Kris Aquino announces she will be part of Etiquette For Mistresses; to co-star with Kim Chiu and Claudine Barretto

Magiging abala sa paggawa ng pelikula ang Queen of All Media na si Kris Aquino dahil sa dalawang pelikulang gagawin niya. Una ay ang pagtatambalan nila ni Mayor Herbert Bautista, at ang pangalawa ay ang film adaptation ng librong Etiquette For Mistresses kung saan makakasama niya si Kim Chiu at posibleng si Claudine Barretto.


Inanunsiyo ni Kris Aquino na maliban sa pelikula nila ni Mayor Herbert Bautista ay may gagawin pa siyang isang pelikula sa Star Cinema.

Saad niya, “Sinasabi nga nila, kapag umuulan, it really pours.

“Today, I was… para sigurong everything fell into place.

“The project that I am hoping I could do, I am now allowed to do.

“So I can announce it already… under Direk Chito Roño po, ang title Etiquette For Mistresses.

“Yes, I am a part of the project.”

Ang Etiquette For Mistresses ay film adaptation ng libro ni Julie Yap Daza na Etiquette for Mistresses and What Wives Can Learn From Them.

Nagbigay rin ng clue si Kris kung sino pa ang makakasama niya sa pelikulang ito.

“Yes, somebody I’ve worked in the past and may box-office history rin is coming back to be part of that movie.

“She is very special to me and we also worked with Direk Chito.

“Parang giveaway na naman na kung sino ‘yon.”

Base sa clues na ibinigay ni Kris, halatang si Claudine Barretto ang kanyang tinutukoy.

Nagkasama sina Kris at Claudine sa horror film na Sukob na idinirek din ni Chito Roño.

Sabi pa ni Kris, “At ang isa pang makakasama diyan ay ang isa sa pinakamamahal kong si Kim Chu.

“Tatlo po kaming siguradong nandiyan.

“It’s a movie that I will be shooting simultaneously with the KrisTek [Kris-Bistek tandem] movie.

“Di ba? Why not?”

Natatawa pang pahayag ni Kris, “So, yun na nga, meron akong isang movie about two people trying to rekindle love.

“And I have another movie where I was trying to break up love!”

Ngayong araw, May 19, naman ay nag-post si Kris sa Instagram ng kanyang saloobin tungkol sa dalawang pelikulang nakatakda niyang gawin.

Dito na rin niya direktang binanggit na si Claudine nga ang isa sa makakasama niya sa Etiquette for Mistresses.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN