Carlo Gonzalez enjoys bonding with Pari ’Koy co-star Sunshine Dizon: “Magaan talaga ang loob ko sa kanya umpisa pa lang.”

Carlo Gonzalez on working with Pari ’Koy co-star Sunshine Dizon: “We haven’t gotten close, not until this show. Dito lang talaga kami naging close, kuwento-kuwento. At talagang professional siya, mapagbigay sa mga scenes. Ina-absorb niya lahat ng puwedeng ibigay sa kanya ng character.”


“Marami nang naiinis,” pag-amin ng Kapuso star na si Carlo Gonzalez sa kanyang karakter sa primetime series na Pari ‘Koy bilang si Simon na wife-beater na asawa ni Sunshine Dizon.

Battered wife ang papel ni Sunshine sa serye. Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press na dumalaw sa taping ng Pari ‘Koy sa Bulacan kamakailan, kung sa mga eksena nila ay nasasaktan na nga niya ito nang totohanan.

Mabilis namang paglilinaw ni Carlo, “Ah hindi, wala, wala namang insidenteng nangyaring ganun. Inaalalayan din naman namin.”

ENJOYING HIS ROLE. Paano niya nasabing marami nang naiinis?

Paliwanag niya, “Maraming nagku-comment, nagagalit, naiinis.

“Pero okey lang, I enjoy all the feedback naman. Siguro kasi, by far, ito na ang pinaka-bad na role ko.

“And siguro, isa ito sa mga role na tatatak sa akin. It’s talk about real people dahil talaga namang may mga ganung tao.

“You can play with it. Yung emotion naman niya, hindi naman totally masama siya.

“Mahal niya rin ang anak niya, siyempre may natitirang pagmamahal sa puso niya kaya parang it’s very interesting to play with that.

“May nagsabi pa nga sa character ko na, 'Akala ko, nagbago ka na, yun pala, dahil lang Holy Week.'”

LESSONS LEARNED. Sa isang banda, may natutunan din daw si Carlo sa karakter na ginagampanan niya sa Pari ‘Koy.

“Oo e, kasi hindi naman ako ganun sa totoong buhay.

“Pero natutunan ko na sa bawat tao, kahit wala sa character mo, kahit wala sa pagpapalaki sa ‘yo, maaari mong makita yun sa sarili mo.

“Mas nakilala ko ang sarili ko in that way kaya mas nirespeto ko ang mga kababaihan for that matter.

“Lalo na sa ganung estado, kahit na anong rason, kahit anong mangyari, walang rason para saktan mo ang isang babae,” lahad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WORKING WITH SUNSHINE. Unang beses na makatrabaho ni Carlo si Sunshine.

Kumusta naman?

“Very pleasant and very professional,” mabilis niyang sagot.

“Magaan talaga ang loob ko sa kanya umpisa pa lang. Kasi parang family friend din nila Dong ang Mommy niya.

“Parang kababata. Kaya kapag may family gathering, nakikita ko na siya, bati-bati lang.

“Pero we haven’t gotten close, not until this show. Dito lang talaga kami naging close, kuwento-kuwento.

“At talagang professional siya, mapagbigay sa mga scenes. Ina-absorb niya lahat ang puwedeng ibigay sa kanya ng character.”

Hindi siya nailang kay Sunshine?

Ayon kay Carlo, “Hindi nga e, kaya sobrang na-amaze din ako na ang bilis ng transition from hindi kami nag-uusap dati hanggang sa nag-uusap kami ngayon.

“We became close and when we did our first scene na medyo mabigat din, it went smoothly.

“Alam ko rin na ganun ang style niya kapag kaeksena mo siya kaya masarap katrabaho.”

RELATIONSHIP WITH LUANE. Natawa si Carlo nang may magsabi rito na nakakasiguro raw pala ang girlfriend niyang si Luane Dy na hindi niya ito sasaktan.

“Wala naman tayo sa ganung character,” natawa niyang sabi.

Okey pa rin sila ni Luane?

“Okey naman kami ni Luane, four years na rin,” lahad niya.

Nagpaplano na rin ba sila ni Luane na magpakasal?

“Wala pa yung official, pero siyempre kahit sino naman, napag-uusapan yun.”

Natatawang sabi pa niya, “Pinapauna muna namin ang mga Kuya namin. Nauna na si Kuya Dong [Dingdong Dantes], baka maaaring si Arthur [Solinap], o 'di ba?”

Marrying type naman ba siya?

“Oo naman, it’s just that ine-enjoy ko lang muna ang mga ginagawa ko and si Luane din naman, ine-enjoy pa niya ang mga ginagawa niya,” sambit niya.

Masasabi niya namang para sa kanya, sila na talaga ni Luane ang magkakatuluyan?

“Well siyempre, I won’t be in this relationship, siguro naman kahit sino sa atin, kung ganoon na katagal at kaseryoso, sasabihin natin yun,” diin pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TRUST IN MANAGER. Pagdating sa takbo ng kanyang showbiz career, ang lahat daw ng ito ay ipinapaubaya niya sa manager niyang si Perry Lansigan ng PPL Entertainment, Inc.

“I believe in his vision for me and true enough, kapag may binigay naman siya, I give justice to whatever is given to me. Parang I’m just hoping for better things in the future,” pahayag niya.

Isa rin ba sa pinapangarap niya ay yung siya naman ang maging bida?

“Definitely,” saad niya.

“Pero whatever the role, ang importante sa akin yung halaga ng role at istorya. Doon ako mas ginaganahang magtrabaho.

“I mean, yung pagiging lead, lahat naman siguro yun ang hinihintay.

“Lalo na ako, I’m in my fifth year in the industry. Kung tutuusin, bagu-bago pa rin ako.

“Parang ito pa lang ang mga panahon na I’m paying my dues.

“I think it’s improving naman, yung progression and I’m thankful naman to the network and to Perry as well,” dagdag pa niya.

RELATIONSHIP WITH DINGDONG. Sa huli, kinumusta rin namin kay Carlo kung may mga pagbabago ba siyang napansin sa pinsan niyang si Dingdong ngayon na may asawa na ito kumpara noong binata pa lang na nakakasama nila.

Sabi naman ni Carlo, “Siyempre ngayon, nakikita ko sa kanya na mas responsible siya.

“Actually, sabay sana kami ni Dong na manonood ng Pacquiao-Mayweather fight, pero nang sabihin niyang, 'Ako, hindi na ko tutuloy.' Kasi nga hindi rin niya maiwan si Yan [Marian Rivera].

“Kaya sabi ko, 'Ako, hindi na rin,' parang hinihintay ko lang din na sabihin niya yun.

“Kasi sa part ko, nasasayangan din ako na five days lang.

“Bitin. So noong narinig ko yun, okey, dito na lang tayo.

“Manood na lang tayo sa bahay o kung saan man na may pay-per-view. So yun, makikita mo sa kanyang excited siya, tutok talaga siya kay Marian.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Yung mga gimmicks, nabawasan ba?

“Ever since naman, hindi naman talaga siya o kami ma-gimmick. Yung kapag get-together lang ng magpipinsan.

“Pero hindi yung labas na gimmick, bar, hindi talaga.

“Naiingayan kami. Mas gusto namin yung somewhere na magkakarinigan kayo, catch-up.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN