Cynthia Villar still the only billionaire in the Senate; Antonio Trillanes named as the poorest senator

Hinirang si Senator Cynthia Villar na nag-iisang bilyonaryo sa listahan ng mga pinakamayamang senador sa Pilipinas, base sa isinumiteng SALN ng mga mambabatas para sa taong 2014. Habang si Senator Antonio Trillanes IV ay mayroong pinakamababang net worth na hindi aabot ng P10 million. Sa kabilang banda, kasama pa rin sa mga pinakamayaman sina Senator Bong Revilla, Senator Jinggoy Estrada, at Senator Juan Ponce Enrile na kasalukuyang nahaharap sa kasong plunder.


Nangunguna si Senator Cynthia Villar bilang pinakamayamang senador sa bansa base sa isinumiteng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng mga mambabatas para sa taong 2014.

Si Senator Villar ang kaisa-isang bilyonaryo sa hanay ng mga senador, na may net worth na P1,983,480,135; zero liability; at total assets na nagkakahalaga ng P1,983,480,135.

Ayon sa ulat ng GMA News Online kahapon, May 18, tumaas ng P357 million ang net worth ni Senator Villar kaysa sa naitala noong 2013.

Si Senator Villar ay maybahay ng businessman at dating senador na si Manny Villar.

Pangalawa sa pinakamayaman si Senator Ralph Recto, mister ni Governor Vilma Santos, na may net worth na P522,006,655.21; liabilities na P78,682,635.26; at total assets na nagkakahalaga ng P600,689,290.47.

Tumaas ng P25 million ang net worth ni Senator Recto noong 2014, kumpara sa naitala sa kanyang SALN noong 2013.

Pangatlo sa pinakamayaman si Senator Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., na may net worth na P200,598,008.22; liabilities na nagkakahalaga ng P27,413,698.23; at total assets na P228,011,706.45.

Pasok din sa mga pinakamayamang senador, na may net worth na lampas P100 million, sina Senator Jinggoy Estrada, Senator Ramon "Bong" Revilla, at Senator Juan Ponce Enrile.

Ang tatlong senador ay kasalukuyang nahaharap sa kasong plunder dahil diumano sa pakikipagsabwatan nila sa itinuturing na pork barrel scam mastermind na si Janet Lim-Napoles.

Pang-apat sa pinakamayaman na senador si Senator Estrada, na may net worth na P192,808,545.13; liabilities na nagkakahalaga ng P21,056,092; at total assets na P213,865,546.13.

Pang-lima naman si Senator Revilla, na may net worth na P181,870,650.12; liabilities na nagkakahalaga ng P37,914,965.63; at total assets na P219,785,615.75.

Pang-anim si Senator Enrile na may net worth na P121,053,463; zero liability; at total assets na P121,053,463.

Pampito sa pinakamayaman si Senator Teofisto Guingona III na may net worth na P113,382,062.32; liabilities na nagkakahalaga ng P106,957,512.98; at total assets na P220,339,575.30.

Pangwalo si Senator Sergio Osmena III na may net worth na P100,770,000; liabilities na nagkakahalaga ng P4,500,000; at total assets na P105,270,000.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pangsiyam sa pinakamayaman si Senator Juan Edgardo "Sonny" Angara na may net worth na P100,357,100; liabilities na nagkakahalaga ng P15, 624,800; at total assets na P115,980,900.

Pangsampu si Senator Grace Poe na may net worth na P89,464,819.36; liabilities na nagkakahalaga ng P37,490,795.95; at total assets na P126,955,615.31.

Base sa panayam ng GMA News Online, nilinaw ng senadora na bahagyang bumaba ang kanyang net worth dahil walang katumbas na “acquisition cost” ang mga minana niyang properties mula sa yumao niyang ama na si Fernando Poe Jr.

Ito ay alinsunod sa probisyon ng Civil Service regulation na hindi kasali sa computation ang properties na nakuha sa pamamagitan ng donasyon o inheritance.

Gayunman, kasama sa mga itinala ni Senator Poe sa kanyang 2014 SALN ay ang properties niya sa Metro Manila, Batangas, Rizal, Baguio, at Bataan na napabalitang minana niya mula sa kanyang yumaong ama.


SENATORS WITH NET WORTH LESS THAN 100 MILLION. Samantala, nasa ika-11 puwesto si Senator Joseph Victor "JV" Ejercito, anak ni Manila Mayor Joseph Estrada at half-brother ni Senator Jinggoy Estrada.

Siya ay may net worth na P75,517,222.66; liabilities na nagkakahalaga ng P78,354,970.25; at total assets na P153,872,192.91.

Nasa ika-12 puwesto si Senator Pilar Juliana "Pia" Cayetano, na may net worth na P73,411,196.38; liabilities na nagkakahalaga ng P4,868,874.68; at total assets na P78,280,071.06.

Nasa ika-13 puwesto naman si Senator Franklin Drilon na may net worth na P73,125,857.99; zero liability; at total assets na P73,125,857.99.

Nasa ika-14 puwesto si Senator Miriam Defensor-Santiago na may net worth na P73,033,359; liabilities na nagkakahalaga ng P50,000,000; at total assets na P120,133,539.

Nasa ika-15 puwesto si Senator Vicente "Tito" Sotto III na may net worth na P64,280,462.52; liabilities na P88,339,612; at total assets na P152,620,072.52.

Nasa ika-16 na puwesto si Senator Maria Lourdes Nancy Binay na may net worth na P62,558,816; liabilities na nagkakahalaga ng P53,993,789; at total assets na P116,552,605.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasa ika-17 puwesto si Senator Loren Legarda na may net worth na P39,669,263; liabilities na nagkakahalaga ng P21,525,000; at total assets na P61,194,263.

Nasa ika-18 puwesto si Senator Manuel "Lito" Lapid na may net worth na P33,800,000; liabilities na nagkakahalaga ng P94,700,000; at total assets na P128,500,000.

Nasa ika-19 puwesto si Senator Paolo Benigno "Bam" Aquino na may net worth na P24,536,486.59; liabilities na nagkakahalaga ng P8,850,000; at total assets na P33,386,486.59.

Nasa ika-20 puwesto si Senator Alan Peter Cayetano na may net worth na P23,314,540; liabilities na nagkakahalaga ng P5,032,034; at total assets na P28,346,574.

Pang-21 sa listahan si Senator Gregorio Honasan II na may net worth na P21,225,615.91; zero liability; at total assets na P21,225,615.91.

Pang-22 sa listahan si Senator Aquilino Pimentel III na may net worth na P18,004,720; zero liability; at total assets na P18,004,720.


POOREST SENATORS IN THE PHILIPPINES. Samantala, consistent na nahuhuli sa listahan ng pinakamayamang senador sa bansa sina Senator Senator Francis Joseph "Chiz" Escudero at Senator Antonio Trillanes IV, na may net worth na hindi aabot sa sampung milyong piso.

Ika-23 sa listahan si Senator Francis Joseph "Chiz" Escudero na may net worth na P6,049,082.09; zero liability; at total assets na P6,049,082.09.

Ika-24 sa listahan si Antonio Trillanes IV na may net worth na P5,549,000; liabilities na nagkakahalaga ng P7,910.000; at total assets na P13,459,000.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN