Piolo Pascual finally gets Box Office King title

Piolo Pascual on being chosen as Box Office King: “Not for anything, but it’s one thing na talagang ipinagdasal ko, pinangarap ko, and now it’s there, it’s announced. Dream come true for me. It’s a validation. But more than that, it’s like something that you wanted and you get it, sobrang nakakatuwa.”


Sina Piolo Pascual at Toni Gonzaga ang pararangalang Box Office King & Queen sa 46th Box Office Entertainment Awards, ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF), na gaganapin sa Solaire Resort and Casino sa June 14.

Ito ay para sa pagiging topgrosser ng kanilang pelikulang Starting Over Again noong 2014.

Read: Piolo Pascual and Toni Gonzaga named 2014 Box Office King & Queen; Vice Ganda retains Phenomenal Box Office Star title

Hindi naman maitago ni Piolo Pascual ang kanyang kasiyahan dahil sa wakas ay nakuha na niya ang titulong Box Office King.

Sabi niya, “Finally! I’m thankful of course sa Guillermo…

“I can’t wait to see that trophy ‘coz I always wanted that.

“Not for anything, but it’s one thing na talagang ipinagdasal ko, pinangarap ko, and now it’s there, it’s announced.

“Dream come true for me. It’s a validation.

“But more than that, it’s like something that you wanted and you get it, sobrang nakakatuwa.”

Dagdag ng Kapamilya actor, “I think I got Mr. RP for four times, finally ibinigay din [ang Box Office King title].

“So, I’m really thankful and grateful.”

Kung si Piolo ang itinanghal na Box Office King, ang anak naman niyang si Iñigo Pascual at ang kapareha nitong si Sofia Andres ang napiling Most Promising Loveteam.

Kaya masasabing double victory ito para sa mag-ama.

Reaksiyon dito ni Piolo, “Grabe, nakakatuwa! He’s on a roll, I’m really happy for him.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Piolo sa studio ng ASAP 20, noong Linggo, May 17.


MOVIE WITH SARAH. Sa ngayon ay tinatapos ni Piolo ang pelikulang pinagtatambalan nila ni Sarah Geronimo.

Marami ang nag-e-expect na dahil naging box-office hit halos lahat ng mga pelikulang ginawa nina Piolo at Sarah, magiging isang malaking tagumpay rin ang pelikulang pagsasamahan nila sa kauna-unahang pagkakataon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Piolo tungkol dito, “Hindi ko iniisip yung pressure, hindi ko iniisip yung mga outcome.

“Basta ako, as long as I perform, I deliver, gagawin ko kung ano ang magagawa ko.

“Anuman ang maging resulta, bahala na ang Diyos, bahala na ang mga tao.

“Ang trabaho ko lang ay gawin ang trabaho ko nang maayos.”

Kumusta naman ang working relationship nila ni Sarah?

Saad ng Kapamilya hunk, “She grows on you.

“I was surprised kasi, for the first few days, napakamahiyain, napaka-giddy.

“Pero nung last few shooting days namin, nakikita ko talaga she’s a good actress.

“She has this aura na makikita mo na napaka-light, napakagaan, ang sarap lang niyang panoorin.”

Mayroon ba silang kissing scene sa pelikula?

“Kissing scene? Wala pa.

"Kung mayroon man, I haven’t read the script... we’ll see.

“Basta we’ll see what will happen.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN