Pia Wurztbach hangs tough amidst bashing; says her joke on Pacquiao’s defeat was bad timing

Pia Wurtzbach on being a third-timer candidate before winning the 2015 Miss Universe Philippines crown: "Bakit ka susuko dahil sa isang beses na hindi ka pinagpala. Puwede namang mag-try uli."


Aminadong nahihirapan si 2015 Miss Universe Philippines Pia Wurztbach sa kanyang reign, hindi lang dahil sa harsh comments sa kanya sa social media kundi dahil na rin sa naitalang record sa Miss Universe ng mga nakaraang Pinay representatives dito na nagkaroon ng puwesto.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Pia sa launch ng Mac is Beauty last week, sinabi nitong kailangan niyang mapantayan ang mga nagawa ng past Philippine representatives sa Miss Universe para magtuluy-tuloy ang pagpapakilala ng bansa sa mga international beauty pageant.

Sabi pa niya, “The past winners have been doing very well in Miss Universe.

“You have to perform because you wanna make sure you continue that really good streak of the Philippines.

“We’re considered as a powerhouse already like Venezuela.

“It’s a lot of pressure because Miss Universe is a big deal in the Philippines, and it’s a responsibility.

“But it’s okay, I’ve embraced the pressure. Kung walang pressure, I wouldn’t be motivated.

“It’s okay, it’s good. I think it’s good for me.”

Kapansin-pansing relax at hindi apektado ng mga isyu si Pia.

“Yeah, but wala namang issue that would affect me or my performance.

“I think ganun talaga... I have sina MJ [Lastimosa], Ara [Ariella Arida], Venus [Raj], Janine [Tugonon], Shamcey [Supsup].

"They have been giving me advice in handling everything."


WHY NOT? Hindi rin daw naaapektuhan si Pia sa walang kamatayang pamimintas na kung hindi pa siya sumali ng tatlong beses sa Binibining Pilipinas, hindi siya mananalong Miss Universe Philippines?

Sabi nga niya, “That’s just the way it is.

"A lot of girls who became winners had to go through the pageants a few times also.

“Not just here, even abroad. Some winners in the Miss Universe had to compete sa local pageants nila a few times.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s because we need to gain experience din, that’s helpful na each time you join, you learn and gain experience.

“When I joined in 2013 [Binibining Pilipinas], that was my first time to join a pageant ever.

“So, I think, ang pag-alala sa akin ng mga tao na time na ako dahil nasa Binibini ako.

“Meron namang ibang girls na first time sa Binibini na nanalo, pero they’ve joined other pageants before.

“Sa tingin ko kasi, sa akin, Binibini lang kasi yung sinalihan ko from the very beginning.

“Maybe yun ang iniisip ng tao kaya sinasabing third-timer ako.

"I don’t see anything wrong with it.

“Kasi kung meron kang gustong makuha o marating, and you know meron ka namang fighting chance, bakit naman hindi?

“Wala namang mawawala.

"Bakit ka susuko dahil sa isang beses na hindi ka pinagpala?

"Puwede namang mag-try uli."


A JOKE. Kamakailan lang, naging kontrobersiyal si Pia nang banatan siya ng netizens dahil sa kanyang tweet matapos ang laban nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr.

Napintasan siya dahil sa post niyang ito: “Kalma lang guys. Ako bahala, bawi tayo sa miss universe!!”

Mayabang at overconfident daw ang dating ni Pia.

Nang maalala ang isyu, napangiti ang beauty queen at saka nagpaliwanag.

Sabi niya, “I said it in jest. I was being funny.

"I’m sorry if it came about na mayabang in a different way.

“That was not what I meant. I meant well when I said that.

“I only want the best for the Philippines, this is not about me anymore.

“I’m going to represent the Philippines, it’s a responsibility, it’s fun, it’s an honor.

"But more than anything, it’s a responsibility, it’s a job.”

Marami naman ang bumilib sa kanya dahil hindi niya pinatulan ang bashers. Hindi niya sinabayan ng talakan ang mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Pia, “I think they say these things because they don’t know… hindi nila ako kilala siguro.

“Sa mga nakakakilala sa akin, alam nila kung paano basahin yung tweet na yun.

“Ganun lang naman [joke] yung ibig kong sabihin.

“Siguro lang kasi, yung timing ko rin, dun lang siguro ako nagkamali, masyado akong maagang tinweet yun.

“Kasi yung mga tao hurt pa sa result ng laban ni Manny.

"Sa tingin ko, bad timing lang yung joke ko."


HANGING TOUGH. Matapang siyang babae, go-getter, matatag. Saan niya nakuha ang mga ganitong katangian?

Sagot ni Pia, “One of it, it’s part of my personality and maybe the way I was raised also.

“My mom raised me and my sister, siya lang, single parent.

“So, sa akin, I look up to her, matapang siya.

“That’s why my advocacy is women empowerment because I see how women can stand on their own.

“I think it’s a mix of everything… the way I was raised, yung personality ko na rin na I don’t want to lose.

"So, try and try until I get it.

“And also I’m guided by my mentors who are very good and made sure that I’m always in the right direction.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN