang alindog sa Instagram 'tulad nina Sunshine Cruz , at Patricia Javier?

Mabilis niyang sagot, “Oo naman!

“Minsan, ako pa ang nagsa-suggest. 'O, next cover niyo, gusto ko ganito ako.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Let's see, kasi like sa FHM, pang-anim ko na 'yun, ha?

“Naghahanap kasi na... kasi, lahat na 'ata ng poses sa cover nagawa ko na, naka-bikini, takip ng ano, halos lahat. So sabi ko, 'Sige, I'll suggest.'”

Bukas naman ang isip ni Troy sa mga ganitong gagawin niya?

Nakangiting sabi ni Aubrey, “Wala, okey lang 'yan, deadma lang 'yan.

“Ang feeling nga niyan, proud na proud siya.

“Proud naman ako, na proud siya.

“At saka, game naman 'yan. Pero mas malaro ako, e.

“Mas risky ako, e.

“Basta, wala lang illegal, gagawin ko naman, basta masaya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN