Julie Anne San Jose surprised about trending "Chika Minute" stint

Julie Anne San Jose to fans who allegedly talk negatively about Janine Gutierrez: “I think it will be better if not say anything na lang. Kumbaga, parang kung may masasabi man sila, I feel bad kasi ako ’yong sinusuportahan nila,”


Hindi raw inaasahan ni Julie Anne San Jose na magiging maganda ang feedback ng mga manonood sa ginawa niyang pagre-report ng entertainment news sa segment ng 24 Oras na “Chika Minute.”

Naging entertainment news anchor ang singer-actress sa early primetime news ng GMA-7 noong Martes, May 12.

“Gusto ko lang po talaga mag-explore,” maiksing sagot ni Julie Anne nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment reporters tungkol sa kanyang pagrereport sa “Chika Minute."

Ayon kay Julie Ann, sinubukan lang daw niya nang malaman niyang nagpapa-audition ang 24 Oras para sa naturang segment. Nagulat na lamang daw siya nang sabihin ng kanyang nanay na magiging isang guest news anchor siya ng programa.

“Akala ko po mag-i-interview lang ako. Pero yun pala ako yung magbabalita!” pag-alala ni Julie Anne, na magdiriwang ng kanyang ika-21 na kaarawan bukas, May 17.

Aminado si Julie Anne na kinabahan siya sa kanyang ginawa. Subalit mas nangibabaw pa rin daw ang sobrang sayang pakiramdam.

Aniya, “Sobrang natutuwa ako, ang sarap ng feeling. Iba yung feeling kapag nasa news ka, parang mas kailangang formal, kailangan mas focused.”

Tinanong ng PEP kung masusundan pa ito.

Nag-alangan pa siyang sumagot noong una, subalit sinabi rin niya, “I think they're just fixing the schedule.

“Talagang pinagkakasya talaga nila kasi sobrang tight po talaga.”

Nakatakdang umalis si Julie Anne ngayong Martes, May 19, para sa gagawing concert niyang Japs Live!, na gaganapin sa Fort McKinley sa San Francisco, California, sa May 22.

Habang nasa U.S., magre-record na rin daw si Julie Anne ng ilang kanta na ipo-produce ng American producer na si Sidney “Omen” Brown.

Pagbalik sa Pilipinas, magsisimula na si Julie Anne na mag-taping para sa Buena Familia, ang upcoming afternoon soap ng GMA Network. Makakasama niya rito sina Jake Vargas, Kylie Padilla, Julian Trono, Bobby Andrews, at Angelu de Leon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEW TEAMUP? Kaugnay ng bagong soap, tinanong si Julie Anne kung okey lang sa kanya na makapareha niya sa Buena Familia si Jake Vargas.

Sagot naman niya, “Okey lang naman po sa akin. Nakakasama ko naman po siya sa Pepito Manaloto so, I think wala naman pong magiging problema.”

Hindi naman daw siya nag-aalala sa magiging reaksiyon ng fans ni Jake at dati niyang girlfriend na si Bea Binene.

Sabi ni Julie Anne, “Talaga naman po na undeniably marami silang fans and all. Wala naman po akong intensiyon na ano, alam mo 'yon.”

PLEA TO HER FANS. Samantalaga, bagamat matagal nang naghiwalay bilang magkapareha sina Julie Anne at Elmo Magalona, tila may ilang fans pa rin ang hindi maka-move on tungkol dito.

Sa ngayon kasi, patuloy pa rin daw ang paninira ng ibang fans sa current girlfriend ni Elmo na si Janine Gutierrez.

Kung si Julie Anne ang tatanungin, gusto niyang pakiusapan ang fans na ihinto na ang negatibong komento tungkol kay Janine.

“Kasi, siyempre, unfair naman din na nanahimik sila 'tapos may mangba-bash.

“I think it will be better if not say anything na lang.

“Kumbaga, parang kung may masasabi man sila, I feel bad kasi ako yung sinusuportahan nila,” sabi ni Julie Anne sa huli.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN