Daniel Padilla on his shirtless scene in Pangako Sa ’Yo: “Walang malisya ’pag naghubad ako.”

Daniel Padilla admits he didn’t prepare much for his shirtless scene in Pangako Sa ’Yo: “Hindi, wala, wala talagang paghahanda. Nag-diet lang ako kasi nung Crazy Beautiful You, medyo lumaki ako dun. So nagpapayat ako, sumakto naman sa taping, medyo pumayat na ako.”


“Oo naman, siyempre sobrang excited ako.

“Kanina nga, ayoko nang tumayo sa upuan ko, okey na ako dun, e,” ang natatawang bungad ni Daniel Padilla nang hingan ng reaksyon tungkol sa papel niya bilang si Angelo Buenavista sa Pangako sa ‘Yo.

“Trailer pa lang, 'di ba, grabe na! Akala ko nga nanonood na ako, e,” ang tumatawa pa rin niyang pahayag tungkol sa trailer ng soap opera nila ni Kathryn Bernardo (bilang si Yna Macaspac) na ipinalabas bago ang presscon proper nung Huwebes, May 14, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

“'Tsaka siyempre hindi natin puwedeng biguin ang mga tao, na hindi lang trailer ang maganda, na kapag ipinalabas na, dapat every episode maganda dapat.”

Pagpapatuloy pang sinabi ni Daniel tungkol sa bago nilang proyekto, “Sobra akong nagagalak siyempre, grabe, grabe yung napanood ko! Sobrang excited, kinakabahan din siyempre pero kakayanin.”

Ipapalabas sa May 25 sa Primetime Bida ng ABS-CBN ang Pangako Sa ‘Yo.

Sina Jericho Rosales at Kristine Hermosa ang gumanap na Angelo at Yna sa original na bersyon ng PSY fifteen years ago, pero alam ng lahat na hindi nagkatuluyan sa tunay na buhay ang noo’y magkasintahang sina Jericho at Kristine.

FUTURE WITH KATHRYN? Kaya natanong sina Daniel at Kathryn kung maipapangako ba nila sa isa’t isa na magkakatuluyan sila?

“Wala po sa atin ang makapagsasabi ng future,” ang simpleng sagot ni Daniel.

“Sana. Hindi ko po alam. Basta kung ano po ang makakabuti, doon po tayo.”

Sinabi naman ni Kathryn na ang importante para sa kanila ay kung ano ang kasalukuyan, na i-enjoy lang nila ang ngayon dahil mahirap ang mag-expect dahil wala ngang makapagsasabi kung ano ang maaaring mangyari.

Nasa Pangako Sa ‘Yo rin sina Angelica Panganiban bilang si Claudia Buenavista, Ian Veneracion bilang si Eduardo Buenavista at si Jodi Sta. Maria bilang si Amor Powers.

MEMORIES OF ORIGINAL SERIES. Halos apat na taon lamang si Daniel noong ipalabas ang unang bersyon ng Pangako sa ‘Yo. Ano ang mga naaalala niya tungkol sa naturang drama series?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagbalik-tanaw niya, “Napapanood ko rin, pero siyempre hindi ko pa naiintindihan kasi nga bata pa ako noon. Pero nasusulyapan ko yun dahil pinapanood ng mga tita ko, nina Mama [Karla Estrada].

“'Tapos 'ayun, nung pinapanood ko yung trailer, parang kailan lang, hindi mo alam ikaw na pala yung susunod dun.”

SHIRTLESS SCENE. Sa trailer ng Pangako Sa ‘Yo ay may eksenang shirtless si Daniel habang nakahiga sa isang balsa sa gitna ng ilog.

Sanay na ba siya na hubad siya sa eksena? O naiilang pa rin siya? Dati ay ayaw ni Daniel na pagagawain siya ng topless scenes sa harap ng kamera.

“Totoo yun,” at tumawa ang Teen King.

Ano ang paghahanda na ginawa niya?

“Sa totoo, wala pa akong ginagawa,” ang muli niyang tawa.

“Kaya kung napansin nyo yung higa ko dun medyo nakatakip [ang kamay ko] sa tiyan ko.

“Hindi, wala, wala talagang paghahanda,

“Nag-diet lang ako kasi nung Crazy Beautiful You, medyo lumaki ako dun.

“Kasi galing kami ng States nun, 'di ba? 'Tapos pagbalik ko nakita ako ni Direk Rory, medyo nag-panic siya kasi sobrang taba ko.

“So nagpapayat ako, sumakto naman sa taping, medyo pumayat na ako.”

Kaya handa na ba siya sa mga ganung eksena? Kumportable na ba siya?

“Sa mga hubad-hubad ako, yung ganun? Hindi naman kasi ako masel-masel e, talagang walang malisya 'pag naghubad ako, ganun.”

Para raw kay Daniel, kapag nakahubad siya ay walang malisya.

Pero sa mga eksena sa Pangako sa ‘Yo na kailangan ang senswalidad ay meron naman daw, ayon pa sa binata.

“Oo, lumalabas naman siguro yun, siyempre sa edad, lumalabas na lang. Minsan yung mga dating ikina-o-awkward ko ngayon parang okey na.

“Parang okey na ako, ganun.”

Tatlo ang direktor ng Pangako sa ‘Yo: sina Olivia Lamasan, Dado Lumibao at Rory Quintos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN