Julie Anne San Jose wishes for happiness and peace on her 21st birthday

Julie Anne San Jose spills secret to a slimmer figure: “Kasi for a week, nag-cardio [exercises] po talaga ako. Madaming-madaming cardio.”


Slim na slim na Julie Anne San Jose nang humarap sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang members of the press kahapon ng tanghali, May 16, sa Studio 1 ng GMA Network Center.

May birthday show kasi kahapon si Julie Anne para sa mga fans; ngayong araw, May 17, ang 21st birthday ng singer-actress.

“Kasi for a week, nag-cardio [exercises] po talaga ako. Madaming-madaming cardio,” sabi niya.

Biniro namin si Julie Anne na baka paghahanda niya iyon para sa sexy cover pictorial niya para sa FHM.

Pero wala pa raw ino-offer sa kanya na ganoong proyekto.

“Pag may offer po, hindi ko po tatanggapin,” aniya.

Bakit naman?

“Ewan ko po, hindi ko lang po siguro talaga feel.

“Hindi ko talaga feel mag-cover [for FHM],” sabi niya.

BIRTHDAY WISH. Ano naman ang birthday wish niya?

“Siguro ano po, more blessings to come.

"And actually, sobrang natutuwa po talaga ako kasi bising-busy po talaga ako ngayon sa work, 'tsaka marami pong opportunities na dumarating po sa akin,” sabi ni Julie Anne.

Ano ang birthday plans niya?

“Baka I’ll spend time with my family.”

Ano ang regalong nais niyang matanggap, kung materyal na regalo?

“Hindi po kasi ako naghahahangad ng materyal na bagay, e!” natawang sabi niya.

Kung sakali lang…

“Siguro ano po, siguro investment po.”

Nais ni Julie Anne na magkaroon ng negosyo.

“Kasi marami pong gustong magbanda, gustong mag-jamming, siguro, hopefully, recording studio.

“I’m planning to put up a recording studio.

“Pero gusto ko sana yung affordable para puwede sa lahat,” lahad niya.

Birthday wish naman daw niya ay kaligayahan at kapayapaan sa buhay.

Paliwanag niya, “Hindi, kasi may stage kasi sa life natin, 'di ba, na parang, ‘Okay na ako! Basta masaya na ako, nakuha ko na yung lahat,’ blah-blah-blah.

“Pero hindi pa po ako dumadating sa ganung stage, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi twenty-one pa lang po ako, bata pa lang po ako, marami pa akong mararanasan sa buhay.

"Although masaya naman po talaga ako, masaya ako."


NOT KEEN ON LOVE TRIANGLES. Dating ka-loveteam ni Julie Anne si Elmo Magalona, na ngayon ay ka-loveteam at boyfriend sa totoong buhay ni Janine Gutierrez.

Papayag ba si Julie Anne kung may project na pagsasamahin silang tatlo?

“Ako, wala po akong problema dun. But I think, not right now, not right now!” natatawang sagot ni Julie Anne.

Sa ngayon kasi ay mainit pa ang alitan ng mga fans ng JaniElmo supporters at JuliElmo fans.

Pinagpapareha ngayon sina Julie Anne at Jake Vargas; kung project na silang tatlo nina Bea Binene?

“Sakto lang, alam mo yun, sakto lang din po talaga ako basta kahit ano po. Kahit ano po okay ako,” sagot niya.

Bukod sa Sunday All Stars, Day-Off at pagiging guest entertainment news anchor niya sa Chika Minute ng 24 Oras, pinagkakaabalahan na rin ni Julie Anne ang bagong GMA drama series na Buena Familia.

Gaganap sila ritong magkakapatid nina Kylie Padilla, Julian Trono, at Mona Louise Rey. Mga magulang nila sa serye sina Angelu de Leon at Bobby Andrews.

Si Jake Vargas naman ang kapareha niya rito.


SHOWS. Busy rin si Julie Anne sa shows abroad; may Japs Live! concert siya ngayong May sa Fort Mckinley sa San Francisco, California. Paalis siya sa Martes, May 19.

Isasabay na niya rito ang shooting ng mga music video.

Lahad niya, “Kasi magre-release po ako ng mga bagong tracks.

"Nag-record po ako ng mga songs sa US na pinroduce ng isa sa mga sikat na producers sa US.

“Siya po yung nagpu-produce kila Beyonce, kila Usher.”

Ang tinutukoy niyang producer ay si Sidney “Omen” Brown na nakilala niya nang minsang nag-concert siya sa LA.

Isa sa mga kanta ni Julie na bago ay may titulong “Tidal Wave.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento niya, “Hindi po siya yung typical na album na ginagawa ko dito sa Philippines. Ano siya, siguro mga Rihanna-style, ganun.

“Marami po siyang tracks, it’s an EP [Extended Play].”

Sampung araw mananatili sa Amerika si Julie Anne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN