Jinkee Pacquiao wants Pacman to retire: ??Ano pa ba ang gusto niyang patunayan, 'di ba???

If Jinkee Pacquiao could have her way, she wishes her husband Manny to retire soon. She says, "Kung ako lang talaga ang masusunod, matagal nang nag-retire si Manny. Pero nasa kanya pa rin iyon, e. Pero sana nga itong nangyari sa kanya, mas maunawaan niya ang gusto namin ng mga anak niya. Gusto namin siyang makasama nang mas matagal pa."


Si Jinkee Pacquiao ang personal na nag-aasikaso sa kanyang mister na si Pambansang Kamao Manny “Pacman” Pacquiao simula noong makalabas ito sa pagpapaopera nito sa kanyang kanang balikat.

Inoperahan si Pacquiao sa kanyang rotator cuff ilang araw pagkatapos ng laban nito kay Floyd Mayweather, Jr. last May 2 sa Las Vegas, Nevada.

Mula sa pagpapaligo, pagbihis, paghanda ng pagkain at pagpapainom ng gamot ay si Jinkee ang gumagawa nito para sa kanyang mister.

Naikuwento nga ni Jinkee sa news program ng GMA NewsTV na News-To-Go last May 13 na humingi ng sorry si Pacman sa kanya dahil alam niyang napapagod na ito sa pag-asikaso sa kanya.

“Sabi nga sa akin ni Manny, ‘Pasensya ka na at masyado ka nang napapagod dahil sa pag-asikaso sa akin.’

“Sagot ko naman sa kanya na walang problema sa akin iyon.

“Kahit na habang-buhay ko siyang asikasuhin at pagsilbihan ay okey lang dahil asawa ko siya at iyon talaga ang papel ko sa buhay niya.

“Hindi nga ba’t nagsumpaan pa kami sa altar na 'in sickness and in health?'

“Kaya obligasyon ko iyon bilang asawa niya.

“'Tsaka, enjoy akong asikasuhin siya.

“Ngayon ko lang talaga naranasan ang tutukan siya ng bente-kuwatro oras.

“Para lang naman nadagdagan ang inaalagaan kong bata sa bahay,” sabay tawa pa ni Jinkee.

FEELING MANNY'S PAIN. Dahil first time nga raw na maoperahan ni Manny pagkatapos ng kanyang laban, madalas daw na mainit ang ulo nito dahil nga sa sakit ng kanyang operasyon.

“Hindi siya mapakali minsan dahil ang sakit-sakit nga.

“Kung ako nga, hindi naman ako naoperahan ay ramdam ko ang sakit ng operasyon niya, paano pa kaya siya, ‘di ba?

“Kaya minsan mainit ang ulo niya kasi nga hindi siya sanay sa ganyang situwasyon.

“Hindi siya minsan makatulog kasi ang sakit-sakit nga raw.

“Naiintindihan naman namin ng mga anak niya ang nararamdaman niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung hindi niya magawang makipaglaro ngayon sa mga anak niya tulad noon, okey lang kasi alam ng mga bata na may nararamdaman ang daddy nila.

“Pero may time na okey si Manny—yung wala siyang nararamdaman na masyadong sakit. Doon siya nakikipaglaro sa mga bata, lalo na sa bunso naming si Israel.

“Feeling ko ay nilalabanan na lang ni Manny ang sakit para lang hindi siya nakikita ng mga bata na nasasaktan.

“Panay nga ang dasal ko sa Panginoon na bigyan Niya ng lakas si Manny dahil kailangan pa siya ng mga anak niya.”

POLITICAL PLANS. Sa nangyaring ito, pinag-iisipan na tuloy ni Jinkee na hindi na ituloy ang kanyang plano na tumakbo muli sa 2016 election.

Kasalukuyang nagsisilbing vice governor ng probinsya ng Sarangani si Jinkee.

Gusto nga ni Jinkee na mas marami siyang oras at panahon sa pag-alaga sa kanyang mister at mga anak.

Pag-amin niya, “Napansin ko kasi na noong maging public servant ako, medyo nabawasan ang panahon ko sa mga bata. Hindi tulad noon na marami akong time with them.

“May mga pagkakataon na hindi ko alam ang mga ginagawa nila.

“Lumalaki na sila at yung mga pagbabago sa kanila ang gusto kong masubaybayan.

“Kaya pinag-iisipan ko ng husto kung ituloy ko pa ba o hindi?

“Pag-uusapan naman namin ‘yan ni Manny.”

WANTS MANNY TO RETIRE. Nais na ngang patigilin ni Jinkee si Manny sa kanyang pag-boxing.

Ayaw na raw niyang may mas malala pang mangyari sa kanyang mister.

“Noon ko pa sinasabi sa kanya na tama na. Ano pa ba ang gusto niyang patunayan, ‘di ba?

“Kung ako lang talaga ang masusunod, matagal nang nag-retire si Manny.

“Pero nasa kanya pa rin iyon, e.

“Pero sana nga itong nangyari sa kanya, mas maunawaan niya ang gusto namin ng mga anak niya.

“Gusto namin siyang makasama nang mas matagal pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya sana nga ay tama na. Hindi naman makakalimutan ng marami ang karangalan na dinala niya sa ating bansa sa mahabang panahon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN