Kris Bernal on possible romance with Aljur Abrenica: "I am open to that."

Kris Bernal reacts to harsh comments about her slim figure: "Gusto ko lang ipakita na I can be sexy, but of course sexy and classy at the same time."


Naging emosyunal si Kris Bernal sa pagdiriwang ng kanyang ika-26 kaarawan kasama ang ilang fans at piling single moms sa inihanda niyang fitness party sa Roxy Events Place, Tomas Morato, Quezon City, noong May 18, isang araw matapos ang kanyang aktuwal na kaarawan.

Matapos marinig ni Kris ang mensahe ng ilang malalapit na kaibigan, tagahanga, at ng kanyang ina ay naging emosyunal si Kris sa pagsabi ng kanyang birthday wish.

View photos here: LOOK: Kris Bernal shed tears of joy on her birthday

Pahayag ng Kapuso actress, “I feel so loved, alam mo yung nandiyan pa rin sila para sa akin.

"Parang feel ko lang na importante ako, lahat ng atensiyon nasa akin, na ganun ako ka-special."

Tinanong ng ilang miyembro ng press si Kris kung bakit siya naiyak.

Paliwanag niya, “Siguro dahil ang dami kong wishes na hindi para sa akin, para sa family ko, para sa mga sumusuporta sa akin, para sa career ko.”

BIRTHDAY WISH. Para sa birthday ni Kris, wala raw siyang ibang hiling kundi ang kaligayahan, kalusugan, at kaligtasan ng kanyang pamilya.

Saad niya, “Bukod sa career? Family, number one talaga sa wishes ko ang family.

“Kasi medyo hiwalay kami ngayon, so sana yung health nila, yung happiness nila, yung safety nila, yun talaga yung ipinagdadasal ko every day, yun ang wish ko every day.”

Inamin ng StarStruck alumna na nakatakda ngayong taon ang pagpapatayo niya ng dream house ng kanyang pamilya.

“Dream house talaga, dream house ng family ko.

“Para sa akin nga, kung sa akin lang, hindi pa time para magpagawa, e.

“Bata pa naman ako, hindi ko pa naman kailangan ng bahay.

“Pero ito talaga, para sa family ko.”

Nang tanungin kung magkano ang worth ng dream house niya, sagot ni Kris: “Naku, good luck! Ang mahal, mahal!”

REEL TO REAL. Kasalukuyang single ang 26-year-old actress, pero inamin niyang bukas naman siya sa pakikipag-date.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon ay mas gusto raw ni Kris na isang non-showbiz dahil mas tahimik at mas naiintindihan siya.

Pero bukas ba si Kris sa posibilidad na gawing totohanan na ang tambalan nila ng kanyang longtime onscreen partner na si Aljur Abrenica?

Sagot niya, “Sa akin, of course, I am open to that.

“But right now, I appreciate the relationship that we have, na-appreciate ko yun.

“Kung mahahaluan man ng more than that, baka mas mapasama pa.

“Sa ngayon, masaya ako sa relationship namin.

“And of course, it depends to Aljur. Hindi naman ako manliligaw kay Aljur.

"Pag sinabi ko bang ‘Oo, possible, may pag-asa siya,' e, kung hindi siya manliligaw, 'di ba?’”

Magkakaroon ba sila ulit ng project together?

Sagot ni Kris, “Meron. Posible siya.

“Natutuwa ako every time nagpo-post ako ng picture namin ni Aljur, iba talaga yung likes, iba yung dami ng comments, iba pa rin.

“So, nae-excite ako kung meron man.”

KRIS'S BODY. Kapansin-pansin din ang pagbabago ng katawan ni Kris, na bahagyang mas payat pa kumpara sa dati.

Inamin ng aktres na marami siyang natatanggap na pambabatikos tungkol sa kanyang katawan.

"Honestly, I get so many negative comments about it.

"Talagang yung iba, harsh na.

"Pero sa akin kasi, yung katawan ko naman dati, never naman ako tumaba.

"Ang sa akin lang, gusto ko lang mag-mature yung katawan ko.

"Kasi petite na talaga ako, totoo lang, small bone lang ako. Kahit tumaba ako, ito na yun.

"Gusto ko lang ipakita na I can be sexy, but of course sexy and classy at the same time."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN