Enzo Pineda on woman claiming she’s the real mom of Louise delos Reyes: "It’s not true."

Enzo Pineda’s message to ex-girlfriend Louise delos Reyes: “Yung mga isyung ‘yan, wala lang ‘yan. Malalagpasan mo ‘yan. Just stay strong. Alam mo naman kung ano ang totoo. Ipaglaban niyo na lang kung ano ang totoo. At saka, wala lang ‘yan, challenges lang ‘yan sa buhay, and everybody goes through that naman.”


Asam ni Enzo Pineda na maayos na kung anuman ang problemang pinagdadaanan ngayon ng kanyang ex-girlfriend na si Louise delos Reyes.

Ito ay kaugnay ng paglabas ng isang babae sa 24 Oras na nagsasabing siya ang tunay na ina ni Louise, bagamat may ibang kinikilalang ina ang Kapuso actress mula pa nang pagkabata niya.

Nagkaharap na raw si Louise at diumano’y nagke-claim na biological mother niya.

Sa presscon ng bagong teleserye ng GMA Network na My Mother’s Secret kagabi, May 19, ay tinanong si Enzo kung nagpahatid na siya ng mensahe kay Louise nang malaman niya ang tungkol sa paglantad ng diumano’y tunay na ina nito.

Sabi ng StarStruck alumnus, “Hindi po, kasi ngayon ko lang din nalaman.

“Nakakagulat din, in a way, na may mga ganyang isyu.

“Kasi, wala namang nagkukuwestiyon noon and, para sa akin, it’s not true.”

Mas pinaniniwalaan pa rin daw ni Enzo na ang Mommy Elvie ni Louise ang tunay na ina nito.

May nagsabi naman kay Enzo na bago pa lang sa showbiz noon si Louise ay may mga ganun na talagang isyu sa ex-girlfriend.

Reaksiyon niya dito, “Well, I do think… may mga kanya-kanyang comment naman ang mga tao sa family niya.

“Sometimes it can be rude to her family.

“For me, it’s not true, and sana maayos ang problema.”

MESSAGE FOR LOUISE. Noong sila pa ni Louise, hindi ba nila napag-uusapan ang tungkol sa ibang babae na nagke-claim na siya ang tunay na ina ng aktres?

Sabi ni Enzo, “Hindi po. Para po sa akin, kamukha naman niya ang mom and dad niya.”

Kahit si Louise, hindi niya nakitang nagkaroon ng pagdududa dati?

“Hindi po,” sambit niya.

Nakita rin naman daw ni Enzo kung gaano kalapit si Louise sa mga magulang nito.

“Sobrang close sila ng mom and dad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“For her, family is number one beside work.

“So, I never thought na may ganyang lalabas na issue.

“And, I think, malalagpasan nila yun.”

Pero may nagpaalala kay Enzo na madalas din mabalita na palaging may isyu o tampuhan sa pagitan ni Louise at ng mommy nito.

Sabi niya tungkol dito, “Well, tingin ko, yung mga issues nila with each other, wala lang, tampuhan lang.

“Kahit ako, with my family naman, normal naman ang mga problems and challenges.”

Na-witness niya ba ang mga isyu noon ng pamilya ni Louise?

Ayon kay Enzo, “I never saw them fight naman.

“Kung meron man, parang tampuhan lang, it’s not something big.

“At alam ko naman na mahal na mahal nila ang isa’t isa.”

Nagbigay rin ng mensahe si Enzo para sa ex-girlfriend.

Aniya, “Yung mga isyung ‘yan, wala lang ‘yan.

“Malalagpasan mo ‘yan. Just stay strong.

“Alam mo naman kung ano ang totoo.

“Ipaglaban niyo na lang kung ano ang totoo.

“At saka, wala lang ‘yan, challenges lang ‘yan sa buhay, and everybody goes through that naman.”

“WE’RE OKAY NOW.” Tinanong din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Enzo kung kumusta na sila ni Louise ngayon.

Matagal-tagal na mula nang mag-break sila, at ngayon nga ay may non-showbiz girlfriend na rin si Enzo.

Nang makausap ng PEP si Louise kamakailan, inamin nitong hindi niya masasabing naging magkaibigan sila ni Enzo pagkatapos ng breakup nila.

Pero ayon kay Enzo, “With me and Louise, we’re okay now.

“Yun lang, wala kaming problema. We have our own things.

“May kanya-kanya kaming buhay at masaya na kami.

“Ako, I’m very happy.

“Wala akong grudges or anything.”

Nagpapansinan naman sila?

“Yeah, we do,” sagot ni Enzo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN