Kobe Paras addresses estranged mother Jackie Forster simply as ‘Jackie’

Itinanggi ni Kobe Paras na na-brainwash siya ng stepmother niyang si Lyxen Diomampo-Paras. Ito ay base sa kumalat sa Internet na screenshots ng isang komento ni Kobe sa Instagram, kung saan tinawag pa nito ang biological mom niyang si Jackie Forster na "Jackie."


Kumakalat ngayon sa Internet ang isang komento diumano ni Kobe Paras sa Instagram, kung saan tinawag nito ang estranged mother niyang si Jackie Paras na "Jackie."

Si Kobe ang bunsong anak ni Jackie sa dating mister nitong si Benjie Paras. Ang isa pang anak nina Jackie at Benjie ay si Andre Paras.

Nag-ugat ang komento ni Kobe—base na rin sa nailathala sa isang gossip blogsite—nang may nagkomento tungkol sa diumano’y pagka-brainwash sa magkapatid ng stepmother nilang si Lyxen Diomampo-Paras.

Sa comments thread ng isang post ni Kobe, sinabi ni @seedbox20 na: “Its ok to greet your stepmom, I am a stepmom too, but please don’t forget the woman who carried you for 9mos, I hope Lyxen would talk to her stepson na makipag ayos na kay Jackie. Forgiveness is the key.”

Sumunod na nag-comment si @1blessed_mom2. Sabi niya: “wow Nak ha? Smh yes @seedbox20 the woman who carried them 9 months yes no one knows the whole story but we know enough by what is show(n) on social media.

"Their step mom knows who the real mom. I know fo a fact there is branwashing goin on. Shameful.”

Kaagad namang sumagot dito si Kobe.

Sabi niya: “Brainwash? Youre the one believing what Jackie is saying on social media. You’re the one who’s brainwashed. I lived in the states by myself without any family for 2 years.

“How can you say my parents are brainwashing me? They’re in the Philippines I’m not. Get your facts right before you talk shit about my life. @1blessed_mom2.”

Burado na ngayon ang thread na ito sa Instagram account ni Kobe.

Nag-ugat ang pamba-bash kay Kobe, sa kapatid niyang si Andre, sa amang si Benjie, at kay Lyxen nang mag-post ang magkapatid ng Mother’s Day message para sa kanilang stepmother at hindi man lang nabanggit ang kanilang tunay na ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Jackie Forster still wishes to reconcile with sons; Andre and Kobe Paras salute stepmom Lyxen Diomampo on Mother’s Day

Kasalukuyang nasa Amerika si Kobe, kung saan siya nag-aaral ng high school habang nagpupursige sa kanyang pangarap na makapasok sa NBA.

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mga taong nabanggit sakaling may mga gusto silang linawin o nais ihayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN